Chapter 7

6.3K 110 3
                                    

    ~Naughty~

    Sumalubong sa akin ang kakaibang pakiramdam noong pumarada ang sasakyan ni Chaos sa isang high-end bar.

My heart pumped faster. The tip of my toes and fingers tickle as I went outside the car.
    Napalingon pa ako sa tatlo nang lumabas na rin sila mula sa sasakyan.

Tumawa si Chandely nang makita ang aking ekspresyon.

    "You look like you received a cheap lollipop, Aeliana."

    Hindi ko siya pinansin at mas lalo lamang akong napangiti habang naglalakad papunta sa pintuan.

Of course, I'm not naive about what's on the bar. Wild and wasted people. Expensive drinks smoke. Loud beat of the music and contrary disco lights!

    I can't stop myself giggled when the two hulk-like bouncers let us in. Kung alam ko lang na ganito kasaya ang pakiramdam kapag pumunta ng bar ay matagal na akong sumama kina Chandely noong kinukwento pa lamang nila iyon.

    I jumped in glee when I saw the whole place. Ang ingay! Sobrang ingay na nakakasakit sa baga. But it only makes me electrify even more!

Parang nawala na lamang bigla kahit papaano ang mga gumugulo sa isipan ko. The disco lights sparkled. Ruby red, amber orange, emerald green, and amethyst purple gems dotted the darkened wide room, flickering like flames.

    Iginiya kami ni Chaos sa isang table. Nanatiling inilibot ko ang tingin sa kabubuang silid. I'm thankful na hindi nagkalat dito ang isa sa mga pinsan o kapatid ko. Or any friends of them na nakakakilala sa akin.

    We sat in a red cushion sofa. Agad lumapit sa amin ang isang waitress. Bumati ito sa aming tatlo nina Chandely and Orieah ngunit mas itinuon ang kaniyang pansin kay Chaos.

Ngumisi na lamang ako ng agad mapansin ang simpleng paglandi ng waitress sa kanya. We asked for our drinks. I'm excited to drink something strong ngunit mas sumakay na lamang ako sa gustong inumin ng tatlo.

    Tumingin naman ako kay Orieah nang humagikhik ito sa aking tabi. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinundan ang kaniyang tingin.
    Sa kabilang table ay napupuno roon ng maraming mga nagagwapuhang mga lalaki.

Hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil nakakatawag talaga ng pansin ang kanilang mga mukha at katawan.

    Nakita kong nakatuon ang mga mata nila sa amin. None of us could bring the party as hot as I think. We are crazy, sassy, and drop-dead gorgeous, according to some strange social society high classy rule, when we were all together we looked even hotter as a trio. But I'm the one being a hard hook up in bed. They knew that!

    Dumating ang inumin namin at hindi ko mapigilang hindi masiyahan. Thumbs up kong inuna ang rum na inorder ni Chaos para sa kaniyang sarili.

    "Hey, Aeliana."

Tinawanan ko ito at muling uminom.

    "Relax, titigil naman ako kapag medyo natamaan na ako."

    "Dahan-dahan lang," si Chandely, na agad ko na lamang inirapan.

Muling lumandas ang init sa aking lalamunan. Napangiwi ako sa pait ngunit nakakagaan ng loob kapag nanunuot na ito sa aking sistema.
    Mataman akong tiningnan ni Chaos at inilayo sa akin ang kaniyang inumin.

Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin.
    Inabot ko na lamang ang vodka'ng inumin ko, at iyon ang pinagtuunan ng pansin. The loud music and yell of people, plus the drinks make me high.

    Sumandal ako sa sofa ng makaramdam ng hilo. Ipinikit ko ng kaunti ang aking mata at muling nagmulat nang sumigaw sa aking tainga si Orieah. Pansin ko na ang pamumungay ng kaniyang mata. Ngumisi ako sa kaniya at kita si Chandely at Chaos na binabantayan lamang ang aming mga galaw.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon