Chapter 6

6.7K 125 3
                                    

    ~Wild~

    Pakiramdam ko ay halos isang taon akong nakakulong sa bahay at ngayon lamang nakalabas.

Pinuno ko ang aking mata sa mga nakikita kong malalaking bahay, habang papunta kami sa bahay nila Chandely.

    Si Orieah ay natatawang pinagmamasdan ako. Masama ko itong tiningnan.

    "You look lost, Ael," hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. Humalukipkip na lamang ako at tumingin ng diretso. Nakangisi silang dalawa sa aking harapan.

    I have my extra clothes here. Ang plano ko talaga ay magpakagabi sa bahay nila Chandely at ipapasabi na lamang kay Kuya na roon na lang ako matutulog.

Ang usapan ay nandoon na ako sa bahay bago pa siya dumating.

    Ngunit nasisiyahan akong labagin ang ano mang utos nila. They can't demand me all the time! I have my own decision and mind! What's the use of them if I can't let them function?!

    Parang nasasabik ako ngayon. Parang gusto kong may gawin ngayon!

Hindi ko mapigilang mapangisi sa naisip. Nanatili akong tahimik. Mamaya ko na lamang sasabihin sa dalawa kong kaibigan dahil tiyak na hindi nila ako papahintulutan kapag sinabi ko na ngayon.

Hindi talaga ako nagsisisi na nagdala ako ng spare clothes.

    "Wala bang balita hanggang ngayon tungkol sa nangyari kay Athena?"

    Napa-angat ako ng tingin nang lingunin ako ni Orieah. Minsan ay hindi ko mapagkailang gusto ko ang sobrang nipis na kilay ni Orieah at sakto ang pagka-arko nito.

    "Wala akong nabalitaan. Sa tingin ko ay mahuhuli rin ang mga iyon. Those guys maybe stoned. Kapag nagtagal ay mawawala rin siguro ang trauma niya," paliwanag ko rito.

    "Tss, mabuti na lamang talaga at dumating si Gramier. No wonder those bastards run after their lives. Gramier, with his dominating face and hard muscles, walang-wala na sila!"

Nakita ko ang pagningning ng mata ni Orieah na ikinailing ko na lamang.

    "Eah, I thought you're in Priapus, right? Bakit pinagnanasaan mo pa si Gramier, eh, may Athena na iyon," si Chandely habang nanatili ang mga mata sa daanan. Minsan ay naiingit ako dahil pwede na ang mga itong magdala ng kotse.

    "I know, no one beat Priapus. Humahanga lang naman ako kay Gramier, sino bang hindi? Even all the Santana men, right?"

    Nagtapon pa ito ng makahulugang ngiti kay Chandely. Ang huli nama'y biglang namula ngunit tinakpan niya iyon sa pamamagitan nang pag-irap.

    "So, tell me nga Chan, who is the greatest among them in bed?" pilyong tanong ni Orieah. Kumunot na rin ang aking noo.

Nakita kong pinandilatan ng mata ni Chandely si Orieah ngunit natawa lamang ang huli.

    "Oh, come on, Chan. Okay lang iyan kay Aeliana. Ano ba. So tell us sinong mas masarap? Si Damien o Lausus? At huwag mo na ring kalimutan sabihin ang muntik ng mangyari sa inyo ni Slaunter kagabi."

Humalakhak na si Orieah nang makita ang pamumula ni Chandely.

    Ako nama'y natigilan sa narinig. Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa hindi mapakaling si Chandely. How come?

Magkasama sila ni Kuya Slaunter? Kagabi?
Magkausap kami kagabi ah! Ang sabi pa nga niya bago nagpaalam sa akin ay tinatawag siya ni Tita.

    Humalukipkip ako at napataas ng kilay.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon