Chapter 16

5.6K 89 1
                                    

~Vinnight~

Masaya akong ikinuwento kay Chandely ang nangyari sa akin. Buong araw akong nagkulong sa aking silid upang gugulin lahat ng oras sa pag a-update sa aking sarili sa social medias.

I visited every friend I have on their accounts too. Even the new fashions and dresses that the Hollywood star wearing.

I also saw Sereya and Priapus exchanging tweets last night. May pinost din sa kaniyang Instagram si Sereya na isang litrato kung saan naroon iyon sa mall.

May caption pa roon tungkol sa pagpalit niya sa kaniyang damit at kung sino ang nagbili sa kaniya noon. Obviously, it's Priapus.

"Alam mo, napapansin ko na iyang kahigpitan ni Priapus sa iyo. Baka tatandang dalaga ka na niyan," natatawang sabi ni Chandely. Looking her in the video, she's also on their house.

Lalo pa at hindi pa nakabalik sina Tita at Tito sa kanilang pag babakasyon. Last week was their wedding anniversary, kaya nag decide silang mag bakasyong mag-asawa.

We talked on video call for about three hours. Niyaya ko rin itong mamasyal kami bukas. Sadly, Orieah went to their province in Visayas, kaya hindi siya makakasama.

"I hate him even more and I won't let that happen," nakanguso kong sabi kay Chandely. Naging laman din nang usapan namin ni Chan si Sereya. I told her everything Sereya told me yesterday.

"Dalawa pala iyang pagmumukha ni Sereya. I'm sure magwawala na naman si Orieah kapag nalaman niya. We know that she already hate that girl."

Namuo sa aking utak kung paano ulit patayin ang Sereya'ng iyon. Unang kita ko pa lamang sa kaniya ay hindi na maganda ang timpla niya para sa akin. Anger and hurt eat me again. Noong may kumatok sa aking pintuan ay agad na akong nagpaalam kay Chandely.

Hindi ko namalayang gabi na pala. Hindi rin pumasok si Kuya ngunit nanatili rin ito buong araw sa loob ng study room. He opens the door of my room widely. Brows furrowed.

"You skipped lunch, Aoife."

His voice is hoarse. Takot na mapagsabihan niya ulit ay mabilis akong tumayo at sumunod sa kaniya pababa. Naramdaman ko tuloy na hinahanap ng presensya ko sina Mommy at Daddy. I wanted to be with them.

Habang nagsusumbong dahil sa pinapagalitan ako ng mga kapatid ko.

I noted mentally to call them later. I missed them and I want them to come here as soon as possible too.

Habang kumakain kami ni Kuya ay nanatiling tahimik kami. Hindi ko rin iyon namalayan dahil abala ako sa pagsulyap at pag reply ng mga messages sa akin. Napasulyap ako kay Kuya at nanatiling nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako.

Tumikhim ako at maingat na inilagay ang aking phone sa gilid ng aking plato. Nang makita iyon ay tumuon ulit ang kaniyang pansin sa kaniyang pagkain. Nakakatatlong subo ako ng muling mag-ingay ang aking phone.

Nag-angat ng tingin si Kuya at tiningnan ang aking phone. Tumigil din siya sa pagnguya noong tiningnan niya ako habang nakatuon ang aking pansin sa notifications na naroon. It's on my email kaya mabilis akong tumikhim at pinuntahan iyon.

Another email was sent to me ngunit inuna ko muna iyong nauna. Nailagay ko ang aking kutsarang hawak sa isa kong kamay noong makita kung sino ang nag message sa akin.

Naagaw niyon ang aking pansin. My insides jumped in happiness when Thury messaged me for the first time! It's almost six months when he went to the US. Kinakamusta ako nito at ikinuwento ang mga nangyari sa kaniya roon sa US at kung bakit hindi ito agad nakapag message sa akin.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon