Chapter 10- More than friends

55 2 4
                                        

kasalukuyan kaming nasa byahe ni Janus...

bakit kasi naisipan ko pang itanong yun??

ngayon hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman...

nakakailang...

nahihiya ako para sa sarili ko...

nakailang sabi ba ako sa sarili ko na kakalimutan ko na lang tong nararamdaman ko...

pero ano?

nagtanong pa ako ng ganun...tapos ngayon ganto tong inaarte-arte ko...

bakit ko nga ba tinanong pa yun??

wala na namang magbabago kung sagutin nya yun db??

past is past, ika nga...

tumingin na lang ako sa labas...

ang gaganda ng mga decorations...yung mga christmas lights...ang gaganda ng ilaw...

mag-papasko na nga pala...

binuksan ko yung bintana ng kotse...

ang sarap ng hangin...

malamig...

katulad ng puso ko ngayon...malamig...

pinikit ko yung mga mata ko...

at isa yung maling desisyon...

sa pagpikit ko...naalala ko yung nangyare samin ni Janus...

"Janus...gusto kita...hanggang ngayon...p-pano kung...pano kung gusto kita hanggang ngayon...lalayo ka ba sakin?" pinilit kong patibayin yung boses ko...

naramdaman kong nag-stiffened sya sa pwesto nya...hindi sya sumasagot...

"Joke l--"

"Tin...alam mo kung gano ka kaimportante at ka-special sakin...kung totoo nga na gusto mo ako...hindi ako lalayo sayo..." naramdaman kong umalis na sya sa pagkakahilig sa balikat ko...

yeah...those words...

important...

special...

friends...

nakakatawa...

nakakaramdam pa rin ako ng sakit kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili ko na kalimutan na lang...

ang kulit rin ng puso ko eh..mas makulit pa ata sakin...

"honestly...siguro kung hindi ko nakilala si Rhia...ikaw at ako siguro ngayon...I told you, nagkagusto ako sayo noon--"

pinilit kong tumawa...pinutol ko ang sinasabi nya...

"Adik...ano ba tong pinag-uusapan natin...tama na yun...nasagot na yung tanong ko...saka wala lang akong maitanong kaya naitanong ko yun...hmm...kung baka sakali lang..kala ko pa naman kakagat ka...hahaha!!!"

but i know...

pilit at peke ang tawa ko...

coz right now, I'm hurting...

hindi nya pinansin yung sinabi ko...nagpatuloy pa rin sya sa sinasabi nya...

"minsan pumasok rin sa isip ko na ligawan ka...but Rhia..." yumuko sya...

"I'm sorry Tin, but Rhia... unang beses ko pa lang syang nakita...tinamaan na kaagad ako sa best friend mo..." tapos pagak syang tumawa...

nag-iinit yung gilid ng mata ko...

ayaw kong makita nyang ganito ang reaction ko...

pasimple kong pinunasan yung gilid ng mata ko...

"Sus! syempre naman! sino ba namang hindi mala-love at first sight sa best friend ko? eh ang ganda-ganda nun..parang ako lang din....wahahaha..."

"Adik mo..buhat ng sariling upuan...tss!" tas kinurot na naman nya yung pisngi ko...

"Tsk! ano ba! na-cute-an ka na naman sakin eh..." pinalis ko yung kamay nya...

"arte naman..."

inirapan ko sya...

"Tara na..uwi na tayo.." tumayo na ako tapos nauna na akong maglakad...

baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko...

baka tuluyan na akong bumigay...

buti na lang artista ako...

ang galing kong artista di ba? hindi nya nahalata...

tumakbo na alng ako papalapit kay manong guard habang pinupunasan ko pa rin yung gilid ng mata ko...

nakipagkwentuhan at nakipalokohan muna ako sa kanya habang wala pa si Janus...sinadya kong iwan sya....

JANUS' POV

nagi-guilty ako...

kaya hindi ko sya magawang kausapin ngayon...

ang awkward tuloy...

ang tahimik namin...

napalingon ako sa kanya...

bigla kasing may malamig na hangin akong naramdaman...

hindi yun galing sa aircon...

binuksan nya pala yung bintana...

napatingin ako sa muka nya...

she looks sad...

parang may kumurot sa puso ko...

mali ba na sinabi ko pa yun sa kanya??

pero magkaibigan naman kame eh...saka ano naman kung sabihin ko sa kanya...may girlfriend na ako...saka sya rin naman umamin na nagkagusto sya sakin...

bigla kong naalala yung tanong nya...

pano kung hanggang nayon...gusto pa rin nya ako...

ewan ko pero parang nakaramdam ako ng saya nung marinig ko yun galing sa kanya...

liligawan ko na talaga sana sya nun eh...pero nakilala ko si Rhia...

iba yung naramdaman ko para kay Rhia...

Tin...she's not just an ordinary friend...

para sakin...she's more than a friend to me..

special sya...

sya ang una kong kaibigan nung highschool...sya yung kasama ko sa kalokohan, kakwentuhan, kasakitan, kakulitan...kung aalalahanin ko lahat ng memories ko with Tin...lahat masasaya...minsan magkakatampuhan kame pero after nun parang wala lang nangyare...balik kulitan na kame...

I'm lucky to have her as my friend...

kaya kung dahil lang sa dahilan na may gusto sya sakin eh lalayo na ako sa kanya??

di ko yun gagawin...

never...

dati nasabi nya na swerte ang babae na ako ang boyfriend...

pero para sakin....swerte talaga ako na sya ang kaibigan ko...

kumbaga sa relationship...

minsan ka lang makakilala ng katulad nya...kaya wag na wag mong papakawalan...

kaya nga sya special sakin eh...

-----------------

wheeeeeeee...ayan na Tin!!

kahit ang kati kati ng mata ko...nag-ud pa din ako!!

hahaha!!!

sana po magustuhan nyo...

pasensya na, masakit po yung mata ko kaya nagdadrama din ako hahahaha!!!

thank you sa lahat!!!

>csg_rimanellee

Playful LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon