Chapter Seven: Final Exams***
Nasa university na ako ngayon, maaga ako pumasok dahil mag rereview ako ulet pati para makapag breakfast ako. Meron pa naman akong 1 hour para mag review sabay kain.
Habang nakain ako bigla tumabi si jared sa akin. Si Jared yung ka isa isang friend ko sa school kasi mailap ako sa mga tao. Ayoko ma engage sa iba kasi ayaw ko ng negative vibes. Itong lalaki lang talaga yung kumukulet saken. Same age kami at dati na talaga kaming magka kilala.
Classmate ko siya sa major noon. Lagi kami sabay umuwi dati kasi madadaanan lang yung bahay nila papunta samen kaya lagi kami sabay. At andito ulet siya para mang buraot.
"Hoy! Di ka na masyadong nag paparamdam ah? Kamusta OJT mo? Parang ang saya ahh... Malaki siguro sahuran? Sana all talaga naaabsurb sa company." Natatawang sabe niya.
"Baliw! Okay lang naman pero yung ibang employee sakit sa ulo." Sabe ko. "Ikaw, kamusta? Parang petiks petiks tayo ahh?" Tanong ko sa kaniya.
"Wag mo na intindihin yung mga tao sa opisina niyo. Ganyan talaga lahat ng empleyado, iba iba. May mabait, may siraulo." Na tatawa niyang sabe. "Ahh.. Ako? Dapat chill lang talaga, no! Di ko e-sstress yung sarili ko sa opisina. Stress sa school pati ba naman sa opisina? Break naman uy!" Na tatawa niya pa ring dugtong.
"Ikaw pala yung sana alls, eh! Kainis!" Pabiro kong sabe.
"Luuh! Taray nanaman nento. Meron ka ba?" Biro niya din.
"Che! Tara na nga malapit na exams naten." Sabe ko sabay tayo.
***
Kakatapos lang ng exams namin sa major. Isa na lang naman talaga yung exam namin kaya uuwi na kami pag ka tapos. Pero di pa ako uuwi kasi kakain kami ni ethan sa La Kopi.
"Uwi ka na ba, scar?" Biglang tanong ni jared.
"Ahh.. Hindi pa. May dadaanan pa ako eh." Sabe ko naman sakaniya.
"Tara, hatid na kita dating gawi!" Magiliw niyang sabe.
"Nako.. Ano kasi.." Di ko alam pano sabihin. Andito na kami sa gate. Dito ko din aantayin si ethan eh.
"Ano..? Tara na." Pangungulet niya saken.
Mag sasalita na dapat ako ng biglang may bumusina tsaka tumawag ng pangalan ko.
"Grey!" Si ethan pala. Bumaba pa talaga siya. Pano ko ba to sasabihin.
"Ahh.. " yun na lang yung nasabe ko.
"Sino yan, scar?" Tanong ni jared.
"Ikaw, sino ka din?" Tanong pabalik ni ethan.
"Aah.. Ano kasi. Nate, si red. Ka klase ko." Sabe ko naman. "Ahh.. Red, si ethan pala. Ano.. Boyfriend ko." Nahihiya kong sabe.
"Ahh... Jared, pare! Bestfriend ni scar." Sabe ni red. Ganyan lagi pakilala niya sa sarili niya whenever I'm around. Hinayaan ko na lang.
"Nice meeting you pare! Jonathan, boyfriend ni grey." Sabe naman ni ethan. Nag kamayan pa silang dalawa. "Tara na baby." Sabe saken ni ethan.
"Ah.. Ohh.. Sige. Red, una na kami. Bye!" Sabe ko na lang.
Nag tangoan lang silang dalawa tsaka kami pumasok ng sasakyan. Teka.. Hindi dapat ako mag sasalita eh. Pero bakit ma'y kotse to.
"Teka, kaninong kotse to?" Tanong ko habang naka kunot yung noo.
"Hindi dapat kita papansinin eh. Kasi nag seselos ako doon ky jared pero ang cute ng reaction mo." Natatawa niyang sabe. Baliw talaga to. "Company car po ito, senyora. Malayo layo yung university mo kaya nang hiram muna ako ng company car." Pag eexplain niya naman.
YOU ARE READING
Right Love
General FictionThis book is about two young hearts who happens to met each other while they are on the process in fixing their own mess. Love really moves in mysterious way. Join Jonathan and Scarlete in their journey of finding the right love. Where heart aches...