DairyQUEENIE':: Itutuloy ko pa din 'to kahit walang nagbabasa or nag co-comment at Votes :D Thankyou! Haha!
-
“Queenie? Lumabas ka na diyan,Kaylangan mo nang kumain. Kahapon ka pa hindi kumakain.” Malumanay na saad ni Thunder mula sa labas ng kwarto ko. Kanina pa siya kumakatok pero nanatili akong nakahiga habang nakayakap sa unan ko.
Hindi ko siya pinansin. Ayoko muna siyang Makita, matapos niyang i-reject ang nararamdaman ko, may lakas pa siya ng loob na kausapin ako. Marahas kong pinahid ‘yung luha ko, Kainis! Bakit hindi pa siya umalis?!! Mas masasaktan lang ako kapag patuloy ko siyang makikita!
“Queenie..” halos mapabangon ako ng marinig ko ang boses niya mula sa gilid ng kama ko, napalingon ako at nakita ko siyang nakatayo habang deretsong nakatingin sa’kin. “Halika na, kaylangan mo ng kumain.” Malumanay na saad niya, inisnaban ko siya saka ako muling tumalikod sa kanya at pumikit. Narinig ko ang buntong hininga niya at maya-maya lang ay umupo siya sa kama ko.
“Queenie..Sana maintindihan mo ako, darating ‘yung araw na mawawala din ako sa tabi mo at kaylangang matanggap mo iyon.” Bigla akong humarap sa kanya at umupo sa kama ko.
“Matanggap?! Ha! Kung ganon dapat ngayon pa lang umalis ka na! Para masanay na ako na wala ka sa tabi ko!!” sigaw ko pero agad akong natigilan ng nag-iba ang emosyon ng mata niya, naging malungkot. Napaiwas ako ng tingin.
“Gusto mo na ba akong mawala sa tabi mo?” malumanay pero bakas ang lungkot na tanong niya, hindi ako sumagot at nanatili akong naka-iwas ng tingin.”Sumunod ka na lang sa labas, kaylangan mo nang kumain.” Saad niya pa saka ko naramdaman ang pagtayo niya. Tila natauhan naman ako at agad akong napaluhod sa kama ko saka ko hinila ‘yung braso niya kasabay ng pagyakap ko sa bewang niya.
Mahigpit ko siyang niyakap at nag simula na naman tumulo ang luha ko.
“W-wag kang umalis..w-wag mo ‘kong iiwan.” Humihikbing saad ko.
“Queenie..” malumanay na sambit niya sa pangalan ko, umiling ako.
“Please? Dito ka lang sa tabi ko,h-hindi ko kaya kapag umalis ka.” Muling saad ko, unti-unti siyang umupo ulit sa kama ko kaya napahiwalay ako sa yakap ko sa kanya. Tumingin ako ng deretso sa kanya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahang pinapahid ang luha ko. Kita ko sa mata niya ang lungkot at pag-aalala. “Wag mo ‘kong iiwan.” Deretsong saad ko, at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Nagulat ako at hindi agad naka-reak. Dilat na dilat ako habang siya ay nakapikit habang hinahaplos ang pisngi ko. Tila nanghina ako sa dampi ng labi niya, unti-unti din akong napapikit saka ko hinawakan ‘yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
Sana hindi na matapos ‘to, pero bigla siyang humiwalay kaya napadilat ako, idinikit niya ang noo niya sa noo ko, nanatili siyang nakapikit habang patuloy sa pag haplos sa pisngi ko.
“Mali ‘to..” mahinang bulong niya. “Mali ito.” Muling saad niya. Napailing ako at hinawakan ko na din ang pisngi niya, muli akong lumuhod sa kama saka ko siniil ng halik ang labi niya,sobrang diin ng pagkakahalik ko at halos napasandal na siya sa head board ng kama ko, unti-unti kong ginalaw ang labi ko kasabay ng pag galaw ng labi niya.’Yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko ay unti-unting bumaba hanggang sa mahawakan niya ang bewang ko at paulit-ulit na hinaplos niya iyon. Napayakap ako sa batok niya. Ang sarap sa pakiramdam, para akong lumulutang sa hangin sa bawat dampi ng labi niya sa labi ko. Kusa akong humiwalay para lumanghap ng hangin. Dumilat ako at deretso akong tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"