Chapter V

2 1 0
                                    


Chapter Five: Officially ♡

***

Last day ko ngayon sa office kasi exams namin sa 15. Time flies so fast talaga pag masaya ka araw araw. Birthday ni ethan kahapon. Dinisappoint ko muna siya bahagya kasi ngayon ko ibibigay yung gift ko sakanya.

Mamaya sa La Kopi mag didinner kaming dalawa. Ibibigay ko sakanya yung gift ko. Alam ko namang nag tatampo siya slight saken kahapon. Tinutukso din siya nila tita kasi wala akong gift sakanya. Na tawa na lang ako sa kakulitan nila.

*Knock knock

"Come in." Sabe ko habang inaayos ko yung mga gawain na ipapasa ko ky Ms. Echavez.

"Ms. D, eto na po yung pinapakuha niyo saken na mga documents na dapat permahan." Naka ngiting sabe ni shai.

"Thanks shai. Dito ka lang kasi may ibibilin ako sayo. Ngayon yung last day ko sa office diba?" Sabe ko.

"Ay onga po pala. Na take note ko na pala yung mga bilin mo sa'ken. Yung list ng pay rolls nang mga empleyado din po. Problema ko lang talaga si astra. Gumagawa nanaman kasi ng gulo. Nakakastress na babae talaga." Naiinis na sabe ni shaira.

"It's fine, shai. Sabihan mo na lang si tito mo. Sayo naman maniniwala yun eh." Sabe ko na natatawa.

"Ay naku, Ms. D! Ilang ulit na din ako nag sumbong ky tito, paulit ulit lang din naman ang nangyayare. Baka atakihin na si tito sa kunsumesyon." Na s-stress talaga siya ky astra. Fyi lang pala, tito niya si Mr. Lee. Kapatid ng nanay niya and it happens na inaanak ni Mr. Lee si Astra, anak ng bestfriend niya.

"Kaya mo yan, shai. Pano na lang pag ikaw na talaga nasa position ko? Wag ka patinag ky astra. Magiging tuta din yun." Pag papalakas loob ko sakanya.

Tumawa lang siya tsaka kami bumalik sa pag didiscussion regarding sa mga dapat niyang gawin habang wala ako.

***

Nag liligpit ako ng gamit ko dahil 6:30pm na. Medyo natagalan kami ni shai kasi madami dami din yung gagawin niya this month. Busiest month yung december kaya double time talaga kami.

Malas lang ni shai kasi sakanya ko napasa yung work loads ko this month since mag eexam na ako tapos preparations for final defense sa february.

"Hi kulay! Tara na ba?" Biglang sabe ni ethan. Di ko siya namalayan kumatok.

"Yup, tara! Busy day masyado. Kung kelan last day ko eh." Sabe ko habang hawak kamay kaming nag lalakad sa hallway.

"Okay lang yan... Ikain na lang naten yan ha." Natatawa niyang sabe.

Wala ako ibang ginawa kundi tumango na lang kasi sobrang pagod ko talaga.  Hanggang sa di ko namalayan nasa La Kopi na pala kaming dalawa.

"Cheer up ka na. I ordered your fave coffee caramel with whip." Nakangiting sabe ni ethan saken. Kaya napa ngite na lang din ako.

Habang nag kukwentohan kaming dalawa bigla ko na alala yung gift ko sa kanya. Kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Than, it's been 4 years noong nag confess ako sayo. Time flies so fast, akala ko before hanggang doon na lang tayo. A beautiful stranger pero mali pala. Noong day na nag confess ka at tinanong mo ako na pwede manligaw ay sobrang saya ko. " Nag pause muna ako sabay ngite sakanya.

"Kaya kahapon sinadya ko talaga na hindi ka bigyan ng gift." Natatawa kong sabe. Mas lalo ako natawa kasi kumunot yung noo niya.

"It's because, ngayon ko ibibigay yung gift ko sayo." Sabay kuna ng dalawang ferrero na chocolate sa bulsa ko. Natawa ako sa reaction niya.

"Luuh? Seryoso to? Ferrero?" Sabe niya ng di maka paniwala.

"Oo, seryoso ako sayo. You'll get the meaning of my gift when you look closely sa shape ng ferrero na yan." Sabe ko sakanya.

"Ha..? Teka... ibig ba sabihin niyan?" Di siya ulet makapaniwala.

"Oo nga!" Natatawa na ako.

Nabigla ako noong bigla siyang tumayo sabay punta saken. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay halik sa pisngi.

"Woooaaah!!! Haanss!! Kami na ni ate, ma'am mo!" Sigaw niya sa counter kaya nag si tinginan yung mga customer.

Napa takbo naman si hanna at hans tsaka nag yakapan din. They were very supportive samen dalawa ni ethan. Eversince noong first time ko siyang kasama dito.

Natataw na lang akong sinasaway yung boyfriend ko. Hays.. sarap sa feelings, yung taong pinapangarap mo noon, sayo na ngayon.

"I love you, kulay!" Sabe niya saken noong naka upo na siya.

"I love you, ethan!" Naka ngite ko namang sabe.

***

Right LoveWhere stories live. Discover now