-
"....Thunder..."
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya..
"T-t-thunder?" utal na saad ko. Muli siyang tumingin sa'kin.
"Kumain ka na,Queenie" aniya sa mahinang boses saka siya naglakad patungo sa Living room at deretsong umupo sa Sofa.
Napakunot ang noo ko.. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nung binanggit niya ang Pangalan niya? Kung dati ay gustong-gusto ko malaman ang pangalan niya..Bakit ngayong nalaman ko na, bigla akong kinabahan? lalo lang bumilis tibok ng puso ko..
Kahit gulong-gulo ay tinapos ko ang pag kain ko.. Masyado na ba akong nag titiwala sa kanya? Dapat ko nga ba siyang pag katiwalaan?
Nang matapos ako kumain ay niligpit ko ang pinag kainan ko saka ako naglakad patungo sa kanya.. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya.
"Ah.." napatingin siya sa'kin. Binigyan ko siya ng weird na tingin.. May gusto akong tanungin pero hindi ko apagtanto kung ano iyon. Napakamot ako sa ulo ko saka ko siya nginitian ng pilit. "A-ang..Ang ganda ng pangalan mo.." nakangiting saad ko. "Siguro nung pinanganak ka ay bumabagyo ano? He-he" awkward! Napalunok ako saka ako sumandal.
Nanatili siyang tahimik, Napasulyap ulit ako sa kanya at nagulat ako ng deretso siyang nakatingin sa'kin na tila kinakabisado ang mukha ko. Napakunot ang noo ko, napansin niya yata ang pag tataka ko kaya umiwas siya ng tingin.. Hindi ko na alam kung sino ba ang weird saaming dalawa? Siya ba o Ako?
"Ilang taon ka na?" tanong ko.. "Ako kasi ay twenty na. Ikaw?" muling tanong ko. Kakausapin ko nalang siya ng kakausapin, Para naman maging madaldal siya. Ayoko naman na mag kulong dito sa bahay na may kasamang napakatahimik na tao! Ang gwapo-gwapo niya pa naman!
Matagal akong nag hintay ng sagot niya ngunit nanatili siyang nakapikit at deretsong nakaupo. Napanguso ako. Kainis naman!
"Saan ka nakatira? Ako kasi ay sa katabing subdivision lang, Naisipan ko lang lumipat dito kasi sayang naman etong regalo ng lolo ko" daldal lang,Queenie! Mapag sasalita mo din 'yan! Mui akong sumandal habang patuloy na nagsasalita. "May kapatid ka ba? Ako meron, pero payatot yun! Haha!" napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag tawa ko, kahit naman payat yung kapatid ko na yun ay sobrang mahal ko 'yun!
Muli akong tumingin sa kanya ng nakangiti. "Nagka girlfriend ka naba? Anong paborito mong kulay? Graduate kanaba ng College? Eto ba talaga ang trabaho--" natahimik ako sa pag tatanong ng bigla siyang tumingin sa'kin. Namilog ang mata ko at bahagya akong napaatras dahil sa pagtitig niya. Napalunok pa ako ng ilang beses...Lagot ka ngayon,Queenie! Napakadaldal mo kasi!
"Ang daldal mo.." aniya sa malamig na boses, naririnig ko na ang kalabog ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o ano.. "..Mukhang mahihirapan talaga ako sa'yo" dugtong niya na ikina-kunot ng noo ko.
"Mahihirapan?" takang tanong ko.. "Ang weird mo talaga," saad ko.
"Mahirap intindihin,Queenie. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo. Pero..." bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Muling nanlaki ang mata ko. Naitikom ko ng bahagya ang bibig ko.. "..Baka bumigay na ako.." aniya saka muling lumayo. Napahinga ako ng malalim..
Nakatitig lang ako sa kanya ng puno ng pag tataka.. Ano ba naman 'yan! Konti nalang eh! Bakit binitin niya pa ako? Aish!
Napangiti ako sa naiisip kong kalokohan, malambot kaya ang labi niya? Matamis? Masarap kaya halikan? Hindi ko napigilan ang mahinang pag hagikgik ko kaya napatakip ako sa bibig ko. Muli siyang napatingin sa'kin kaya umayos ako ng upo.
"Pero..Nagka Girlfriend ka na?" muling tanong ko. Gusto ko lang malaman! Ako kasi ay hindi pa! At sana ay hindi pa siya nag kaka-Girlfriend para pareha kaming First ang isa't-isa. Hihi! Ang landi ko!!!
Muli akong tumingin sa kanya ngunit nakapikit na naman siya.. Wala ba siyang balak sagutin ang mga tanong ko? Hmp! Kainis naman!
Tumayo na ako at nagpasya ng pumasok sa kwarto ko.. Dun nalang ako mag kukulong! kesa dito, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masunggaban ko siya ng halik.. Pfffft! Muli na naman akong napangiti! Ano ba 'yan! Mula nung dumating sa sa buhay ko ay naging malandi na ako. Hindi niyo naman ako masisisi! Nakakaakit naman talaga ang taglay niyang ka-gwapuhan..
Pabagsak akong humiga sa kama ko.. Haaaaiiiss.. Mapapasa'kin ka din,Thunder..
"Thunder?" ang weird ng name niya ha.. Paano kaay kapag pinag sama ang name namin? "Thunder+Queenie=?" ano ba maganda? Queeder? Thunie? Pfffft.. Ang bantot! Haha!!
Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama ko habang nakangiti.. Haaaaais ulet! Mama,Papa, kung si Thunder po talaga ang ipinadala niyo para sa'kin.. Salamat ng Marami! Hihi! Aba! May kanin na ako, may Ulam pa!
Napatingin ako sa side table ko at napansin ko yung Feather na white. Inabot ko ito saka ako dumapa sa kama..
"Saan ka ba nanggaling?" inikot-ikot ko pa ito.. Napatingin ako sa Terrace ng kwarto ko saka ako tumayo at naglakad patungo doon.. Muli akong sumilip sa ibaba..
"Imposible namang sa kalapati ka nanggaling.. Tignan mo oh..Ang taas!" sumilip pa muli ako sa ibaba.. Kaya ba ng kalapati na lumipad ng ganito kataas?
Biglang umihip ang malamig na hangin..Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag dampi nito sa mukha ko..
"Saraaaappp.." para akong bata, napangiti ako at napag pasyahan na muling bumalik sa kama. Palaisipan pa din sa'kin kung saan nanggaling ang Feather na ito.. Tsaka, sobrang puti nito! Ang puti-puti na para bang nanggaling sa isang pakpak ng anghel..
Napaupo ako sa kama habang nanlalaki ang mata.. "A-a-anghel?" sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa pinto ng kwarto ko.. Sa labas nun ay nandoon nakaupo lang si Thunder sa sofa.. Hindi kaya....?
"Hahahahaha!" napatawa nalang ako sa iniisip ko.. Tanga mo talaga Queenie! Oo nga't mukhan Anghel si Thunder pero imposible naman na Anghel siya! Haha! Haaaay naku!
Naisipan ko na matulog na lang.. Kulang lang siguro ako sa tulog kaya kung ano-ano ang naiisip ko...
Nagising ako sa isang kalabog na nagmula sa labas.. Kinusot-kusot ko ang mata ko, tumayo ako at dahan-dahang naglakad patungo sa labas ng kwarto ko..
Napatakip ako sa mata ko ng masilaw ako sa sobrang liwanag na nagmula sa living room..
Anong meron?
"Thunder?" mahinang tawag ko.. Piniit kong dumilat at maglakad palabas..Ngunit natigilan ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko..
Isang nakatalikod na lalaki, nakaputing damit,puting pants,puting sapatos at ang ikinagulat ko ay ang sobrang puting pakpak na nasa likod niya..
"T-thunder?"
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"