Ika-Walong Kabanata

462 20 1
                                    

-

  Muling lumipas ang mga araw at gabi, hindi ko alam kung ilang linggo na ba ang nakalipas mula nung magising nalang ako isang araw na nandito na siya sa Condo ko. Hindi ko alam kung hanggang kaylan pa kami magkakasama, natatakot ako na baka isang araw, bigla nalang akong magising at wala na siya sa tabi ko.

 Bumuntong hininga ako saka ako dahan-dahang bumangon at umalis sa sa tabi niya. Mula nung sinabi niya sa’kin aalis din siya, pinilit ko siya na tabihan ako sa pagtulog, gusto ko kasi sulitin ang mga araw at gabi na kasama ko pa siya.

 Naglakad ako palabas sa veranda saka ako tumingala sa langit, sobrang ganda ng langit sa gabi kapag kumikinang ang mga bituin, ang sarap tignan, nakakagaan ng loob.

 Halos mapatalon ako ng biglang may bisig na pumulupot sa bewang ko mula sa likod. Ipinatong niya ‘yung baba niya sa balikat ko.

“Hindi mo ba ako tatanungin,Queenie?” tanong niya na halos bulong nalang yata,hinawakan ko ‘yung kamay niyang nasa tiyan ko saka ako muling tumingala sa langit.

“Ang ganda ng mga bituin,no?” pag-iwas ko sa tanong niya, bumuntong hininga ako saka ngumiti. “ang ganda nila pagmasdan,lalo na kapag sabay-sabay silang nag kikislapan. Parang may sinasabi sila sa bawat pag kislap nila.” Saad ko. Bahagya akong lumingon sa kanya,nakapikit lang siya habang nakapatong pa din ang baba niya sa balikat ko. “Thunder..” unti-unti siyang dumilat at nagkasalubong ang mata namin. Umayos siya ng tayo,hinarap ako sa kanya, nanatiling nakahawak ang kamay niya sa bewang ko.

Ayoko mang itanong,pero gusto kong malaman.. “Ang sabi mo, ang misyon mo ay bantayan at alagaan ako? Bakit? May mali ba? May hindi ba ako nalalaman? Hindi ko na kasi maintindihan,eh.” Naguguluhang tanong ko. Titig na titig siya sa’kin. Bigla siyang sumulyap sa langit,bumuntong hininga at muling ibinalik ang tingin sa’kin.

“Naniniwala ka ba sa Anghel?” napakurap-kurap ako sa tanong niya.

“A-anghel?” tumango-tango siya.

“Oo,Anghel.” Binasa ko ‘yung labi ko saka ako muling tumingin sa kanya.

“Naniniwala ako sa Diyos, kaya naniniwala din ako sa Anghel.” Sagot ko. Ngumiti naman siya at bahagyang hinaplos ang pisngi ko ng isang kamay niya.

“Sa Gabay, naniniwala ka ba?” muling tanong niya. Kahit naguguluhan ay tumango ako.

“Guardian Angel.” Tumatangong saad ko.

“Totoo sila,Queenie. Bawat tao sa mundo, may kanya-kanya silang Gabay.Pinananatili nilang ligtas ang isang tao na ginagabayan nila.” Muli siyang tumingala sa langit at humawak sa railings, humawak din ako sa railings at gaya niya ay tumingala din ako sa langit.

“Kung talagang may Gabay ang bawat tao sa mundo, bakit may naaaksidente pa din? Bakit may namamatay?” tanong ko. Matagal bago siya sumagot kaya napasulyap ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa langit.

“Dahil Gabay lang sila,Queenie. Hindi nila hawak ang kapalaran na nakasulat sa mga palad ng isang tao, ang trabaho lang nila ay bantayan at ingatan ang isang tao pero wala na silang kakayahan na mag ligtas ng isang tao.” Bahagya siyang huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Sinusubukan nila na ilayo at iligtas ang tao sa kapahamakan, hanggang do’n lang sila,Queenie. Hindi na nila hawak ang kapalaran ng isang tao.” Tumingin siya sa’kin at tinuro niya ang kaliwang dibdib niya. “Ang buhay ng isang tao ay ipinahiram lang.Kapag may nagawa ka ng mabuti na sa tingin mo ay nakabubuti sa lahat, maaari Niya ng bawiin ang buhay na ipinahiram sa’yo.”

My Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon