🌺A Walk in The Park🌺
***
Lea
"...Isa na namang istudyante, patay matapos umanong sasakin-"
Kakababa ko palang sa hagdan, ito na agad ang laman nang balita.
Hayst. Ang gulo na talaga nang mundo. Napailing ako.
Ang daming ganap. Ang dami ko nang dapat iwasan.
"Gising na pala ang anak ko!" Mula sa telebisyon ay nabaling ang mata ko sa pamilyar na mukhang agad ding kinuha ang remote para patayin ang TV.
Mula sa pwesto nya, ay dahan dahan nyang minanubela ang mga gulong nang wheel chair patungo sa akin "Ang ganda ganda mo talaga anak" Tuwang tuwa nyang tugon.
Dahan dahan akong yumuko para hayaan syang yakapin ako.
Ganito talaga ang tatay, kahit araw araw nya akong makita, araw araw nya rin akong tatawaging maganda at yayakapin na para bang matagal na kaming hindi nagkikita.
"Salamat, tatay ko" Pakikisabay ko sa kanya.
Hinawi nya ang buhok ko at inipit sa likod nang isa kong tainga "Ang buhay na litrato nang maganda nya ring nanay" he laughed.
Napangiti ako. Lagi nyang sinasabi yan. Hindi na bago sa akin.
Pero kahit ilang beses nya pang sabihin yan. Hinding hindi parin ako maniniwala.
My mother was a dare devil. A fashion freak. She was a model, A superstar.
At ano lang naman ako kumpara sa kanya. An architect who's obssessed with pastels, long soft blazers, and a pair of doll shoes. Nothing out of the ordinary. Ni pangalan nga, ako lang ang nakakaalam.
Sya ang ilaw nang tahanan nato. Sya ang rason nang mga tawa at sigla sa bahay nato. Kaso umalis sya... Ninakaw sya nang mundo sa amin. Kaya ako ang umako sa responsibilidad nya. Ang buhay na litrato nang aking ina, at ang pilit sinasabuhay ang buhay na naiwan nya.
Hinila ko si tatay papunta sa back porch nang bahay namin. Iniwan ko sya at kinuha ang hose para diligan ang libo libong bulaklak na nakapalibot sa likod-bahay namin.
They were Nanay's plants before mine. A beautiful reminder that she isn't really dead.
Ngumiti ako at kumaway kay tatay na nakatingin sa akin mula sa porch.
Hindi na naabutan ni Nanay ang bahay nato. Hindi nya naabutan ang bahay na minsan kong pinangako sa kanya.
"ang lalago nyo na" inalis ko ang mga nalalantang dahon nang petunia habang dinidiligan ito. Namumulaklak na ang mga ito, nang iwan ito ni Nanay, halos wala pang dahon.
Si Nanay ang dahilan kung bakit ko natutunan mahalin ang mga bulaklak. Ang ganda nang kalikasan at ang ganda nang mga likha nang Diyos.
Nature reminds me of her eyes. The most beautiful brownish shade of green. Eyes exactly like mine.
Nawala ang ngiti ko sa mga iniisip.
Kailangan nya ba talagang umalis?
***
"Wag mong pipitasin yan Aui!" my mom ran towards the 5-year-old me playing in her garden. Hinila nya ang buong katawan ko palayo sa halaman nya.
My younger self looked at her, in shock, holding a petunia flower in hand as she laughed. My mother was never the type to be angry. Napaka gentle, napaka hinhin.
BINABASA MO ANG
Til We Meet Again, Next Life
Action🌺Til We Meet Again, Next Life🌺 In a life full of chaos and darkness. Who would you trust to find escape? Will it be worth it? Leonora Auria Sanchez. A woman who didn't care about the chaos. She created her own peace of mind and ways to enjoy her d...
