Chapter 38

3.1K 54 12
                                    

  ~Bleeding~


    Marahas na humahampas sa aking buhok ang malamig na hanging dagat. Hinagip ko ang mahaba kong buhok upang ipirmi. Ang nag-uunahang alon ay kumakaripas ng langoy upang makaabot sa naglalakihang batong naroon malapit sa dalampasigan. Tumingala ako sa langit at agad na napapikit nang sumalubong sa akin ang sinag ng araw.


    Naalala kong ngayong linggo na pala iyong sinasabi ni Mommy. Ngunit malabo na akong makakapunta. Apat na araw na ako rito sa islang sinasabi ni Vinnight. Ang tanging narito lamang ay ang dalawang kasambahay at tatlo pang lalaki.


    Sigurado akong madidissapoint si Mommy dahil hindi ako naka-uwi. Hindi ko rin alam kung ano ang sinabi ni Vinnight sa pamilya ko kaya naging okay sila na magkasama kaming dalawa.
    Huminga ako nang malalim bago tinalikuran ang dagat at nagsimulang bagtasin ang pinong buhangin pabalik ng bahay. T

he house is quite impressive. Parang bagay na bagay iyon sa kung saan itong lugar na nakatayo. It looks high-end modern rest house/ mansion. Mas maraming matitibay at naglalakihang kahoy ang gawa noon

. Ngunit ang pinakapundasyon niyon sa purong semento at buhangin. The style of the house really look so simple yet so elegant.


    The items of furniture are all made from very classy crafts. Katulad ng chandeliers at iilang gamit ay gawa sa mamahaling shells. Ang mga upuan ay gawa sa matibay na kahoy. May iilang set ng upuan ang naroon sa terasa na gawa rin sa rattan.


    Kahit sobrang init na ng sikat ng araw ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Lalo na at naghahalo ang tunog ng mga dahong nasa matataas na puno, sa huni ng ibon at hampas ng alon ng dagat.


    Nang pumasok ako ay agad kong hinanap si Vinnight. Maybe I can pleased him just to contact my mother. Para kahit papaano ay makapag-usap kami.
    Binagtas ko ang pasilyong patungo sa study niyang narito sa loob ng bahay. Hindi pa man ako nakakapasok doon ngunit nakikita ko siya laging dito pumapasok. Kapag sinasabi niyang pupunta siya sa kaniyang study. I knocked on his office's door twice before I slowly open the door. Sumilip ako ngunit hindi ko siya nakita.


    Tuluyan na akong pumasok upang hanapin ito. Siguro ay nasa kung saang bahagi lamang siya ng malawak na silid na ito. I am mesmerized by his study. Parang kalahati ng laki niyon ang library na naroon sa paaralan sa Venice.


    His study room has a lot of shelf. Ang bawat shelf ay matataas na kakailanganin pa ng hagdan para lamang makuha ang hinahanap mong libro sa pinakaibabaw.
    It actually looked like a library. Kitang nalilinis ang bawat shelf ng maayos.
    Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. There's a big painting of him. Maybe in his junior year in college. He looks like a handsome antagonist in movies on that painting. Parang galit na galit siya sa painting niyang iyon.


    "Vin?" I started calling his name. Ngunit wala akong nakuhang sagot. Nagsimula akong tumungo sa isang malaking mesang naroon. May mga naka tangkas doong mga envelopes at folders. Tiningnan ko ang mesa sa pag-aakalang naroon ang phone niya o kahit ano para ma kontak ko si Mommy. Ngunit bigo ako.


    Napanguso na lamang ako. Ngunit agad ding naaliw nang makita ang limang picture frame na nakalagay sa kaniyang mesa.


    Isa-isa kong tiningnan iyon. Ang una ay siya kasama ang isang babae at isa pang lalaki. Their background is a man-made snow man from snow. May nahagip pa ang camera na mga batang nagbabatuhan ng snow ball. Ang pangalawang frame ay mag-isa siya at sa gilid niya ay naroon ang sign ng pangalan ng kompanya nila. The other frame was him and Kuya Priapus, naroon din si Kuya Perzeus at Kuya Gramier. All of them were smirking on the picture. Tila bawat isa sa kanila ay alam ang sekreto ng bawat isa.
             

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon