DairyQUEENIE: Thank you for Reading! =) Kitakits sa "The Side Stories"
-
Tahimik kong iginuguhit ang mukha ng isang Babae. Hindi pamilyar sa’kin ito pero palagi siyang nasa panaginip ko. Sa panaginip ko, kasama ko siya. Masaya kaming dalawa. Pero natatapos ang panaginip ko na magkakalayo kami at umiiyak siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang luha niya sa panaginip ko. Nagigising nalang ako na may luha din sa mukha ko. Masyado akong nababagabag.
Inumpisahan ko ang pag guhit sa hugis ng kanyang mukha, tapos sa mahaba niyang buhok, sa manipis niyang kilay, singkit at mapungay na mata, sa matangos niyang ilong,at ang huli, sa manipis niyang labi, ang labi niya na nahalikan ko sa panaginip ko.
Matapos kong maguhit ang buo niyang mukha, muli ko na naman itong tinitigan. Napakaganda niya. ‘Sino ka ba talaga?’
“Kuya!” napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas iyon at pumasok ang siyam na taon kong kapatid na lalaki,si Storm. Tumabi siya sa’kin sa pag-upo sa kama ko. Ginulo ko naman ang buhok niya.
“Ang aga mo naman nagising?” tanong ko, nakasuot pa siya ng pantulog at dito agad siya dumeretso. Kinuha niya sa’kin ‘yung sketch pad ko saka niya iyon pinag masdan.
“Sino po ba talaga ito,Kuya?” tanong niya. Ngumiti ako saka ko tinitigan ‘yung iginuhit ko.
“Sa totoo lang,hindi ko din siya kilala.” Tumingin sa’kin si Storm. Kinurot ko naman ‘yung pisngi niya saka ako humiga ulit sa kama at ginawa kong unan ‘yung braso ko. “Palagi siyang nasa panaginip ko.Malungkot siya,eh. Sa tingin mo,bakit?” tinaasan ko pa siya ng kilay. Nag pout naman siya at muling tinignan ‘yung guhit ko.
“Baka siya na ‘yung babaeng para sa’yo,Kuya?” sagot niya,napangiti na naman ako. “O kaya naman, baka part siya ng nakaraan mo,Kuya?” tinaasan niya din ako ng kilay. Napatitig ako sa kapatid ko,minsan naiisip ko. Baka naman may matandang kaluluwa ang nasa loob niya? Masyado kasi siyang matured kung mag-isip. Nag buntong hininga ako saka ako ulit bumangon.
“Gusto mo ba sumama?” tanong ko sa kanya habang hinahanda ko ‘yung Jersey ko ng Soccer. Tumalon siya mula sa kama pababa saka niya inilapag sa side table ‘yung Skecth pad ko.
“Isasama mo ulit ako,Kuya?!” excited na tanong niya,tumango naman ako.
“Maligo ka na tapos mag bihis.” Saad ko. Muli kong ginulo ‘yung buhok niya bago ako pumasok sa Bath room.
Nakapikit ako at hinahayaang umagos ang tubig mula sa shower pababa sa katawan ko.
Tila may kumukurot sa puso ko sa tuwing makikita ko sa isip ko ‘yung malungkot niyang mukha, yung luha niya. ‘yung maganda niyang mata na lumuluha ng dahil sa’kin. Parte ka nga ba ng nakaraan ko? Paano? Bakit wala akong maalala?
Tinapos ko na ang pag ligo ko saka ako nag bihis.
Nakahanda na si Storm pag labas ko, napangiti ako. Excited talaga siyang makalabas.
“Tara na.” sabi ko saka kami lumabas. Pinag buksan ko pa siya ng pinto ng kotse saka ako sumakay at pinaandar. “Nag paalam k aba kay Mama?” tanong ko habang nag di-drive patungo sa Park kung saan kami magkikita-kita ng mga Barkada ko para mag laro ng Soccer.
“Opo! ‘wag daw tayo magpapa-gabi kasi darating si Papa.” Masiglang sagot niya, tumango ako saka itinuon ang atensiyon sa pag di-drive.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"