Vien'POV
Nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo na matutulog ako ulit, pero ang totoo hindi ko na kaya ang presence nila.
Ugh, I really hate them! I don't know kung paano ko nasabi 'yong mga words na 'yon sa kanila? Ang hirap makipagplastikan sa totoo lang, akala ko magiging madali lang but I'm wrong.
Kung hindi lang dahil sa mga sinabi nila Kiela, hindi ko gagawin ang lahat ng 'to.
FLASHBACK
"Kayong apat lang ang nasa bahay, so it means you can do whatever you want. Wag mong hayaan na ikaw ang masakal.. Kung may dapat mawalan na hininga, sila 'yon."
Nagtataka kung tinignan si Kiela. "What do you mean?"
Ininom niya muna 'yong juice na hawak niya. "Tulad nga ng kasabihan.. Keep your friends close and your enemies closer, Vien. Ibigay mo 'yong larong gusto nila, larong silang tatlo ang magiging masama at ikaw ang lalabas na mabuti."
"Kiela is right, show them who you really are! Lalo na that Celestine girl!" si Reighly.
Inabutan naman ako ni Yassi ng basong may laman na juice."Campus queen ka, wag mo silang hayaan na ganyanin ka."
"Kung may matitira man sa bahay niyo, wala ng iba kundi ikaw, Vien. You're the legal daughter, may mas karapatan ka." napalingon naman ako kay Riri.
Parang nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nila, hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip ko.
End--
Siguro kung wala silang mga kaibigan ko, I don't what to do anymore!
I'm so thankful to have them.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Isa lang ang kailangan kong gawin. Ang magpanggap sa harap nila.
Like what I did earlier, mukhang effective naman dahil mukhang naniwala sila.
Mga uto-uto! HAHAHA.
---
Nabato ko na lang 'yong unan sa inis nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok.
Hindi ba nila alam na natutulog 'yong tao?
I really want to sleep!
Padabog akong tumayo at binuksan 'yong pinto, handa na sana akong sigawan 'yong taong gumising sa akin nang bigla kong maalala 'yong plano ko. Damn! Muntik na.
Mabilis na nagbago ang reaksyon ng mukha ko. "Brielle?"
Yes, nasa harap ko ngayon ang babaeng sobrang kinaiinisan ko sa bahay na 'to.
Nahalata niya sigurong kagigising ko lang.
"N-nagising ba kita? sorry, ha? Kakain na kasi tayo."
Obvious ba? So what kung kakain na sila. Kailangan ba talagang kasabay pa ako? hindi ba sila makakakain without me?
I still want to sleep for pete's sake!
"Yeah, but it's okay." not okay! "Sige susunod na lang ako. May gagawin lang ako saglit." I faked my smile.
Ngumiti naman siya pabalik. "Sige, Vien." inantay ko muna siyang makababa bago ako bumalik sa kuwarto.
Padabog akong umupo sa kama at sinigaw ang kanina ko pa gustong isigaw.
BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Teen FictionAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?
