Chapter eleven

19 0 0
                                        


Brielle' POV

"Brie!" parang nag-echo 'yong boses ni Tine sa tenga ko.  "Bakit mo siya sinampal? Kami na nga 'tong concern sayo, eh!" singhal  pa nito kay Vien.

First time kong masampal at ang sakit pala, parang namanhid 'yong pisngi ko.

"Concern? Come on, I'm not stupid! Alam ko namang una pa lang gusto niyong kunin lahat sa akin! Una si papu, then now pati boyfriend ko Brielle?!"

Lumakas ang bulungan sa buong canteen.

Kita ko sa mukha niya 'yong galit.

Pinipigilan kong wag maiyak, ang sakit kasi talaga. "Sila ang nanloloko sayo, sinabi ko lang kung anong nakita ko." parang nawalan ako ng lakas dahil sa sampal niya.

"Don't me! Sabagay hindi na ako magtataka, kung ano 'yong puno siya rin ang bunga." tinignan niya pa ako. "Kaya ka nga nabuo ka diba? Kasi malandi 'yong nanay mo, kumabit siya kay papu! Kaya ikaw, balak mo rin na kumabit sa boyfriend ko kasi malandi ka! Malandi kayo ng nanay mo!" nagpintig naman 'yong tainga ko sa mga sinabi niya.

Ano raw? Kumunot naman 'yong noo ko.

Unti-unti akong tumingin sa kaniya.

"Hoy, Vien! Sobra kana, ha!" si Tine.

"Kayo ang sobra! This is what you want right?" ngumisi pa siya. "Everyone tama kayo ng narinig, mga kapatid ko sila. Kapatid sa labas!" anunsyo nito sa buong canteen.

Hindi ko na pinansin 'yong sinabi niya. Mas nag sink-in sa akin 'yong pandadamay niya kay mama. "Insultuhin mo na ako lahat, wag mo lang idadamay ang mama ko." parang gusto kong sumabog.

Sobra na siya. Ibang usapan na 'yan, hindi niya dapat dinadamay si mama!

Lumapit si Vien sa akin, "And why? Masakit ba? I'm just telling the truth. Malandi ang mama m---" hindi ko na siya pinatapos.

Sinampal ko si Vien-- Nasampal ko siya.

Nagulat naman ako sa nagawa ko.

Kahit siya hindi makapaniwala.

Lalapit pa sana 'yong mga kaibigan niya pero pinigilan sila ni kiela.

"H-how dare you!" mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot 'yong buhok ko, napangiwi naman ako sa sakit.

Hindi ko alam ang gagawin ko, pilit kong tinatanggal 'yong kamay niya.

"Ano ba Vien!" parang matatanggal na 'yong anit ko sa lakas na sambunot niya.

Ang ayoko pa naman sa lahat hinahawakan ang buhok ko!

"Akala mo kung sino kang mabait! Eh, malandi ka pala. All of boys here, boyfriend ko pa talaga?! Ang kapal ng mukha mo!"

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko, agad ko siyang tinulak.

Tanging pagtingin na lang ng masama ang nagawa ko, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Huminga naman ako ng malalim, ayokong umiyak.

Kaya lang hindi ko talaga matanggap 'yong mga sinabi niya kay mama.

"Hindi ako malandi.." halos pabulong na lang ang pagkasabi ko. "At mas lalong hindi malandi ang mama ko." madiing dagdag ko.

Tumawa lang siya, tawang nang-aasar.

"Bilib din ako sayo, eh. Nakunan ka na nga ng picture tatanggi ka pa!"

"Wala akong ginagawang masama." diretsong sagot ko. "Sila ang nanloloko sa'yo."

Sandoval SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon