Chapter 37

3.3K 70 14
                                    

  ~Forgive~



    Inaamin ko noong gusto kong ako lagi iyong napapansin ng lahat. Tipong ako lang dapat ang kakausapin kapag nanduon ako o ako ang pinag-uusapan kung wala ako. I'm still happy to be with girls and boys around me even if they only want to be with me just to belong with my world too. Iyong napapasama sila kasi gusto rin nilang maging usap-usapan na kasama ko.
    

Hindi ako nakarinig ng kahit na anong negative mula sa kanila. Dahil sabi nga ay may 'tainga ang lupa at may pakpak ang balita'. At kahit ano mang masama ang pag-uusapan nila tungkol sa akin ay makakarating sa isa sa mga kapatid o pinsan ko.


    Alam kong ganoon na ang sistemang ginagalawan ko. But still, I accept them even if they aren't real. Maybe because I really don't care what they will think of me. Ang mahalaga ay nakukuha ko ang gusto ko at napapansin ako.


    Sa dinami-rami nila ay wala akong ideya kung sino talaga iyong totoo sa akin. I've been living in my own words that I don't need a friend, but I know they will stay with me because they are the ones who need me in the end.


    Ang tanging taong naging malapit sa akin ay sina Chandely and Orieah. We went through a lot of fun and trouble na animo'y natatalo na namin ang 'Tres Marias and The Three Musketeers.'
    Ngunit ang malaman ngayon ang ginawa ni Orieah sa akin ay higit pa sa isang aktuwal na sampal sa aking mukha.


    Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. I can even tell that she's calming herself too, base sa paghinga niya nang malalim. 

Marahas niyang pinahid ang mga luha sa mapula niyang mata ngayon. She looked at us with disgust of pure anger. Sa halos ilang buwan ko na rito ay ngayon ko lamang siya napagmasdan ng maayos. Masyadong malaki ang ipinagbago nito. From her petite figure, she has now a little curve. Katulad nang pagbabago ng katawan din ni Chandely.

 Ngunit medyo naging malapad ang kaniyang balakang na bumagay sa hugis ng kaniyang katawan. Her breasts are now lightly full and round. Her face flushed, even her skin is glowing.
    Hindi ko mapigilang hindi ikompara ang sarili sa kaniya. For the second time around, I feel the insecurities in myself. Naramdaman ko lamang ang ganitong pakiramdam kay Sereya noon.


    "You think you win, huh. Alam kong gusto mong nakukuha lahat ng gusto mo, Aeliana. By being a brat, whining around, crying, and annoyed people around you, pleasing someone with your damn innocent-like face just to give all your caprices! But sorry, I'm ruining someone's life just to get want I want. Magkaiba tayo. And I disowned you as a friend. Malandi ka! I'm sure you two gonna realize at the end that whatever you feel for each other is just lust and curiosity! Damn!" Natawa siya na halos hindi makapaniwala at umiling-iling. 


"Why people this century are always look so fool of mistaking lust and companion as a love."
    Bawat salitang sinasambit nito ay parang sibat na tumatagos sa aking puso. Nakakabingi na hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Priapus sa kaniya bago siya hinila palabas ng bahay.
    

Hearing those words from someone close to you is like taking a poison...It's killing me inside!
    Nanghihina ang aking mga tuhod at sobrang nanginginig ang aking katawan. Napahawak ako sa backrest ng sofa na naroon.


    Muli kong naisip ang masasakit na salitang binato at isinaksak sa akin ni Orieah. Anong tripleng sakit pa kaya kapag nanggaling na iyon sa aming pamilya. Mas natatakot pa akong husgahan ng aking pamilya kaysa husgahan ng ibang tao.


    Napa-upo ako sa sofa at itinakip ang dalawang kamay sa aking mukha. Nakakapagod na gusto ko na lamang magtago sa lahat. Ikulong ang sarili sa isang madilim na silid, kung saan walang tao ang makakapasok.

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon