-
Napabangon ako sa hinihigaan ko,napahawak pa ako sa dibdib ko.. Luminga-linga ako..
Panaginip? Panaginip lang pala..Akala ko ay may Anghel na talaga dito sa Condo ko.
Inayos ko yung buhok ko saka ako bumangon at naglakad patungo sa labas ng kwarto ko.. Nadatnan ko si Thunder na inaayos ang pagkain sa lamesa. Napasulyap siya sa'kin saglit at muling ibinalik sa Mesa ang tingin.
“Kamusta ang tulog mo,Queenie?” malumanay na tanong niya habang inaayos niya ang mga pagkain sa lamesa. Naglakad ako palapit sa kanya habang nakanguso, sinilip-silip ko pa ‘yung likod niya, Hindi ko makalimutan ‘yung panaginip ko! Parang totoo!
Bigla siyang sumulyap sa’kin at naabutan niya akong parang tanga na naka-silip sa likod niya, bahagya ko siyang nginitian saka ako umayos ng tayo at kakamot-kamot pa.
“Ahe-he..” umupo ako saka ako dumampot ng kanin. “K-kumain ka na ba? G-gusto mo ba s-sumabay?”utal na tanong ko pa. Nang hindi siya sumagot ay dahan-dahan kong inangat ‘yung paningin ko sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa’kin habang nakahawak siya sa sandalan ng isang upuan.
“Ayos ka lang ba?” tila may pag-aalalang tanong niya. Bahagya pa siyang yumuko saka niya idinikit ang noo niya sa noo ko! Agad namilog ang mata ko at halos hindi ko na alam kung ano ang dapat na i-reak ko! OhMyGosh! OhMyGosh! M-magkadikit ang noo namin at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!!
“A-a-a-a-a—“ hindi ako makahukay ng tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya, iniwas ko ang paningin ko hanggang sa umayos na siya ng tayo at muli akong tumingala sa kanya. Seryoso pa din ang mukha niya.
“Normal lang ang init ng iyong katawan.” Aniya pa. Masyado na akong naiilang sa titig niya kaya naman itinuon ko nalang ang tingin ko sa kinakain ko.
“K-kumain k-kana din.” Sabi ko saka ako sumubo. “Shabayan mo ‘ko.” Ngumunguyang saad ko saka ako muling sumubo at sumubo ulit at sumubo ulit hanggang sa marinig ko ang mumunti niyang halakhak kaya agad akong napatingin sa kanya. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang malawak niyang ngiti habang nakatingin sa’kin . “Ohmy—aakk!!” pinalo-palo ko ‘yung dibdib ko at agad naman akong inabutan ni Thunder ng tubig. “Ha!!” pagbuga ko ng hangin matapos ko maubos ang isang basong tubig.
“Magdahan-dahan ka naman kasi,Queenie.” Muli akong napatingin sa kanya at DiyoskopoLord!!! Naka-ngiti pa din siya!!! Tinuro ko siya habang nanlalaki ang mata ko.
“B-b-b-b-b-Bakit ka naka-ngiti?!!” gulat na tanong ko, bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at unti-unti,nawala ang ngiti sa labi niya. Tila nakaramdam naman ako ng lungkot!
“S-sorry..” napapahiyang sabi ko. “K-kasi naman! Nakakagulat ka! N-nabibigla ako sa ikinikilos mo,eh! Tapos..tapos..” muli ko siyang tinuro. “Ngumiti ka pa!! A-alam mo ba na n-nawawala ako sa sarili ko k-kapag nakikita kitang nakangiti kasi ang Gwapo mo!!” dere-deretsong saad ko at huli na para bawiin ko pa dahil nasabi ko ng Gwapo siya! Umiwas nalang ako ng tingin saka ako tumayo at inayos ‘yung pinagkainan ko.
Nararamdaman kong nakatitig siya sa’kin habang abala ako sa paghuhugas ng pinggan. Hindi ko siya nililingon o sinusulyapan man lang, Nahihiya kasi ako! Naman ehhhh!!
“Queenie—“
“AY GWAPO!!” sigaw ko ng bigla siyang magsalita mula sa gilid ko malapit sa tenga ko. Bahagya ko lang siyang sinulyapan at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko. “A-ano ba? S-sabi ko sa’yo ‘wag kang mang-gugulat,eh!” inis pa kunwaring saad ko.
Sumandal siya sa sink at pinag-krus niya ‘yung braso at paa niya. Muli ko siyang sinulyapan at napanguso na naman ako. Ang sexy niya sa pwesto niya, para siyang model sa isang magazine. Kulang na lang ay mag topless siya.
“S-stop staring!” naiilang na saad ko ng mapansin kong kanina pa siya nakatitig.
Pinunasan ko ang kamay ko ng matapos ako mag hugas saka ko siya iniwan dun. Bahala siya! Iniiwasan ko na nga at baka hindi ako makapag pigil, bigla ko nalang siyang sunggaban dun! Magsisi pa siya!
Dumeretso ako sa Living room saka ako nagsalang ng pwedeng panoodin saka ako umupo sa sofa at niyakap ‘yung isang throw pillow.
Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang marahang naglalakad palapit sa’kin habang nakapamulsa. Napalunok ako ng ilang beses at hindi ko maiwasan ang kabahan. Huhu! Wag kang lalapit at baka hindi na ako makapag pigil!
“Bakit ka lumalayo,Queenie?” narinig kong tanong niya ng makalapit siya. Nanatili akong nakatingin sa pinapanood ko.
“H-hindi ah! B-bakit naman ako l-lalayo?”
“Bakit ganyan ang iyong pananalita?” halata sa boses niya ang pagtataka. Hindi nalang ako sumagot dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Matagal na kaming magkasama dito at nasasanay na ako na palagi siyang nasa tabi ko, natatakot ako na baka isang araw pag gising ko eh wala na siya sa tabi ko.
“Queenie..?” muli akong napasulyap sa kanya, naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
“S-sabihin mo. Sino k-ka ba t-talaga?” deretsong tanong ko sa kanya, muli na namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, naging seryoso ito at tila may pagkailang. “K-kasi, k-konti nalang, konting-konti nalang. Masasanay na ako na palagi kang nandito sa tabi ko, masasanay na ako sa presensiya mo. A-ayoko na b-bigla ka nalang mawala.” Bigla siyang tumayo mula sa pagkaka-upo kaya tumayo din ako at lumapit sa kanya, hinawakan ko ‘yung braso niya. “Thunder..” malumanay na tawag ko sa pangalan niya, sumulyap siya sa’kin at biglang huminga ng malalim.
“Pigilan mo,Queenie.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“A-anong pigilan?” tanong ko, muli siyang lumayo at biglang tumingala habang nakapikit. “H-hindi kita maintindihan. B-bakit kaylangan kong pigilan itong nararamdaman ko? Bakit? A-ayaw mo ba saki—“
“Dahil hindi tayo pwede,Queenie!” nagulat ako sa biglang pagtataas ng boses niya pero malumanay pa din ang pagkakasabi niya, napayuko ako.
“B-bakit hindi t-tayo pwede?” naramdaman ko ang pagpatak ng luha mula sa kaliwang mata ko. Agad ko itong pinahid saka muling tumingin sa kanya. “Hindi mo ba ako gusto? Hindi mo ba gusto ‘yung ugali ko? Sabihin mo, babaguhin ko p-para sa’yo..” muli akong lumapit sa kanya pero humakbang siya palayo habang umiiling.
“Hindi pwede,Queenie. ‘Wag ako ang ibigin mo dahil hindi tayo pwede.” May diin na pagkakasabi niya, hindi ko alam pero nasasaktan ako. Sobrang kirot ng nararamdaman ko.
“Kung ganun, bakit ka nandito? Bakit ka pa nandito? Bakit hindi ka pa umalis? Bakit hindi mo nalang ako iwan!!” sigaw ko sa kanya, tila natulala naman siya sa pagsigaw ko, lumapit ako sa kanya saka ko dinuro-duro ‘yung kaliwang dibdib niya. “N-nandito ka ba para paibigin lang ako tapos bigla mo din akong iiwan? Nandito ka ba para patinuin ako? N-nandito ka ba p-para s-saktan lang a-ako?” tuloy-tuloy sa pagdaloy ‘yung luha ko.
“Q-queenie..” hinawakan niya ang magkabilang kamay ko,pataas sa pisngi ko at marahan niyang pinahid ang luha sa pisngi ko.
“A-ang sama mo..” tila nanghihinang sabi ko at nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit na yakap at tila ayoko ng humiwalay pa. Hinahaplos niya ang buhok ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
“Patawarin mo ako,Queenie..” bulong niya habang patuloy siya sa paghaplos sa buhok ko. “Kung may magagawa lang ako para mawala ‘yung sakit na nararamdaman mo,pero Queenie, kalimutan mo na ‘yung nararamdaman mo, dahil kahit anong gawin ko. Hindi tayo pwede.” Napa-pikit nalang ako, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit, kakaibang sakit na pakiramdam ko ay wala ng lunas.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasía- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"