Ika-Siyam na Kabanata

441 21 3
                                    

Queenie: Hindi ako naghahangad ng Maraming Votes at Comments. Ang mahalaga lang sa'kin ay merong nagbabasa at sumusuporta sa mga istoryang ginagawa ko. =)

Enjoy reading! - God bless! <3

-

“Doc! A-anong nangyayari?! Anong nangyayari sa Anak ko?!!!” nagkakagulo,ang ingay, nasaan ba ako?

“Misis, Sa labas na po muna kayo” boses ng isang babae.

“P-please..please..save Her..” Papa? Boses ni Papa, nasaan ba ako? Bakit ang dilim?

“Queenie? Naririnig mo ba ako?” unti-unti akong nasilaw sa isang liwanag, dahan-dahan akong dumilat. Napapalibutan ako ng mga nakaputing tao. “Queenie? Queenie?” napatingin ako sa lalaking nasa gilid ng kama ko.

“S-sino k-ka?” tila nahihirapang tanong ko, muli kong inilibot ang paningin ako, nasaan siya? Nasaan ka na?

“Ako si Doctor.Mendez, Queenie. Kamusta ang pakiramdam mo?” muli kong ibinalik ang tingin ko sa nagpakilalang Doctor.

“D-doctor?” hindi! Hindi pwede! Kanina ay nasa Condo lang ako! Anong ginagawa ko dito?! Kahit nanghihina, pilit akong tumayo at hinawi ang mga taong humaharang sa paningin ko. “N-nasaan siya?! N-Nasaan si..si…”

“QUEENIE?!!” Napatingin ako sa pinto, patakbong yumakap sa’kin si Mama,kasunod si Papa,at si Prince.

“Thank God!! You’re awake!!” humiwalay si Mama sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “You’re really awake!” lumuluhang saad niya at muli akong niyakap.

“Kamusta na siya,Doc?” narinig kong tanong ni Papa. Hindi ko na inintindi ang mga pinag-usapan pa nila.

“M-M-Mama..” nanginginig at utal-utal na tawag ko kay Mama, humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang luha ko.

“Yes,Baby? Nagugutom k aba? Nauuhaw? Tell me—“ umiling-iling ako at muli kong iginala ang paningin ko.. Hindi ko siya makita!

“M-mama, k-kanina, n-nasa condo lang ako..tapos..tapos…” napatingin na sa’kin lahat ng tao dito sa loob ng kwartong ito. Hinawakan ko sa kamay si Mama. “Mama..A-anong ginagawa ko d-dito? Si…si Thunder..Mama,nasa’n siya? K-kasama ko lang siya kanina..” palinga-linga ako habang umiiyak. Hindi pwedeng wala siya dito!!

“A-ano bang s-sinasabi mo,Anak?” takang tanong ni Mama, muli akong tumingin sa kanya.

“Si Thunder po..K-kasama ko siya kanina, sa Condo ko,Mama. M-mama..” napahagulgol na ako ng mapagtanto kong eto na ‘yung sinasabing sagot ni Thunder sa mga katanungan ko.. Muli kong inalala ang huli niyang sinabi.. ‘Paalam..’

“Anak..I-imposible ‘yang sinasabi mo.” Narinig kong sambit ni Papa.

“I-isa’t kalahating taon kang Comatose,Anak. A-at..ngayon ka lang nagising,Queenie..” lumuluhang napatingin ako kay Mama, hindi! Hindi ‘to totoo! “N-naaksidente ka, hindi mo ba natatandaan?”

Umiiling-iling ako.. Hindi ko matandaan! Wala akong ibang matandaan kundi ‘yung mga araw lang na kasama ko siya!!

“A-anak, alalahanin mo..K-kasama mo si Juliet nung panahong ‘yon.” Saad ni Papa. Tinignan ko sila isa-isa saka ako biglang napa-isip.. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang lahat.

My Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon