-
Naglakad ako patungo sa pasimano ng aking kwarto saka ako tumingala sa langit.
Napaka-ganda ng kulay ng langit, Asul at talaga namang napaka linis tignan. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa mga kulay Puting ulap..
Napaawang ang bibig ko at napatulala sa kulay puting ulap..Puti..Kulay Puti..
'Siya na naman ang naaalala ko,Ang First Love,Great Love,Forever Love and Last love ko. Walang iba kundi siya..Siya lang..'
..Pero kahit ano namang gawin ko ay hinding-hindi ko na siya makikita pa..Hinding-hindi ko na siya muling makakasama.. Dahil tulad ng sinabai niya.. 'Hindi pwede..Hindi kami pwede.'
Napa Pikit ako ng muli kong maalala ang una naming pagkikita..Isang araw, nagising na lamang ako na kasama ko na siya..Nagising na lamang ako na nandun na siya..
Ikukwento ko sa inyo kung paano kami unang nagkita at nagkakilala...
.................................,
2 years ago... [Story starts here.]
Iminulat ko ang aking mata dahil sa sinag ng araw na sumisilaw saakin.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga saka ako dumeretso sa banyo ng kwarto ko para mag hilamos. Humarap ako sa salamin saka ko itinukod ang kamay ko sa lababo.
bakit ba pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginagawa?
Pinunasan ko na lamang ang mukha ko saka ko itinali ang Mahaba ko ng buhok saka ako lumabas sa kwarto.
Mag-isa lang ako dito sa Condo na ine-regalo pa sa'kin ng aking Lolo.
Pagpasok ko sa kusina para sana mag luto ng aking almusal ay napatigil ako ng may isang Naka-Topless na lalaki ang nakatalikod mula sa'kin at nakaharap sa kanyang niluluto na kung ano. Namilog ang mata ko ng maisip ko na WALA naman ako kasamang kahit sino dito! Imposible naman na ang lalaking 'yan ay ang kapatid kong lalaki dahil Payatot iyon hindi tulad ng isang 'to na napaka ganda ng hubog ng katawan.. Likod pa lang..Ulam na!
But wait a minute! Nag kakalimutan tayo!
Inipon ko ang buong lakas ko para makasigaw ng sooooooobrang lakas pero wala din palang kwenta dahil soundproof ang condo ko.
"Aaaaaaaahh! S-s-sino ka?!!" unti-unti siyang humarap sa'kin. Muling napaawang ang bibig ko ng makita ko na ang kabuuan niya.
Napalunok ako sa napakaamo niyang mukha, sa magandang hubog ng kanyang katawan,sa mapupungay niyang mata, sa Matangos niyang ilong at sa mapupula niyang labi..
Umiling-iling ako! Hindi ito ang oras para mag pantasya ka Queenie!
Siningkitan ko siya ng Mata saka ko pinag cross ang aking braso.
"Sino ka sabi?!!" muling tanong ko. Wala manlang ako makitang kahit anong ekspresyon mula sa kanyang mukha. May kinuha siyang isang Sobrang Puting Shirt sa gilid saka niya iyon isinuot, ayaw niya naman sa puti ano? Pati pants at sapatos niya ay puti.. muli siyang tumingin sa'kin ng deretso..
"Queenie.." napaatras ako sa lamig ng boses niya. Pero teka! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi pa ako nakakabawi sa isipin ko ay muli siyang nagsalita.. "Halika, mag-agahan ka muna." aniya saka niya inurong ng bahagya ang upuan. Napatingin ako doon at muling binalik ang tingin ko sa kanya..
Aba! Aba! dinadaan ako nito sa pa-chuchu niya ah!
"Sino ka nga ba kasi?!! Anong pangalan mo? At paano ka nakapasok dito sa Condo ko?" dere-deretsong tanong ko..
Muli, tumingin lamang siya ng deretso sa'kin na hindi nag papakita ng ano mang emosyon. Tinitigan niya lamang ako sa mata, nakaramdam ako ng kung anong kaba..Kakaibang kaba na nagpabilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa ginagawa niyang pag titig saakin..
"Hindi ito ang oras para sa iyong mga katanungan,Queenie" seryosong saad niya.. "..Mag-agahan ka muna,Tungkulin ko na alagaan at ingatan ka.."
Muling namilog ang mata ko.. Alagaan? Ingatan? Eto na ba ang regalo saakin ni Mama at Papa dahil naging Good girl ako ng isang buwan?
Napa ngiti ako sa isiping iyon atsaka ako nag lakad patungo sa upuan saka umupo.
Napaka Gentleman naman niya, pinag lagay niya pa ako ng Fried rice sa plato. Lalong lumawak ang pag ngiti ko saka ako muling tumingin sa kanya.
"..Sumabay ka na sa'kin" pag-alok ko sa kanya. Tinignan niya lamang ako at walang sabi-sabi na lumabas siya sa kusina at nag punta sa Living Room. Sinilip ko siya at nakita kong naka-upo siya ng deretso sa Sofa habang naka-Cross arms at nakapikit..
Weird.. Dapat na ba akong tumawag ng Pulis? O ng kahit sino?
Pero bakit pakiramdam ko ay Safe ako sa kanya? Paki ramdam ko ay hindi niya ako pababayaan..
Nag kibit balikat na lamang ako saka ako muling tumingin sa pagkain. Inamoy-amoy ko pa ito, baka sakaling naiwan ang mabango niyang amoy dito sa niluto niya. Hihi!
"..Grabe! ang sarap naman niya mag luto!" kinakausap ko na ang sarili ko habang nakatingin sa hotdog na nakatusok sa tinidor ko.. "Kahit hotog at Ham lang naman ang niluto niya, bakit pakiramdam ko ay napaka espesyal na?" napangiti na naman ako.. Haaaaiii..
"Masama ang mag salita habang may pagkain pa sa iyong Bibig,Queenie" halos mabulunan ako ng mula sa likod ko ay marinig ko ang boses niya. Napahawak ako sa dibdib ko saka ako humarap sa kanya.
"Ano ka ba naman! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" hindi ko na napigilan ang pag tataray ko. Kasi naman! ang ayoko sa lahat ay iyong ginugulat ako..
Hindi na naman siya nag pakita ng kahit na anong Reaksiyon at muli siyang bumalik sa inuupuan niya kanina.
Tignan niyo! Tignan niyo kung gaano ka weird yung Gwapong lalaki na iyon! Hmp!
Tinapos ko nalang ang pag kain ko saka ako lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya
Nanatili siyang naka pikit. Pinag masdan ko ang mukha niya, Mas gwapo pala siya kapag malapitan.. Inangat ko ang aking kamay, balak ko sanang hawakan ang Mahaba niyang pilik mata ngunit nabigo ako ng bigla siyang dumilat.
Lumingon siya sa'kin kaya nginitian ko na lang siya saka ako medyo umatras sa kanya..
"Ano pala pangalan mo? Ipinadala ka ba ni Mama at Papa dito? Ano? Sabihin mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot..Hindi naman siya pipi, hindi naman siguro mabaho ang hininga niya.. Pero bakit ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko?
Tumayo ako saka ako dumeretso sa Front door, Pupuntahan ko nalang muna yung kapit bahay kong babae na kasing edad ko lang. Atleast yun, may sense kausap at hindi ako maboboring!
Hahawakan ko na sana ang doorknob ng biglang may pumigil sa kamay ko at isinandal niya ako sa pader.. Nanlaki ang mata ko, Nanatili ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang mag katitigan kami sa mata. Napalunok ako sa sobrang lapit naming dalawa..
"Hindi ka maaaring lumabas,Queenie" mahinahon ang pagkakasabi niya at amoy na amoy ko ang kakaibang bango ng hininga niya.. Pumungay ang mga mata ko at muling napalunok..
Halos masundan ko na ang bawat pagkurap na ginagawa niya.. Muli siyang nagsalita.. "Dito ka lamang,Hindi ka pwedeng lumabas." muling saad niya saka niya binitawan ang kamay ko. Napakunot ang noo ko
"Pero bakit?!" takang tanong ko. Muling sumeryoso ang kanyang mukha at deretso lang siyang nakatingin sa'kin..
"...Dahil baka hindi kana makabalik pa.."
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"