Chapter 4

95 2 3
                                    

"Gusto kong ligawan si Rhia...and I would like to ask for your help..."

end of flashback....

at ayun na nga...makakatanggi ba ako sa 'kaibigan' ko??

nung una patago kay Rhia ang ginagawa kong pagtulong kay Janus sa panliligaw sa kanya.

sabi ko kasi kay Janus na baka isipin ni Rhia na hindi nya kayang gawin yun na sya lang mag-isa..na kailangan nya pa ng tulong ko sa panliligaw...

akala ko sa umpisa lang yun...

kaso ayun, nasanay na ata si mokong na lagi ko syang tinutulungan hanggang sa kanina nga...

"I...I'm sorry Tin..." binitiwan na nya yung kamay ko...

hindi ko mapigilan na malungkot para kay Janus...

ang sarap kumanta ng

kung ako na lang sana ang yong minahal di na muling mag-iisa...

kung ako na lang sana ang yong minahal di ka muling luluha pa!!

di ka na mangangailangan pang humanap ng iba!!!!

narito ang puso ko, naghihintay lamang sayo...ooohhh...

kung ako na lang sana!!!

yun nga siguro ang themeson ng bigo kong puso ngayon.

gusto kong yakapin si Janus para i-comfort sya...pero pinpigilan at kinokontrol ko ang sarili ko.., baka sa oras na gawin ko yun..hindi ko na mapigilan yung sarili ko na mapaamin...

baka di ko mamalayang unti-unti ko na pa lang hinuhulog yung sarili ko sa sarili kong hukay dahil unti-unti ko na pa lang sinasabi kay Janus lahat ng tinago kong pagtingin sa kanya...

baka...

"Tin...bakit ganon?"

napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nung marinig kong nagsalita ulit si Janus.

"Bakit...bakit parang nag-iba na sya??" dugtong nya...

lumapit ako sa kanya...

"Hala ngdrama?? Upo nga muna tayo...ang layo rin ng nilakad natin no!! lika dali!!"

sa pagkakataong to, ako naman ang humila sa kanya nung hindi sya gumalaw sa pagkakatayo nya ng ayain ko syang maupo muna...

nasa basket ball court kame ngayon...

umupo ako sa isa sa mga sementadong upuan sa gilid ng court...

huminga muna ako ng malalim tapos inikot ko yung paningin ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita

wala na palang tao at sa moon na lang galing yung liwanag...gabing gabi na nga siguro at patay na ang mga ilaw sa mga bahay...

"Naglalaro ka ng basketball diba??"

di sya sumagot. blankong ekspresong nakatingin lang sya sakin...

inaasahan nya siguro na ang pag-uusapan namin ay tungkol s aproblema nya pero ang tanong ko naman sa kanya eh malayo sa pinoproblema nya...

"Siryoso ako...sagutin mo ko..." tinaasan ko sya ng kilay para medyo matakot naman sya at sumagot sya.

tumango naman sya...

"Akalain mo yun no?? bano ka nga pala...hahahaha!!"

"Tin naman eh, kala ko ba siryoso ka??" iritadong wika nya.

tumigil na ako sa pagtawa pero hindi ko tinanggal ang ngiti ko...

pinokus ko lang yung tingin ko sa gitna ng court...

"Kapag naglalaro ka ng basketball...kahit gano ka pa kagaling...hindi maiiwasang makaramdam ka ng pagod...ganon din siguro sa relasyon...kahit hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng relasyon...base sa mga napapasnin ko...minsan kailangan din ng pahinga sa relasyon...minsan nakakaramdam din ng pagod kaya kailangan magpahinga...siguro sa inyo ni Rhia...nakakaramdam kayo ng pagod..." paliwanag ko sa kanya..

"Tin...kahit kelan hindi ako napagod kay Rhia...hindi ako napagod mahalin sya..." sagot naman nya.

"Masakit at mahirap mang sabihin...b-baka si Rhia...nakakaramdam ng pagod...lagi kasi syang natakbo sa isip mo...di ba naman mapagod yung bestfriend ko...hahahaha!!" sinubukan kong mag-joke para naman kahit papano eh di sobrang drama ng awra namin dito...

unti-unting naging pagaka ang pagtawa ko ng makita kong nakatingala lang si Janus sa langit...

ang korni ba ng joke ko??

aba banat yun no!!

tumahimik na rin muna ako..baka nasobrahan na ako sa joke...

"sa tingin mo napapagod na nga sakin si Rhia??"

bigla akong napalingon sa kanya...

pano...ano nga bang isasagot ko sa kanya??

hindi ko alam...

hindi ko pa naman nakakausap si RHia eh...

"Sya lang naman yung makaksagot nyan eh..."

humugot ako ng hangin...

ngumiti...

isang malungkot na ngiti...

tapos tumingin din ako sa taas..yung tinignan ko din yung tinitignan ni Janus sa taas...

"Swerte si Rhia na mahal mo sya...sa totoo lang...nakakaiinggit nga si Rhia eh...ang sweet ng boyfriend nya...laging may surprises.... mahal na mahal mo sya... napakaswerte nya na ikaw ang boyfriend nya, Janus...kung pwede nga lang na ako na lang si Rhia..."

naramdaman kong may mainit na likidong namumuo sa gilid ng mata ko...

mabilis na pinahid ko at humarap kay Janus na nakaharap na rin pala sakin...

kita sa mata nya ang pagtataka at pagkalito...

ano bang pinagsasabi ko??

mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa kanya...

"hay...naku, kung meron lang na isa pang katulad m--"

"bakit nga ba hindi na lang ikaw??"

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon