Ika-Sampung Kabanata

435 19 0
                                    

-

 Tahimik akong naglalakad sa isang Park kasama si Juliet at si Charles. Oo, si Charles, nagkabalikan sila after daw nung aksidente. Nagpaliwanag na din si Charles na mali ‘yung nakita ni Juliet, hinarap din nilang dalawa ‘yung babaeng nakita ni Juliet na kahalikan ni Charles. Mali daw ‘yung nakita niya,walang halikan na naganap. Sadyang O.A lang daw si Juliet kasi tumakbo agad porke nakita lang na magkalapit ‘yung Girl at si Charles. Girlfriend pala ‘yun ng Kaibigan ni Charles,tinulungan niya lang daw na tumayo ‘yung Girl kasi nadulas. Tss, kaya ‘yung Bestfriend ko, todo sorry.

“Queen, ayaw mo talaga sumama?” tanong ni Charles, naka-akbay siya kay Juliet. Gusto ko mainggit, pero mas gugustuhin ko pa na maging masaya para sa kanila.

“Hindi na, Ok lang naman ako dito.” Nakangiting saad ko. Tinignan naman ako ni Juliet

“Siguro imi-meet mo ‘yung Gwapo na nandun sa Sketch mo,ano?” taas kilay na tanong niya. Bahagya akong ngumiti, sana nga. Sana nga may pagkakataon pa akong ma-meet siya.

“Baliw! Sabi ko naman sa’yo,imahinasyon ko lang ‘yun.” Sabi ko. Totoo naman diba? Imahinasyon ko lang siya,panaginip. Isang panaginip na mahirap kalimutan.

“Sige na nga! Basta, text mo ‘ko kapag kaylangan mo ng kasama ha?” aniya saka ako hinalikan sa pisngi. Tumango ako.

“Ingat kayo,Charles,ingatan mo ‘yan” sabi ko saka kumaway sa kanila. Monthsary kasi nila ngayon. Nakakatuwa lang kasi kahit na anong pagsubok ‘yung dumating sa kanila,talagang nananatili silang matatag.

 Napabuntong hininga ako ng makaalis ‘yung kotseng sinasakyan nila. Napatingin ako sa paligid. Kokonti lang ang tao dito, sa bandang dulo ay may Soccer field na may mga naglalarong Kabataan. Napanguso ako. Sana naging normal nalang ang lahat.

 Muli na naman akong napabuntong hininga saka ako naglakad patungo sa isang batis kung saan napapalibutan ng iba’t-ibang kulay ng bulaklak,may isang Matayog na puno at napaka ganda at napaka linis na Bermuda.

 Umupo ako sa ilalim ng matayog na puno saka ako tumingin sa malinis na Batis.

Dalawang taon na mula nung makilala ko siya, dumating siya ng hindi ko inaasahan, umalis din siya ng hindi ko inaasahan. Nakaka-miss. Kung paano ko siya kinulit,kung paano ko siya nakakasama araw-araw, kung paano ako nasanay sa presensiya niya,kung paano tumibok ang puso ko para sa kanya. At paano akong na-inlove sa kanya.

 Lahat-lahat nami-miss ko. Napahawak ako sa labi ko saka ako napapikit.

 Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa din ‘yung lambot ng labi niya, nararamdaman ko pa din ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

 Hindi ko na yata siya maiaalis sa sistema ko.

Kaylan ba siya babalik? Babalik pa ba siya?

Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko, agad akong dumilat at pinahid ang luha ko.Muli akong tumingala sa langit,mataas ang tirik ng araw, Permanenteng nakatigil ang mapuputing ulap.Napaka ganda ng panahon ngayon.

‘Thunder, miss na kita. Babalik ka pa ba?’

“Huhuhu! Isusumbong kita kay Mommy ko! Huhuhu!” napatingin ako sa dalawang bata, isang babae at isang lalaki.

“Sorry na nga eh, hindi ko naman sinasadya!” sabi nung batang lalaki.

“Pakasalan mo ‘ko!” sigaw nung babae, di ko mapigilang mapangiti. Ang cute nila.

“Ano?! Bakit naman kita pakakasalan? I’m only 9!”

“You stole my first kiss!!!” napanganga ako, first kiss? Pero agad ko ding naitikom ang bibig ko ng may maalala ako. First kiss, siya ang first kiss ko. Hindi ba dapat pakasalan niya din ako?

My Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon