Our friendly date part 2

55 2 15
                                    

"Janus...Chicboy ka ba??" siryosong tanong ko...

"Oi, ano ka...stick to one ako no! alam mo yan!"

defensive...

"Ang defensive naman..."

pero naitanong ko lang naman yun kasi ang tahimik namin...

galit galit nung kumain

"Mga tanong mo kasi nonsense eh..." sabi nya

"Wow, ikaw kasi full of sense??"

"Oo naman!!!" tapos magana na syang kumain..

ah talaga?? full of sense ka??? eh bakit di mo masense na---

erase...wala na nga pala...

ang kulit ng kokote ko...

"di mo ba susunduin ngayon si Rhia??" tanong ko

"Hmm?? hindi, nagpaalam ako sa kanya...saka baka magsawa yun sakin kung lagi na lang nya makikita tong gwapo kong muka..."

"wow...ang lamig dito bigla...kuya!! pakihinaan nga po ung aircon!! whoo!! hangin!!"

"Hahahahaha!! ang sama talaga... sayo muna ako ngayon...namimis na kita kasama eh..." siryosong sabi nya...

natigilan ako nung narinig ko yung sinabi nya pero mabilis din naman akong nakabawi..

"Akalain mong namimis mo rin pala ako..."tumawa ako pagkaraan ng ilang segundo sumiryoso na din ako...

"Ako rin eh...namiss kita kakulitan..." nakangiting sabi ko sa kanya..

"Asus! nagdrama oh wahahahaha!!! sabagay...naalala mo pa, lagi tayong nag-aasaran, nagbabarahan nung highschool??"

"Oo naman! lagi kang sabon sakin!!"mayabang kong sagot sa kanya!!

"kapal mo!! lagi ka ngang namimiskal eh!!! siguro pasimpleng tsansing ka sakin nun no!! aminin mo na kasi may lihim kang pagnanasa sakin!!"

binato ko sya ng butil ng kanin..

"kapal mo lang ha...ako pagnanasahan ka?? ewww!! baka ikaw...kaya mo ko pinipilit na nagnanasa ko sayo kasi ikaw talaga nagnanasa sakin!!"

"kapal!! si Rhia lang pinagnasahan ko no!!"

natigilan ako sa sinabi nya...

ouch!!

"H-hala..ang baboy talaga!! pinagnanasahan mo pala si Rhia!!!!!!!!"

"Oi joke lang!! hehehe..."

"wala nasabi mo na susumbong kita!! May pagnanasa pala ah...eeeww...manyak! ate ingat kayo sa lalaking to ah...manyak to...wahahaha...!" muntanga lang ako na kinakausap yung mga dumadaan sa gilid namin hahahaha!!

"hoi mahiya ka nga..teacher ka pa naman tapos ganyan ka..."

"Oo na talo ka lang eh..." kumain na ulit ako...

nakatapos na kame kumain..

"san na tayo ngayon??" tanong ko sa kanya

"Hmmm..."

tapos hinila nya ako bigla

"Oi san tayo pupunta??"

"sa tronix..."

"anung gagawin natin dun??"

"Kakain?? magpapicture natural!"

"Eh? bakit? ayaw ko nga!! baka isipin magjowa tayo, nakakadiri..."

pero pwede din..konting pakipot din tin...hahahah!!

"Ang arte!! eh san mo gusto??" tumigil na kame sa paglalakad...

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon