Chapter 5

6.9K 203 11
                                    

   ~Friends~

    Nagkulong ako sa aking silid. Nakatulala. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking naramdaman nang makita si Priapus na ganoon makitungo sa babae. Siguro ay nasanay ako masyado na ako lamang iyong inaalagaan ng mga kapatid ko at pinsan.

    Wala sa sariling napatingin ako sa aking bedside table at tiningnan ang mga pictures na naroon. Sa isang picture frame ay larawan namin nina Mommy at Daddy, kasama ang tatlo kong kapatid.

Ang isa pang larawan ko ay noong sweet sixteenth birthday ko. Nakasuot ako ng gown na pink at may nakalagay na tiara sa aking ulo. Kasama ko ang tatlo kung kapatid na nakasuot ng parang sa prinsipe.

Kahit pa ganoon ay pumayag sila sa gusto ko. I know they are spoiling me too much. Nakakapanibago lang at kabaliktaran na ang nangyayari ngayon.

    Nagkulong ako sa aking silid kahit pa nakakatatlong katok na si Cherry para raw kumain ako, ngunit pilit kong inignora iyon. Parang ang silid ko na lamang yata ang makakasaksi ng kamiserablihan ng summer ko.

Six p.m, at may kumatok muli sa aking pinto. I was about to shout to leave me alone, ngunit natigil nang marinig ang boses ni Kuya Gramier. I can almost feel the tiredness of his voice.

    Bakit? Pumasok kaya ito sa trabaho kaya pagod? O baka naman ay dahil sa akin? Ano bang ginagawa ko? Wala naman 'di ba? Lumabas ba ako? Hindi naman ah! Heto na nga at kinukulong ang sarili sa silid, tapos ano na naman?!

    "Aeliana, open the door!"

    Sinubukan kong kontrolin ang sarili sa sobrang inis. Gusto ko nang maglumpasay sa sahig at mambato ng gamit! Nang binuksan ko ang pinto ay naabutan ko itong nakatingala at nakapameywang.

    He looks like he's in the middle of trouble that he needed to solve.

    Lumipad ang tingin niya sa akin at humugot ng malalim na hininga. Gusto kong magsumbong sana rito sa lahat ng mga naiinisan ko kanina ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita.

    "What's wrong with you, Aeliana? You're growing! How can you be so out of reason when you are having your tantrums? You are not a toddler! You should learn how to be responsible in your actions!"

    Napanganga ako sa harap ni Kuya Gramier. Parang hindi ako makapaniwalang kahit siya ay sinasabihan ako ng ganito. Kita ko sa mga mata niya ang pagod.

    And how silly I am not to noticed it from them? Like Kuya Priapus, Zephr, Mom, and Dad. To my cousins.

It's kinda same on how the way Kuya Gramier looks at me.

    Tiredness!

    Hindi ko alam kung ano ba ang mga nagawa ko na ikinapapagod nila?

    Hinilot nito ang kaniyang noo at pumikit. Kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga. His lips in thin line. Nang magmulat ito ay kitang-kita ko na ang pagod sa kaniyang mga mata.

    "Hindi na namin alam kung ano ang gagawin sayo, Aeliana. Ngayon, kahit sa mga bisita ay masyado kanang walang galang."

Napakagat ako ng ibabang labi habang pilit na pinoproseso ang mga sinabi sa akin ni Kuya Gramier.

Gusto kong magsalita ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay ako na naman ang mali.

    Hindi makapaniwalang pinagsarhan ko ito ng pinto. Mabilis kong ini-lock iyon, habang nagsimulang bumuhos ang aking luha.

    Tinulak ko hanggang sa abot ng aking makakaya ang sofa'ng naroon sa aking silid at iniharang iyon sa pinto.

Kung anu-ano pa ang inilagay ko roon para lamang hindi nila mabuksan. Iyong shelf na may lamang libro ko, maging ang drawer ko.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon