🌺The Best is The Worst🌺
***
Lea
"We should aim for the best things life could offer! We should BE the BEST thing this life has to offer!"
Bakit nga ulit ako nandito? Kinamot ko ang ulo ko gamit ang lapis.
"lahat nang efforts natin push natin sa trabaho! Only then can we achieve true happiness!"
Really? Masaya naman ako kahit wala akong trabaho. Masaya naman ako kahit hindi ko ginagawa ang best ko.
Hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin para sumali sa conference na 'to. Somehow I just found myself listening to things I'm not even interested in.
"excuse po, padaan, thank you" nakuha nang lalaking pamilyar ang boses ang atensyon ko. Sinundan sya nang aking tingin hanggang sa makaupo sya sa tabi ko.
He looked at me and smiled habang busy ang bunganga sa pagnguya nang popcorn.
Ang weird ha, Conference to, hindi sine.
Inalis ko ang tingin sa kanya at binaling nalang ang atensyon sa nagsasalita. I wasn't really interested anymore kaya yumuko nalang ako sa mini sketchbook na nasa kandungan ko at inikot ang lapis sa kamay ko. Napakagat labi pa ako nang mahulog ito sa sahig.
Aabutin ko na sana ito nang naunahan na ako nang lalaking katabi ko. Nagkadikit ang mga kamay namin kaya agad akong humiwalay at inayos nalang ang upo, hinihintay syang iabot sa akin ang lapis.
"Miss" sabi nya nang iabot ito.
Mahiya akong ngumiti, iniiwasan ang tingin nya "Salamat" dahan dahan kong kinuha ang lapis.
Dahil sa pangyayaring yun ay nanginig ako sa kaba. Ito naba yung tinatawag nilang... social anxiety? Why am I suddenly feeling like this?
"teka..." Hindi pa pala nya inalis ang titig nya sa akin "diba ikaw yung..."
Bigla namang gumalaw ang mga mata ko at tumingin sa mga mata nya. Ewan ko ba, inalis ko rin agad yun.
"Tama! ikaw nga! Yung masungit na babaeng nakita ko 2 weeks ago" tinuro nya pa ako. Nagkunot ang kilay ko pero agad ring nawala nang marealize ko kung bakit pamilyar ang boses nya.
Sya yung amo nang aso sa park!
Napabuntong hininga lang ako at hindi nagsalita. Malikot na itinatama ang eraser nang lapis sa sketch book nang paulit ulit.
"Chris" natigil ako. Kita ko ang paglahad nang kamay nya sa pagitan namin. Anong gagawin ko? Randam kong nakangiti sya, madalian ko syang tiningnan at nakita ko ang dimple sa kanang bahagi nang mukha nya. Something my father also had on the same cheek.
Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
Will it be rude if I stand up and leave him there?
Bumuntong hininga ako at dahan dahang inabot ang kamay nya.
"Leonora" Sabi ko, agad ko ring binitawan ang kamay nya at nagsulat nang mga linya sa sketchpad ko. Sinara nya ang kamay nya at hinila yun paalis sa harapan ko.
An amused laugh echoed in my ear. Is he laughing at me?
Pinabayaan ko na lang. Ok Leonora, calm down. Wag masyado mag salita. Hindi ka nya kakaibiganin kung hindi mo sya papansinin.
"do you live near here?" I pursed my eyes closed.
Pano ko ba gagawin yun na hindi nakakasakit nang kapwa? Wala akong naging kaibigan dati pa, sa school o sa mga kasambahay ayaw akong lapitan dahil di ko sila pinapansin. Mali ba na tinanggap ko ang pagpapakilala nya?
BINABASA MO ANG
Til We Meet Again, Next Life
Action🌺Til We Meet Again, Next Life🌺 In a life full of chaos and darkness. Who would you trust to find escape? Will it be worth it? Leonora Auria Sanchez. A woman who didn't care about the chaos. She created her own peace of mind and ways to enjoy her d...
