-
Lumabas ako sa kwarto, tahimik at madilim sa living room. Nakaramdam ako ng kaba.
“Thunder?” tawag ko sa pangalan niya, bumilis ang kabog ng puso ko ng walang sumagot. Nagmamadali akong pumunta sa Kusina. “Thunder?!” ngunit wala siya, nangingilid na ang luha sa mata ko. Iniwan niya na ba ako?
Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ngunit isang yakap ang sumalubong sa’kin, Napa-angat ako ng tingin at tuluyan ng tumulo ang luha ko kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa kanya.
“Thunder!” hinigitan ko pa ang yakap ko sa kanya. “Akala ko..Akala ko iniwan mo na ‘ko” humihikbing saad ko, akala ko kaya kong iwasan siya ng matagal pero hindi ko kaya.
“Sssshh..Tahan na..” malambing na saad niya. Inakay niya ako paupo sa sofa, nanatili akong nakayakap sa kanya kahit naka-upo na kami.
“S-saan ka ba nang galing?” tanong ko sa kanya, tumingin siya sa’kin ng deretso, bumuntong hininga saka ngumiti. May kakaiba sa ngiti niya, hindi ‘yon ngiti ng masaya kundi ngiti ng isang malungkot. Hinaplos niya ang pisngi ko.
“Nando’n lang ako sa kwarto mo,” sagot niya, hindi na ako muling nagtanong pa at muli ko siyang niyakap. ‘Yung amoy niya,’yung bango niya. Kakaiba. Ang presko sa pang-amoy. Mabango.
“’Wag kang aalis sa tabi ko,ha?” saad ko saka ako pumikit habang nakasandal sa dibdib niya. Hinaplos-haplos niya ‘yung buhok ko. Napangiti ako, ang sarap sa pakiramdam nito. Gusto ko na lagi lang siyang nasa tabi ko.
“Queenie..” mahinang tawag niya sa pangalan ko, mas siniksik ko pa ‘yung mukha ko sa dibdib niya.
“Hmm?” mahinang sagot ko. Patuloy siya sa paghaplos sa buhok ko.
“kung sakali man na, hindi na tayo magkita.. ‘wag mo akong kalilimutan,ha?” natigilan ako sa sinabi niya, nagpapaalam na ba siya? Nanatili akong nakasubsob sa dibdib niya. “kung sakaling,mawala ako, isipin mo lang na palagi akong nasa tabi mo at nakabantay sa’yo.” Hindi pa rin ako sumagot. Hinayaan ko siyang magsalita. “Nahihirapan na ako,Queenie. Alam mo bang..gusto din kitang makasama habang buhay?” muling kumabog ang dibdib ko sa binitawan niyang salita. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa katawan ko. “Pero tulad ng sinabi ko sa’yo. Hindi tayo pwede.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. “Kaya sana..maintindihan mo ako,Queenie.”
Kahit nakapikit ako, hindi ko pa din napigilan ang pagtulo ng luha ko, Maiintindihan ko naman eh, pero hindi ngayon..Hindi pa ngayon.
Nanatili lang kami sa gano’ng posisyon. Tahimik,walang-imikan, nagpapaki-ramdaman. Hinahayaan namin na ang puso namin ang kusang mag-usap.
Aalis? Bakit kaylangan niya pang umalis kung pwede naman kaming mag sama? Gusto niya pala ako makasama habambuhay,pero bakit kaylangan niya pang umalis at iwan ako? Bakit sinasabi niyang,hindi kami pwede? Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya,pero mas pinili ko ang manahimik nalang habang nakayakap sa kanya.
Kung totoo man na aalis siya at iiwan ako,kung totoo man na hindi kami pwede. Susulitin ko nalang ‘yung mga araw na kasama ko pa siya,’yung mga araw na nandito pa siya,sa tabi ko.
Umalis ako sa pagkakayakap ko sakanya saka ako nakangiting humarap sa kanya. Nakikita ko ang lungkot sa mata niya,napakagat ako sa labi ko. Hindi ko kayang tignan ‘yung lungkot na nababasa ko sa mata niya dahil parang may humahaplos sa puso ko. Pinilit kong ngumiti saka ako tumayo habang hawak ko pa din ‘yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"