Chapter 28

3.7K 62 0
                                    

     ~New~


    I started wearing my combat boots and fixed my hair into a ponytail. Matapos ay agad kong hinablot ang aking leather jacket at isinuot iyon. Nagtaas ako ng kilay kay Chaos habang nakamasid lamang ito sa akin. Nakasandal ito sa headboard ng aking kama.
    Agad niyang ipinakita sa akin ang aking phone at marahang hinampas-hampas iyon sa kaniyang palad.

 
    "He's still calling, ano bang nangyayari. It's been four years, Aeliana."


    Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin habang sinusuot ang aking kwintas na hinubad ko kanina nang maligo ako.

 
    "I don't even know, Chaos. Just drop it."


    Naramdaman kong umalis ito sa pagkakaupo at pagkakasandal sa aking higaan. Nakita ko agad ang kaniyang repleksyon sa salamin mula sa aking likuran.

 
    It's been four years when Vinnight and I happened. Matapos mangyari iyon ay agad na akong umalis na hindi man lamang kami nakapag-usap. He's still sleeping that time. Masyado akong naguguluhan na agad akong nataranta. Part of me regretted it, but there is a part that it doesn't.
    "Nakakapagtaka lang," he said and wrapped his arms around my waist. Nagtagpo ang aming mata sa aming repleksyon sa salamin. Hinawakan ko ang kaniyang dalawang braso at agad na ngumiti sa aming repleksyon. He inhaled my hair. And hold me tightly, closed to him.

 
    I smirked at him and turn around to directly see his face. He gives me his boyish grin as I snake my arms around his neck. I playfully nuzzled my nose into his nose.

 
    "Hmm, you jealous?"

 
    Mas lalo niya akong idinikit sa kaniyang katawan. I've been tip-toeing just somehow level to his face. The heels of my combat shoes don't help me either.

 
    He immediately frowned and brought one of his hands on my face. Tinatabing nito ng marahan ang iilang hibla ng aking buhok mula sa aking mukha.


    "Yeah," he said scowling. It makes me giggled.

 
    "Aw, you are so sweet." Pinanggigilan ko ang tungki ng kaniyang ilong.
    "Yes, I am. That's why you love me, right?" he said playfully and gently squeezed my nose before he kisses my forehead.


    "Let's go. Baka ma late ka pa. Besides, nakakailang text na sa akin si Zephr na kailangan na nating bumalik sa New York. And it's been five years na hindi ka na nakakabalik ng Pinas. Chandely kept on asking me. Kung kailan ka raw ba uuwi."


    I unwrapped my arms around his neck, trailing my ten fingers down to his warm and solid chest.

 
    "Apat na taon na rin na hindi mo nakikita ang Mommy at Daddy mo. We should go back to New York."


    I pouted. "But, I have work he-"

    "Of course, after this, I know you're so passionate about your degree, Aeliana. That's why I followed you here in Venice for your study. Hindi naman pang habang buhay ang sa ngayon. Your skills are proven. Kaya nga pupunta tayo sa bagong tayong hotel dahil desinyo mo ang loob niyon, hindi ba? It's not for a lifetime," mahinahong saad ni Chaos at muli akong dinampian ng halik sa noo.

 
    "Trust me, kung ang dahilan na ayaw mong bumalik sa Pilipinas ay dahil nagkasamaan kayo ng loob nina Chandely. It's fine. Hindi ko nga alam kung ano ba itong pinagtampuhan ninyo."

 
    Agad akong natahimik at bumaba ang aking tinigin sa kaniyang dibdib kung saan naroon nakahimalay ang aking mga kamay. It's been a while.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon