Chapter 36

3.3K 73 9
                                    

    ~Love~


    I hate the feeling when I met Chaos' eyes. The feeling was more intense than choosing the best answer for the exam. Napalunok ako nang tumingin si Chaos kay Kuya Priapus habang nakakunot ang noo. Mas lalo lamang akong kinabahan nang tumiim ang panga ni Chaos nang makita si Vinnight sa aking likuran. Muling ibinalik ni Chaos ang paningin sa akin.


    "What the hell are you doing here?" Chaos said in a bit annoyed voice. Narinig ko ang pag 'tsk' ni Vinnight sa aking likuran na agad na sinamaan ng tingin ni Chaos.


    "Chaos-" hindi ko na naituloy ang pagsasalita nang sumabat si Kuya Priapus.


    "I thought you two are working here? Bakit masyado pa yatang maaga para makita ko kayo ritong dalawa." Napatingin ako sa kaniya at mas lalo akong nanlamig dahil sa talim nang paninitig niya sa akin. Gumagalaw ang panga nito.


    "Tsk, Priapus, anong problema? Hindi na bata si Aeliana para pagsalitaan mo-"
    "Shut the fuck up, Chaos," saad ni Priapus sa mariing boses. Pahirapang lumunok ako. Lumingon ako kay Vinnight upang humingi ng tulong. Siguro naman ay nabasa niya kaagad ang gusto ko kaya kaagad siyang nagsalita.


    "Aeliana, can we talk for a moment-"


    "Don't you fucking hear me, Vin? I'm her brother kaya sa akin siya sasama." Nataranta na kaagad ako dahil medyo tumaas na ang boses ni Priapus. Hindi ko alam kung na- offend ba si Vinnight dahil sa sinabi ni Priapus dahil napailing-iling ito at sumilay ang sarkasmong ngiti sa kaniyang labi.

 Hindi ko alam na ganito ka kaba ang mapagitnaan ng mga taong ganito. Mabilis akong lumapit sa pagitan ni Kuya at ni Vinnight nang lumapit ito kay Priapus na nakakuyom ang kamay. Nakita ko rin ang iilang tao na napapatingin na sa aming gawi.


    Huminto ng hindi kalayuan si Vinnight kay Priapus.


    "Brother, bro?" sarkasmong saad ni Vinnight.


    "T-tama na..." I nervously said. Ang agad kong naisipan ay ang mga security guard at bell boy ng hotel na ito para humingi ng tulong kung sakali. Hindi ko kayang tingnan silang nag-aaway. Lalo na at matalik silang magkaibigan.


    "Oo, bakit, ano ka ba?" Priapus said in a smug voice and smile. Lalo ko lamang nakita ang pagka-inis ni Vinnight sa sinabi niya. Noong lumapit na ng husto si Vinnight ay agad na akong napahawak kay Kuya Priapus. Naka-igting ang ugat sa kaniyang braso dahil sa mahigpit na pagkakakuyom.


    "Aeliana," Chaos and Vinnight said. Napapikit na lamang ako ng mata upang hindi makita ang sino man sa kanilang tatlo.


    "T-tara na Kuya," I weakly said. My voice was shaking.


    I want to deny everything, but I know that whatever happens, and how hurt and forbidden it was. I will always choose him. Nang makapasok kami sa kaniyang sasakyan ay doon lamang ako nagkaroon ng boses upang tanungin siya.


    "W-why are you here?"


    Hindi pa rin niya binubuhay ang kaniyang sasakyan. Nanatili akong nakatingin sa aming unahan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago sumagot sa aking tanong.
    "I told you that I missed you, right?" Doon lamang ako napatingin sa kaniya. Hindi rin naman agad nakayanan ng mga mata ko dahil para akong natutunaw sa paninitig niya.


    "I'm sorry, I scared you."


    Hindi ko alam kung kailan ako nanatiling nakatulala. Kahit simula pa lamang ay naguguluhan na ako. Sa lahat! Lalong-lalo na sa sitwasyon. Nang maramdaman ang mainit na yakap ni Kuya sa akin at ang isang maliit na patak ng kaniyang mainit na halik sa aking noo ay doon lamang nagsimulang pumatak nang sunod-sunod ang mainit at maalat kung mga luha.
               

SMS #1: Eros in Taboo (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon