chapter twenty

2 0 0
                                    


"Anak" nilampasan ko lang si Mommy. 3 days na rin simula ang nangyaring bangayan at 3 days ko na ring hindi siya kinikibuan. Hindi ako galit sa kanya. At alam iyon ng Dios ngunit ayaw ko lang talagang makipag-usap sa kahit na sinong tao ngayon. Pumupunta lang ako sa ospital para i-check ang kalagayan ng kambal ko at aalis din agad para magpunta sa kahit saang lugar para maghanap ng heart donor.

Okay na ang blood donor ni Artemis. Si Tito Cy- nagpumilit siyang magdonate at sino ba naman ako para tanggihan ang grasya? Noong una ayoko sana ngunit nagpumilit talaga siya. Total para to sa kapatid ko naman iyon.

Ring~ Ring~ Ring~

"Yes hello" bati ko sa caller. Di ko na tiningnan kong sinong tumawag dahil wala akong time. Andito na naman kasi ako sa isang charity para magtanong kung may available ba silang slot para sa heart donor.

"May nahanap na kaming heart at compatible sila ni Art" parang may tinik sa dibdib ko ang nabunot pagkarinig ko sa sinabi ni tomboy. Tumulong din kasi sila sa paghahanap kahit anong pilit kong sabi na hindi nila kailangan tumulong at magfocus nalang sila sa pag-aaral para sa entrance exam para sa college.

Yes. Graduate na po kami kaso di ko feel ang moment nang graduation . Although nakapagmarch naman ako sa pagpupumilit ng mga kaibigan kong dumalo. "Pero may problema tayo. Mukhang ayaw ng pamilya niya na ibigay ang puso ng pasyente lalo na pagkarinig niya sa kung sino ang nangangailangan" akala ko okay na, 'yon pala hindi pa.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sino ba 'yong pamilya ng may-ari ng puso?" Nagtataka kong tanong. Bakit ba ayaw niyang i share ang blessing na bigay ng Dios?

"Her name is Scarlett, Scarlett Montes" nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Scarlett Montes. That person.

"Are you sure kakausapin mo siya?" Tanong ng pinsan ko pagkadating namin sa harap ng bahay ni Scarlett Montes.

"Yes" buo na ang desisyon ko. Kung kailangan kong lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko para lang mailigtas ang kapatid ko.

"Pero Insan, hindi ba ayaw niya sa'yo? Err.. Masama ang kutob ko dito Insan eh. The first time na nakita ko siya nakakatakot siya-"

"It's okay Chelsea" Nakangiti kong sabi sa kanya. Andito na ako sa harap ng bahay nila.
I sighed. Akala ko hindi ako kakabahan pero nagkamali ako.

"Ayon siya Insan" napatingin ako sa taong kalalabas lang ng bahay. Alam kong kinakabahan din siya gaya ko. "I-insan" tawag ni Chibi sa akin nang hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa babae.

"What are you doing here!" Halos matinag ako sa tono ng boses niya. "If my husband's heart ang ipinunta mo dito pwes wala kang mapapala! Never ko ibibigay ang puso niya!"

"Pero ma'am nasa donor list po ang i-"

" then I don't care! Kamamtay lang ng asawa ko. Mahiya ka naman! Oh I forgot, kasing kapal ka rin pala ng nanay mong malandi! " Putol niya sa akin. Bigla namang lumapit sa amin ni Insan.

"Ma'am please po, kailangang-kailangan po talaga namin iyon. 'Yon nalang po talaga ang last chance ng pinsan ko. Kaya please po pagbigyan niyo po kami and condolence po" malumanay'ng sabi ng pinsan ko.

"Tita-"

"Don't you dare to call me Tita di kita ka anu-ano! At isa pa anak ka ng bastardo kong asawa. Mas mabuti na ngang mamatay siya para kahit papaano mabawasan naman kayo kahit-"

"Mommy" napatingin ako sa lalaking kalalabas lang din.

Andito siya!

"Hi dear son" biglang naging mahinahon ang boses ni Tita Scarlett pagkarinig niya sa boses ng anak. "How do you feel right now?"

"I'm fine" nilagpasan lang niya kami. "I need to go somewhere" di ko alam kung sino sa amin ang sinasabihan niya but some part of me na nagbabasakaling ako.

"Oh ano pang tinatayo-tayo niyo diyan! Umalis na kayo!" Pagtataboy ni Tita sa amin pagkaalis ni-

"Ma'am plea-"

"Alis!" Putol niya kay Insan.

"Tita. Please po kailangan po ng kambal ko-"

"I don't care! Kahit mamatay pa siya! Mas ikakatuwa ko nga kung mawala siya sa mundo 'tong!" Doon na ako napaiyak.

"Tita" sambit ko habang umiiyak. "Tita-" nilapitan ko siya ngunit itinulak lang niya ako.

"Insan!" Yumuko ako at lumuhod kay Tita. Alam kong mabait si Tita. Galit lang siya dahil sa nangyayari between sa pamilya namin. Kahit ako gusto kong magalit kina Mommy ngunit hindi ko kaya, Mommy ko pa rin siya.

"Insan wala na siya" kanina pa umalis si Tita sa harap namin at pumasok ngunit nagbabakasakali akong babalik siya.

"Umalis na kayo" bigla akong napaangat ng tingin. "My Mom will not help you" sabi niya sabay alis na naman.

"Lee" sambit ko bago. Nakita ko siyang huminto ngunit hindi siya lumingon. "Lee Michael!" Sigaw ko sa kanya ngunit naglakad lang siya ulit. At doon na talaga ako nanghina. Hindi ko kayang mawala si Artemis. Di kakayanin. Ikamamatay ko iyon.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Chan♥

Certified StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon