His Pain
**
Tahimik akong naka tingin sa mga batang Anghel na nagtatakbuhan. Katabi ko ang katulad kong isang Gabay. Si Wind.
“Kamusta ang gibagabayan mo?” tanong ko saka ako tumingin sa kanya. Ngumiti naman siya.
“Napaka bait na bata. Hindi naman ako nagkaka problema sa kanya.” Sagot niya. Napatango ako. Mabuti pa siya.
“Thunder..” umalingawngaw ang mahinahon na boses na ‘yun na nagmula sa itaas.
“Tinatawag ka ni Ama.” Saad ni Wind. Tinapik ko siya sa balikat.
“Maiwan muna kita.” Pagpapaalam ko saka ako nagpunta sa itaas kung nasaan ang Ama.
Naka luhod ako sa harap niya habang nkatungo.
“Ama.” Pag bigay galang ko.
“Tumayo ka diyan,Thunder.May ipapakita ako sa iyo.” Dahan-dahan akong tumayo at sumundo kay Ama. Pumasok kami sa sagradong silid kung saan bawat sulok ay nakikita ang bawat galaw ng tao sa mundo.
“Ama, ano po ang ginagawa natin dito?” tanong ko. Huminto kami sa tapat ng Sagradong bukal na Tubig kung saan ipinapakita ang galaw ng isang tao. Hinaplos ni Ama ang tubig at nakita ko ang isang nakahimlay na Babae.
Napatitig ako sa mukha nung Babae. Napaka-amo, napaka ganda.
“May iuutos ako sa’yo,Thunder.” Mahinahon na saad ni Ama, nanatili siyang nakatingin sa Tubig kung saan kita ang Babae. “Hindi pa nakatakda ang pag lisan niya sa Mundo. Ngunit hindi makabalik ang kaluluwa niya sa katawan niya. Maaari mo ba siyang bantayan,Anak?” saka tumingin sa’kin si Ama.
“Masusunod po,Ama.” Hindi ako kaylan man tumanggi sa kahit anong inuutos ng Ama.
“Hindi mo pwedeng sagutin ang mga katanungan niya,Hindi mo siya pwedeng hawakan,at higit sa lahat.” Tumitig saakin si Ama. “Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya.” Tumango ako.
“Masusunod po,Ama.” Nakayukong saad ko.
“Humayo ka. Bantayan mo ang naliligaw niyang kaluluwa hangga’t hindi ko sinasabi na oras na ng pagbabalik niya. Kailangan natin siyang mabantayan ng maayos para hindi makuha ng kasamaan ang kaluluwa niya.”
Katulad ng iniutos sa’kin ni Ama. Binantayan ko ang Kaluluwa nung Babae na nag ngangalang Queenie. Napakagandang pangalan.
Tahimik kong pinag mamasdan ang maamo niyang mukha habang siya ay natutulog. Hindi niya alam na naaksidente siya kung kaya nagising nalang siya isang araw na naroon siya sa kanyang tahanan.
Tulad ng inaasahan, nagulat siya ng makita ako kasama siya. Kinakausap niya ako, tinatanong kung ano ang Pangalan ko. Ngunit tulad ng sabi ni Ama, hindi ko sinasagot ang bawat tanong niya.
Habang tumatagal, nahihirapan ako sa pagbabantay sa kanya, isa siyang Babaeng makulit.
Isang gabi, habang ipinag hahain ko siya ng kanyang makakain. Bigla na lamang siyang ngumiti. Napatitig ako sa manipis at mapula niyang labi. Nagtama ang paningin namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"