Chapter 1-

118 2 5
                                    

"Mama babalik na po ulit ako dun sa bahay namin ni Levin...ang dami ko na rin pong naiwangtrabaho..."

"Ngayon ka na ba aalis? Gabi na. Ipagpabukas mo na lang yan... "

"Ok lang po ako mama, malapit lang naman po yun eh...saka di pa naman sobrang gabe...saka naka-ayos na rin naman po gamit ko. Sige na po. Mauuna na po ako." nag-paalanm na din ako pati sa papa at sa mga kapatid ko.

ang tagal ko ring nag-absent sa trabaho dahil sa nagkasakit si mama at wala naman sila ate para sila ang magbantay kay mama sa ospital. Sabi ni Tricia meron daw munang kinuhang kapalit para sa trabahong naiwan ko.

Lumabas na ako ng bahay para mag-abang ng tricycle. Madami rin akong bitbit noh! BIgat kaya neto.

"Tin!!"

napalingon ako sa tumwag sa maganda kong pangalan...

[A/N: ayan nasabihan na kitang mganda,...pero pangalan lang ha!!!]

omigas! si Janus!

kusang napangiti ang mga kissable lips ko ng makitang sya ang tumawag sakin.

"Janus...gabi na ah anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Hihingi sana ako ng favor sayo eh..."

as usual naman...pero as usual din namn sakin...di ako tumatanggi...

"Ano yun? Naku, may surprise ka na naman para kay bes??" tanong ko sagot ko...

"Oo eh...monthsary namin ngayon eh..." nakangiting sabi nya sakin.

ang swerte talaga ni bes sa boyfriend nyang to!!!

ang sweet sweet...laging gumagawa ng effort para pasayahin si Rhia...gwapo pa tapos mabait pa!!! naku....

kung magkakaboyfriend ako gusto ko si Janu-- I mean katulad ni Janus...yun...

''Anong plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko sana syang ayain kumain ng dinner...."

"Oh, ayun naman pala eh maganda yun...tawagan mo na!"

napakunot ang noo ko ng di sya makasagot at nagkamot lang ng ulo.

"Oh, bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Galit kasi sya sakin eh..."malungkot na sagot nya sakin.

"Eh? bakit? anong nangyare?" tanong ko sa kanya. Naplingon ako sa tindahan sa malapit sa kinatatayuan namin.

"Teka nga, umupo muna tayo dun...nangalay ako eh..." naglakad na ako papunta sa upuan sa tindahan.

"Tin!!" tinawag ulit ako ni Janus.

"Oh??" sagot ko sa kanya tapos prenteng umupo na ako sa upuan.

"Sayo ba tong mga to?"

napatingin ako sa mga bag na tinuro nyang naklapag sa sahig.

mabilis pa sa alas kwaro na binlaikan ko yung mga bag ko tapos binitbit ko..

babalik na nga pala ako sa bahay namin nila Levin...

akalain mong nakalimutan ko na...

si Janus kasi eh...

nakakalimot ako sa mga bagay-bagay dahil sa presensya nya....

"Ang kulit mo talaga...ako na magbibitbit..." natatawang sabi sakin ni Janus tapos tinulungan nya ako sa pag bitbit ng mga gamit ko...

alam nyo yung sa pelikula....

yung slow motion yung paglipad ng buhok ko...

tapos yung nagtama yung mga mata nyo....tapos yung nakakasilaw na ngiti galing sa kanya...

forgive me, my dear bestfriend, Rhia,  for I have sinned...

pero di ko mapigilang pagnasahan ang boyfriend mo....

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon