🌺Pictures In A Camera🌺
***Chris
I sighed as I took another shot. Tiningnan ko ang screen nang camera ko. Ok na sana yung angle pero masyadong distracted ang kumuha
Masyado akong distracted
Lumuhod ako nang makita ang paro-parong dumapo sa bulaklak at kinuhaan yun bago ito nakalipad ulit
Tiningnan ko ang kuha ko, perfect, but not satisfying
Sinasabi ko na nga bang dapat hindi ko nalang nilabas ulit tong camera nato. Dahil kahit anong ganda pa nang kuha, isa lang ang naaalala ko pag hawak ko ang camerang to
Si Danica
It's been a few months since I last saw her. I looked for her pictures in the camera and when I saw it, a smile draw on my face
Nakakamiss pala ang nakaraan. Yung mga panahong ok pa kayo. Yung mga panahong ngiti lang ang nakaulit sa mga labi nyo
She was my everything. We were childhood friends before we dated. We were even engaged. Kung hindi lang dumating si Leo at sinira ang pinagsamahan namin ni Dani, siguro kasal na kami ngayon
Pwede namang sa ibang paraan masira ang relasyon namin... Pwede namang nakulangan kami nang oras sa isa't isa o... Masyado pa kaming bata
Pero bakit kailangang ibang tao pa ang sumira? Bakit nya kailangang magtaksil?
Kumuha ako nang bato at buong lakas na tinapon yun. San ba kasi ako nagkulang?
Catching my breath napatingin ako sa kung saan nakarating ang bato
Then I remembered Lea
Napaupo ako sa damo at pumikit. Si Lea na naman
Nung unang araw ko syang nakilala, inexpect ko talagang babalik sya. Inexpect kong gusto nya pa akong makilala nang lubusan
Pero tulad nang batong tinapon ko, wala pala syang paki. Hindi pala sya babalik
Kung alam nya lang na hinanap ko talaga sya. Nung nakita ko sya na papasok sa stadium para makinig sa conference na hindi ko naman talaga pinupuntahan, I just know it was my only chance
Hindi ko alam kung anong nakain ko pero simula nung nakita ko syang nakikipaglaro kay Moon, nakita ko si Danica sa kanya. And like a magnet she pulled me towards her
Love at first sight? I scoffed, hindi naman totoo yun. Hindi ko pa naman masasabi na nagustuhan ko agad sya. Siguro after-effect lang nang breakup namin ni Danica yun
Nawala ang ngiti ko nang maalala ang mga pangyayari kagabi
I sighed, ano kayang naalala nya? Siguro kamukha ko ang ex nya at naalala nya yung mga ganong linya nang taong yun sa kanya. O baka siguro close friend nya na hindi na nya close ngayon. Ang dami kong maisip na dahilan
Like a rock, she doesn't want to get attached to people, that's what she said. Dahil kaya takot syang itapon palayo? O baka dahil hindi naman sya nakakabenifit sa tao?
Her mindset was golden. Palagi ko nalang natatanong ang sarili ko pag iniisip ko sya
When I knew my feelings for Danica, I knew it was because were both in the right age. Simula bata pa kami magkasama na kami. So I thought that was the reason why I liked her
But what I'm feeling for Lea right now is different. Minsan sinasabi kong gusto ko na sya, Minsan naman naguguluhan parin ako kasi ang bilis naman kung ganon
Para syang bato na tinapon nang buhay sa ibabaw nang ulo ko kaya nababaliw na ako. Sa sakit nang tira nang buhay, nahirapan tuloy akong mag move on
Danica was my butterfly and Lea was Life's stone. Ang layo nang agwat at pinagkaiba nila
Butterflies are free and stones don't even care. A butterfly can never hurt anyone, a stone can. Pero bakit parang mas gusto kong tamaan ako nang bato kaysa daanan nang paro-paro?
Why was I waiting for Lea to come back and shoo away Danica so easily?
Natawa ako
Hindi naman kasi pwedeng ibugaw ang bato. Hindi naman aalis yun kung hindi mo pupulutin at itatapon
Siguro kaya ayaw kong itapon si Lea dahil alam kong di sya aalis pag nasa kamay ko na sya
Butterflies look for other flowers. Stones are not interested
Teka, nahuhulog naba ako kay Lea? Siguro nga. Pero posible ba? Siguro rin. Tatlong araw lang ang pinagsamahan namin pero grabe ang impact nya sa buhay ko
Parang may tinanim na sya sa loob ko. Parang may bumubungang tanim sa loob ko pag nakikita ko sya
Kinuha ko ang cellphone ko. Nandon ang number nya. Walang pangalan yun. Just a single dot. Napangiti ako nang makaisip ako nang ilalagay dun
'Hail'
Bakit Hail? Because it was the best way to describe her. Like hail she was tough and cold but most of all she's beautiful
"Kuya?" hindi ko nilingon si Greg at naramdaman nalang ang paglapit at pag-upo nya sa tabi ko "Uy sino si Hail? Pakilala mo naman ako" pananantyaw nya at sinago pa ako
Bigla nalang gumalaw ang kamay ko at tinago ang cellphone
"yiiee may ipapalit na sya kay Ate Danica" he teased
Kumunot ang noo ko "pano mo nasabi yan?"
Hindi ko alam pero ayaw kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Lea. I don't want him to think na madali lang para sa'kin mag move on
I felt Greg's hands behind me "total, mahirap nga namang mag move on kay ate Danica"
"hindi naman ah" sagot ko
"so nakamove on ka na?" nakangisi nyang sabi
Napangiti ako "may bago na nga eh" sh*t! Ba't ko sinabi yun!
Inexpose ko ang sarili ko kahit dapat wala akong sinabi! Nakakainis ako! Tawang tawa lang naman si Greg
"Si Ate Hail naba yun? Sya naba ang bago kong ate?"
"Wala joke lang yun" sabi ko, sinusubukang alisin sa isip nya ang nasabi ko
"eh ano yan" tinuro nya ang mukha ko "ba't may ngiti ngiti ka dyan? Yiiee nakamoveon na sya" anong ngiti pinagsasabi nito?
"inggit ka lang eh" nagpatalo nalang ako
"aysus! Ba't naman ako maiingit? Kahit wala akong jowa mas gwapo parin ako sayo" nag pogi sign pa sya. Parang sira tong kapatid ko nato
"Eh ba't ka nabasted?" natawa ako nang nawala ang mapagmalaki nyang mukha. Tinuro ko sya "hindi binabasted ang mga gwapo" natawa ulit ako
"atleast wala akong iniyakan" umirap irap pa sya. Bading ba tong kaptid ko?
I just smiled and shook my head as I looked at him laughing
Kung may litrato mang kahit kailan hindi ko idedelete, sya yun. Sya at si mama. Silang dalawa lang ang nagpapangiti sa'kin. Losing them will be the worst thing that could ever happen to me. I'd do everything to protect them
"Kuya" Greg broke the silence "Minahal ka kaya talaga ni Ate Danica?"
Pareha lang kami nang tanong
"Hindi ko alam" I shrugged my shoulders "ang alam ko lang... Iniwan nya ako para sa ibang bulaklak"
His brows furrowed. Hindi nya ko nagets
Ngumisi ako "para kasing paro paro si Danica. She gathers pollen from flowers, at nung wala na syang nakitang mahalaga sa akin, she went and look for another one"
•°🌺Aesther93🌺°•
![](https://img.wattpad.com/cover/274372626-288-k909259.jpg)
BINABASA MO ANG
Til We Meet Again, Next Life
Non-Fiction🌺Til We Meet Again, Next Life🌺 In a life full of chaos and darkness. Who would you trust to find escape? Will it be worth it? Leonora Auria Sanchez. A woman who didn't care about the chaos. She created her own peace of mind and ways to enjoy her d...