Chapter 32

3.8K 68 7
                                    

  ~Mommy~


    Hindi ko mapigilang ngumiti nang mapait habang nakatingin sa labas ng aking silid. My mom and Orieah really get along with each other. Lagpas isang buwan na kami rito at mas lalong naging close silang dalawa ni Mommy. Linggo ngayon at kakasimba lang naming mag pamilya. 

Huminga ako ng malalim at umalis na sa harap ng aking bintana. Simula nang malaman kong sila pala ni Orieah, ay hindi ko na ulit pinansin si Kuya Priapus. I know he's making his way just the two of us talk. Ngunit ayaw ko. Kaya lagi ko itong hindi pinapansin. Mas naging busy ako sa trabaho naming dalawa ni Chaos.

 
    Pumunta akong ibaba upang kumuha ng malamig na tubig. Ngunit papasok pa lamang ako ng kusina ay natigilan na ako nang makita ang malapad na likod ni Priapus. Bigla agad nalipat ang aking paningin sa niluluto niyang kung ano. Inatake ng sakit ang aking dibdib dahil sa nakita. Agad akong umiwas ng tingin at walang imik na tinungo ang ref. Hindi ko pinansin ang nakakapasong tingin niya sa aking likuran.

 
    Kumuha na lamang ako ng bottled water doon at akmang aalis na ngunit napatigil ako nang lumingon ako ay nanduon na siya sa aking likuran. He always looks problematic. Yet he's always handsome too. Wala sa sariling napatingin ako sa kaniyang malambot na labi.
    Bago pa niya mapansin iyon ay tiningnan ko na ito sa kaniyang mga mata.

 
    "Aoife-"

 
    Agad ko itong tinaasan ng isang kamay upang patigilin siya. My heart was aching stupendously. Masyado ng masakit para pa marinig ko ang ano mang sasabihin niya. Nanimula na namang manubig ang aking mga mata.

 
    Napadako ang aking tingin sa kaniyang niluluto. Hindi ko alam kung ano iyon. Ngunit ang amoy niyon ay mas lalong nagpasakit sa aking puso.

 
    "Can we talk?"

 Sobrang rahan at lambing ng kaniyang boses na dahilan nang pagwala ng tuluyan ng aking mga luha. Umapaw ang hikbi sa aking labi kaya mariin akong kumagat sa ilalim ng aking labi. Yumuko kaagad ako at umiling.

 
    Umatras ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Kailangan kong umalis dito bago pa makita nina Mommy at Orieah ang nangyayari rito. I am ready to fight us. Ngunit paano pa dahil ang taong gusto kong ipaglaban ay may iba na? I'm so late for that.
    Humapdi ang aking labi. I can taste blood from it. Siguro ay sa pagkakakagat ko iyon nang mahigpit.

 
    Marahas kong ipinahid ang mga luha sa aking mata at matalim siyang tiningnan. Gusto kong matunaw sa pamamaraan ng kaniyang paninitig ngunit nilakasan ko ang sarili. Umigting ang kaniyang panga nang makita ang pamamaraan ng aking paninitig.

 
    "You're a liar! You promised me! Nangako kang hindi mo ipagluluto ang kung sino man ng ganyan! Sana pala ay alam kung hindi mo rin iyon tutuparin! Sana pala ay alam ko na baliwala lang iyong pinangako mo!"

 
    Nakita kong natigilan siya. Mabilis akong umalis sa kaniyang harapan at tinungo ang hagdan pataas nang marinig ang tawanan nina Mommy at Orieah na patungo sa loob ng bahay.
    Nang maisara ko ang pinto ng aking silid ay napahawak na lamang ako sa aking ulo. Tila umiikot ang aking paningin dahil sa kakaiyak. I know it because I'm always crying when I came back here! I'm always hurt when I came back here. Sana pala ay hindi na ako bumalik dito!

 
    Kinaumagahan ay maaga kaming aalis ni Chaos. Nagpasundo ako sa kaniya rito sa bahay dahil masama pa rin ang aking pakiramdam at sa tingin ko'y hindi ko magawang mag maneho ng sasakyan.


    "Pwede namang doon ka na muna, hija. Ako iyang nababahala sa paroo't parito mo para lang makapunta ng Laguna." Hinilot ko ang aking sentido at ipinikit ng saglit ang aking mga mata. I think Mommy has a point!

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon