Chapter 14- friendship

38 0 0
                                    

Tamang desisyon talaga na si Maiko ung nahingan ko ng tulong...

Inaalalayan nya ako kapag napapansin nyang nalulungkot ako...

''so, gano na kayo katagal ni Bes?'' tanong ni Rhia kay Maiko...

Nasa Mcdo kame ngayon para kumain...

''halos one-week pa lang kame...'' sagot ni Maiko tapos nagsmile sakin bago kay Rhia...

''wow...bago pa lang pala kayo...hmmm...naku...ingatan mo yang bes ko ha!! Lagot ka samin ni Janus pag pinaiyak mo yan....di ba Janus??'' sabi ni Rhia

tinignan ko si Janus...tumango lang sya...

''don't worry...di ko pababayaan si Tin...'' sagot ni Maiko tapos inakbayan nya ko...

Pagkatapos namiung kumain... Nag-aya si Rhia manuod ng sine...

Si Maiko na yung nagpresinta para pumila para bumili ng ticket... Si Rhia naman nagpaalam na mahg-CR lang sya...

Kaya kame lang ni Janus naiwan ngayon...

Ewan ko ba bigla akong nakaramdam ng pag-kailang sa kanya simula pa kanina... Gusto ko syang makita na ayaw ko...

''ikaw ah...di ka nagsasabi may boypren ka na pala...''

nagulat ako ng biglang kinausap ako ni Janus...

''h-ha?? Ah...busy kasi kaya di ko na naikwento...saka kaya nga dinala ko sya ngayon dito para nga makilala nyo sya...saka bago pa lang naman kame...'' sagot ko naman

''siguro ikaw nanligaw dyan no??''

''hoy kapal... Di ako ganun...tanong mo pa sa kanya... Sya ang patay na patay sakin no...'' sagot ko ulit

''weh?? Pinikot mo lang yan eh...'' asar nya sakin

''di ko kailangang mamikot...'' inirapan ko na sya...napipikon na ako eh...ewan ko kung bakit pero bigla akong naiinis sa mga pinagsasabi nya kahit sanay naman kaming mag-asaran...

''tss! Nagkaboyfriend ka lang di ka na marunong makiasar...tss!!'' sabi ni Janus ung boses nya parang nagtatampo

nakakabaliw na... Bakit ganito?? Ako ung nakaisip ng plano na magkunware kame ni Maiko...kasi akala ko magiging ok ako...

Pero bakit ganito?? Naiilang ako kay Janus dahil may kasama akong ibang lalaki...ang iniisip ko pa rin baka sakaling nagseselos sya...pero nung makita ko naman na bale wala lang sa kanya na kame ni Maiko...naiinis ako...

Tapos ngayong narinig ko kay Janus na nagtatampo sya... Umasa na naman ako na baka nga nagseselos sya...

Pero ano nga bang aasahan ko?? Mahal ni Janus si Rhia...at kahit ilang lalaki pa ata ang ipakilala ko sa kanya na boyfriend ko... Ok lang sa kanya... Siguro kaya lang ako naiinis kasi nga walang epekto sa kanya...ang epekto lang eh nagtatampo sya dahil hindi na ako nakikipag-asaran sa kanya...wala ng iba...yun kasi ang kaligayahan nya...ang makitang asar na ako...

''b-baka kasi magselos si Maiko...'' palusot ko na lang

"selos? sus! kung mahal ka talaga nya...kahit ilang lalaki pa ang lumapit sa kanya...basta alam mong mahal ka nya...hindi ka basta basta mag-seselos..."

"wow...nahiya naman ako sa words of wisdom mo noh...sino kaya satin yung nagdrama nung makitang may kasamang ibang lalaki si bes??? tss!!"

derederecho kong sabi...huli na ng maisip ko parang ang harsh ko naman sa mga sinabi ko sa kanya...

napakagat ako sa labi...anu ba naman kasi tong dilang to walang preno...

nakita kong ngumiti sya ng bahagya...

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon