wala na akng ibang naisip na paraan para kahit papano naman malusutan ko tong pinoproblema ko ngayon...
Alam ko isa tong malaking kalokohan pero kalokohan lang naman to eh... Basta wag lang maiinlove sakin si Maiko kundi lagot ako kay Tricia...wahaha mawawalan sya ng lablayp!
Pero ok lang yun wala pa namang namamagitan sa kanila...saka pansamantala lang naman...gusto ko lang mapaniwala si Janus na may bf na ako...
Di ko sigurado kung anong dahilan ko kung bakit ko to ginagawa pero sa ngayon, ang dahilan ko lang ay para protektahan ang sarili ko...alam ko naman na maiintindihan ako ng mga to kasi alam naman nila ung pinagdadaanan ko...
Saka ko na lang ikukwento kay Maiko...ang mahalaga...pumayag sya...
''Maiko!!! Naku!!! Salamat talaga!!! Yaan mo, babawi ako sayo...ililibre kita kahit anong gusto mo...'' masyang sabi ko sa kanya...sa sobrang saya ko nagtatatalon pa ako.
''sabi mo yan ah, kahit ano...'' nakangiting sagot naman nya...
''ayos ah, sige makihalo ka sa trip ni Tin...'' sabat ni Tricia
whoo...kung alam ko lang,..
''selos ka lang eh, wag ka mag-alala di ko aagawin sayo si Maiko...'' asar ko sa kanya..
''baka aagawin... Di ko yan type...'' sabay irap.
''wag mo na yan pansinin... So, pano tayo naging mag-boyfriend at girlfriend?'' tanong ni Maiko...
Di ko agad nagets yung tanong nya...
'' I mean pano pag tinanong kung pano naging tayo...anong kwento ng lablyf natin??'' paliwanag nya...
''aaahhh....'' ako.
''hmmm...si Tin ang nanligaw sayo!'' suhestyon ni Aly
'' O kaya...,pinilit ka ni Tin na maging kayo...'' si Levin
ang sasama ng ugali nito imbis na makatulong nanggugulo lang!!
'' hmm... Naging close tau tapos nagkadevelopan tayo...'' sabi ko...
''parang kwento naman nila Janus at Rhia yun eh..'' sabi ni Aly
'' Oo nga...dapat yung unique naman ung kwento...'' sabi ni Tricia
''eh ano??'' tanong ko
''hmmm... Ganito... Dati kayong schoolmate, pero d mo un alam nung una, tapos matagal ng may gusto sayo si Maiko...kaya sinundan ka nya dito sa school tapos ngayon naglakas loob na syang manligaw sayo kaya ayun sinagot mo na sya!!'' si Tricia
'' hmmm pwede na...'' sagot ni Maiko...
Astig talaga ni Maiko...go with the flow lang..whooo...kung d lang to para kay Tricia sya na lang sana sakin eh... Hahaha joke...
''o-ok...pwede na yun...salamat Tricia!!''
'' so pano alis na kau ni Maiko at baka naghihintay na sa inyo sila Janus at Rhia...'' sabi ni Levin
''oo nga, pakilala mo ng maayos si Miako ah...good luck sa inyo..'' si Aly
tapos nagpaalam na kame ni Maiko sa kanila...
''maiko...pasensya na ha..., yaan mo babawi talaga ko sayo...promise!''
kasalukuyan kaming naglalakad na papunta sa labas ng school...
''ok lang yun... Minsan masarap ding gumawa ng kalokohan eh...''
''oo nga tama ka dyan...''
''pero pwede bang malaman ko muna kung bakit natin to ginagawa??''
kinuwento at pinaliwanag ko sa kanya lahat...mabuti naman at naintindhan nya ako...
''pano pag nalaman ng bestfriend mo na may gusto ka sa bf nya?'' tanong ni Maiko
''un nga ung iniiwasan kong mangyare...mas mahalaga sakin ung friendship eh...kaya nga eto nagpipigil ako... Ang hirap nitong ginagawa ko ah!! Pareho ko kasi silang kaibigan...''
''Tin!! Bes!!'' napalingon ako dun sa direksyon ng tumawag sakin...si Rhia...magkaholding hands sila ni Janus...
Ngumiti ako sa kanila tsaka kumaway...
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Maiko yung kamay ko...
'' just be yourself... Andito lang ako...'' sabi pa ni Maiko...
''hi bes!!'' niyakap ako ni Rhia tapos tumingin kay Maiko na nakangiti naman kay Rhia ngayon
..
''ah...Rhia... S-si Maiko nga pala...boyfriend ko... Maiko si Rhia, my bestfriend...'' pakilala ko sa kanila..
''wow Tin may bf ka na pala d mo man kang sinasabi... Hi, Maiko.. I'm Rhia...nice meeting you...ah! Nga pala si Janus...my boyfriend...di mo man langpinakilala Tin!! Hehe'' si Rhia
''nice meeting you too, Rhia , I've heard a lot about you... I'm Maiko... Tin's boyfriend...'' tapos inilahad ni Maiko yung kamay kay Janus...
Tinignan ko si Janus...nakatingin lang sya sa kamay ni Maiko...
''Janus...''
hay buti naman at inabot at tinaggap nya ang kamay ni Maiko...
''ah... Sinama ko nga pala si Maiko sa pag-labas natin para makilala nyo yung boyfriend ko.. Ok lang ba??'' tanong ko sa dalawa
''oo naman bes! Mag double date tayo!! Ang saya naman!!! Lika na? San nyo gusto mag date??'' aya ni Rhia saka yumakap sa braso ni Janus...
Hindi ko maiwasang tignan kung gano sila kasweet...kung gano nila kamahal ang isa't isa...
''Let's go...'' si Maiko...umakbay sakin then he smiled at me...
A smile na parang nagsasabing 'ok lang yan'...buti na lang si Maiko ang nahingan ko ng tulong...
------
dito na lang po muna...
Comments...
Reactions...
Votes!!
Yehey!! Salamat sa 500+ reads!!! Salamat po sa mga silent readers at sa mga maiingay na readers na laging nagcocomment!! Haha...
Pakibasa rin po yung iba pa pong stories... Salamat po!!

BINABASA MO ANG
Playful Love
RomantikKristine is secretly in love with Janus..ang boyfriend ng bestfriend nyang si Rhia. Tinutulungan nya si Janus sa mga pakulo nitong ka-sweetan para sa bestfriend nya. And guess what? She's doing these things ng buong puso--as in buong PUSO, with LOVE...