-
"..Itigil mo ang iyong pag ngiti..." mahinang saad niya.. "..Dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili..at masuway ko ang mahigpit na utos na ipinag bawal sa'kin..."
Tuluyan ko nang nabitawan ang hawak kong kubyertos. Sinalubong ko ang bawat titig niya. Nakatingala ako sa kanya dahil nanatili akong nakaupo. Halos hindi na ako kumurap sa pagtitig sa kanya.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Litong-lito na talaga ako! Umiwas na ako ng tingin.
"Ang weird mo talaga" saad ko saka ko pinunasan ang aking labi. Tumayo na ako at humarap sa kanya. "Hindi kita maintindihan.." huminga ako ng malalim "Naguguluhan ako sa'yo.." sabi ko saka ko siya nilagpasan at nagtungo ako sa kwarto ko.
Dumeretso ako sa Terrace ng aking kwarto saka ako humawak sa railings at tumingala sa langit..
Ang gulo-gulo! pakiramdam ko ay napaka espesyal ko sa kanya, sa sobrang gulo ay hindi ko na maintindihan ang takbo ng buhay ko.
Napatingin ako sa ibaba, Nasa 15th floor itong Condo Unit ko kaya naman ay parang langgam na ang mga sasakyan na nakikita ko sa kalsada. Gusto kong lumabas, gusto kong puntahan si Mama at Papa para itanong ang tungkol sa lalaking kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan, gusto kong puntahan ang mga kaibigan ko at ayain silang mag Hang out. Ang dami kong gustong gawin pero bakit hindi ko magawa?!
Bakit isang pigil niya pa lang sa'kin ay agad na akong sumusunod? Bakit lahat ng sinasabi niya ay sinusunod ko? Kaylan ba masasagot ang napaka daming Bakit na paikot-ikot sa isip ko?
Napa buntong hininga ako saka ako nag pasyang pumasok na sa kwarto ko at humiga sa kama..
Pabagsak akong humiga sa kama ko saka ako deretsong tumingin sa ceiling.. Ano ba dapat kong gawin? Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng pagka-inip.
Napabalikwas ako ng maalala ko na may Cellphone nga pala ako!! Agad kong hinalungkat sa Drawer ko yung Cellphone ko.
"Nasaan ba 'yun?" halos gulo-gulo na ang gamit ko sa pag hahanap sa Cellphone ko.. Mula ata nung magising ako na kasama ko na yung lalaking yun ay nawala na sa isip ko na may Cellphone pala ako!
Padabog akong umupo sa kama ko ng mapagod akong mag hanap sa nawawala kong Cellphone!
Hindi kaya.... Napatakip ako sa bibig ko.. OHMYGOD!
Hindi kaya ang lalaking iyon ay isang masamang tao? Balak kuhanin ang loob ko ng sa ganun ay mag karoon ako ng tiwala sa kanya at madali niyang magagawa ang gusto niya?!!
Napatakip ako sa katawan ko..OHMYGOD ulit!!! Baka balak niya akong pag samantalahan?!!
Nanlalaki na ang mata ko sa mga pinag-iisip ko! O baka naman....Kinuha niya na ang Cellphone ko at ibenenta niya na!! OHMYGOD!! OHMYGOD!!! This can't be!!!
Agad akong tumayo at nag martsa palabas ng kwarto ko!! Ha!! Akala ng lalaking iyon maiisahan niya ako! Dinadaan niya ako sa maamo niyang mukha!! Siguro ay pinag tatawanan niya na ako sa ngayon!
Nilapitan ko agad siya ng makita ko siyang deretso na namang nakaupo sa Sofa habang nakapikit.. Tumigil ako sa harap niya.. Naramdaman niya yata ang presensiya ko kaya naman dumilat siya.. Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya..
"HOY!" sigaw ko saka ko siya dinuro "UMAMIN KA!!! MAGNANAKAW KA ANO?!!" hindi siya sumagot! Bakit ba palagi na lang siyang tahimik?!! "SIGURO..SIGURO AY BALAK MONG KUHANIN ANG LOOB KO NG SA GANON AY MAKUHA MO ANG TIWALA KO!!" muling sigaw ko. nanatiling blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.. Aba't!! Napaatras ako ng bigla siyang tumayo. "W-wag kang lalapit!" patuloy ako sa pag-atras habang siya ay naglalakad palapit sa'kin. Napatakip ako sa katawan ko.. "W-wag p-po" ngunit natigilan ko ng sa unang pagkakataon, nakita kong sumilay sa kanyang mapulang labi ang isang napaka gandang ngiti.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya! Kumurap-kurap pa ako..OH.MY.GOD! nakangiti siya!!
"Ano ba ang iyong sinasabi,Queenie?" nakangiting tanong niya. Hindi ako naka sagot. Nanatili akong tulala. Pakiramdam ko nga ay ano mang oras, tutulo na ang laway ko! "Wala akong anu mang masamang balak na gagawin sa'yo,Queenie." aniya saka siya lumapit pa sa'kin. Halos mapatalon ako ng hawakan niya ako sa mag kabilang balikat. "Matulog ka na" saad niya sa mahinang boses. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Marahan niya akong inikot paharap sa pinto ng kwarto ko.
Binitawan niya ang balikat ko, nanatili akong nakatayo at nakatalikod sa kanya, Gusto kong humarap at makita siya pero hindi ko maigalaw ang paa ko, na-stuck yata ang pag-iisip ko sa maganda niyang ngiti..
Wala akong naririnig na ingay kundi ang kumakalabog kong puso. Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa napakaganda niyang ngiti..Hindi kaya nananaginip lang ako?
Kinurot-kurot ko pa ang pisngi ko para masigurong nananaginip ako, Pero Hindi!! Totoo 'to! totoong nangyayari ito! Totoong may kasama akong lalaking mukhang anghel!!
Unti-unti akong humarap sa kanya. Nanatili siyang nakatayo at deretsong nakatingin sa'kin ngunit wala na ang ngiti sa kanyang labi. Baka naman guni-guni ko lang iyon? Tama! Imposible namang ngumiti siya eh ni hindi nga makausap ng ayos! Man of few words kumbaga!
Napanguso nalang ako saka ko siya inisnaban at nagtuloy na ako sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at humiga na ako sa kama ko..
"Na pa-paranoid ka lang,Queenie.." binatukan ko pa ang sarili ko.. "Sa gwapo niyang iyon ay nagawa mong pag-isipan siya ng masama?! Ikaw na nga ang pinagsisilbihan niya! Inaasikaso at inaalagaan tapos pag-iisipan mo pa siya ng kung ano-ano!" napasabunot ako sa sarili ko.. Haaaaaaays!
Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako kinabukasan ng may Sinag ng araw ang tumama sa mata ko. Unti-unti kong idinilat ang mata ko. Halos masilaw ako sa liwanag, dahan-dahan akong umupo saka ko kinusot-kusot ang mata ko para makita ko ng maayos ang lalaking nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Magandang Umaga,Queenie.." nang marinig ko ang boses niya ay napangiti ako.. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya..
Para na akong baliw, kahapon lang ay pinag-iisipan ko siya ng masama pero ngayon ay napapangiti na ako ng dahil sa kanya.
"Good Morning!" nakangiting saad ko... "Ano ba kasi pangalan mo?" tanong ko habang tumatayo, tinali ko ang buhok ko saka ako humarap sa kanya..Napakunot ang noo ko ng makita kong titig na titig siya sa'kin.. Kinaway ko pa ang kamay ko sa tapat ng mukha niya. "Ok ka lang?" takang tanong ko. Bigla siyang umiwas ng tingin.
"Sumunod ka na lang sa labas,Nakahanda na ang iyong almusal" aniya saka siya deretsong lumabas. Napangiti na naman ako.. siguro ay nahihiya siya sa'kin!
Maglalakad na sana ako pasunod sa kanya ng may mapansin akong napaka puting feather sa ibaba ng kama ko. Umupo ako saka ko ito dinampot..
"Sa'n galing 'to?" takang tanong ko.. Baka naman may nakapasok na kalapati dito?.. Nagkibit balikat nalang ako saka ko ipinatong sa side table ang Feather.
Agad akong umupo saka ako nakangiting tumingin sa kanya..
"Sabay kana sa'kin" saad ko.. Ano pa ba aasahan ko? Hindi na naman siya nag salita! "Oh sige, kung ayaw mong sumabay. Sabihin mo nalang pangalan mo.." muli akong ngumiti sa kanya ngunit nanatili siyang tahimik. Sumandal ako sa upuan saka ako nag crossed arms. "Kapag hindi mo sinabi ang pangalan mo, Hindi ako kakain" pag babanta ko. Kumunot ang noo niya.. Tinaasan ko siya ng kilay..Bigla siyang umiwas ng tingin at natigilan ako ng marinig ko ang binanggit niyang pangalan...
"...Thunder...."
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"