🌺Chapter Five🌺

6 2 0
                                        

🌺Fix Yourself, Lea🌺
***

Lea

Sinundan ko nang tingin ang guhit nang lapis sa maliit kong notebook.

Kumunot ang noo ko nang lumitaw sa papel ang isang pamilyar na lalaki, tinanggal ko ang pahina ng notebook at tiningnan nang maayos ang ukit ko.

Mukha ni Chris.

What in the world?

I crumpled the page and threw it into the trash bin.

Napasapo ako sa magkabilang parte nang ulo ko.

Ano ba, Leonora? Why was I suddenly drawing faces of the man I just met? Epekto naba to nang hindi nakikisalamuha sa iba for how many years? Kaya ako nagkakaganito? I pushed my notebook away from me, nandidiri sa mga kagagawan ko.

Napahiga nalang ako sa kama ko at bumuntong hininga. It's fine, Leonora, hindi mo na sya makikita ulit. It just so happened na nakita nyo ang isa't isa. That was just a stupid coincidence, it won't happen again.

With that statement I closed my eyes and slept.

***

Ilang araw rin akong hindi lumabas nang bahay. Just sketching random things in my study table and simultaneously throwing it away. Dahil parepareha lang ang nagugihit ko.

Mapungay na ngiti, dimple sa gilid nang mukha, medyo mahabang buhok, makinis na kutis.

Everything was Chris! He's haunting me. Araw araw nasa ukit ko sya. And it's so weird that I remember how he exactly look like. It's stressing me out!

***

Makalipas ang tatlong linggo, Nagising ako sa sinag nang araw sa bintana ng kwarto ko. Umayos ako nang upo at tumunganga bago naisipang mag ayos.

Nang matapos akong maligo ay dali dali na akong bumaba and as usual, my father greeted me. My life was back to normal.

Pumunta ako sa likod nang bahay at nagdilig nang mga halaman. Sabi ni tatay umuwi daw ako nang maaga dahil magbabasa kami nung bagong bili nyang libro. So naglakad ako sa parke na may ngiti sa labi.

Until... I saw a familiar face again. Dali dali akong tumalikod nang makita si Chris. Him again?

Hindi na ako lumingon dahil sigurado naman akong sya yun kasama ang aso nyang si Moon. Mabilis akong naglakad nang marahan akong tinulak nang aso nya at tumahol pa ito.

"Lea!" the guy behind shouted. Napakagat ako sa labi nang marinig yun.

The universe must hate me. The only day after 3 weeks na napagdesisyunan kong lumabas, makikita ko sya bigla bigla.

Tinuwid ko ang pagkakatayo ko at bigong lumingon, Nakakadissapoint naman.

"Hi" pabuga kong sabi, na para bang sobrang galit ako sa mundo dahil pinagtagpo kami. Binawi ko nalang yun sa isang pekeng ngiti.

This isn't planned, ayaw kong sirain nya nanaman ang schedules ko para sa sarili ko. I don't want to take another risk to meet him. To know anything about him! To even be friends with him! It's annoying!

"Di ko inexpect na makikita kita rito" he gave me a cute smile reaching his eyes.

Ako rin. Napairap ako sa sarili.

Til We Meet Again, Next LifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon