Chapter three

71 1 0
                                    

Celestine'POV

Simula na ng bagong buhay, bagong paaralan, bagong mga kaklase,

at bagong ako.

Drama naman ng bagong ako. I mean! hindi na bilang Celestine Zamora, kundi bilang Celestine Sandoval. Anak ng milyonaryo na may tatlong kapatid sa ibat-ibang nanay.

Hindi naman ibig sabihin pati pagkatao ko magbabago,ako pa rin 'to!

Celestine Zamora is my name.

Mamimiss ko 'yong dati kong school, kahit na wala akong close sa university na 'yon.

Introvert kasi ako, char! Aral kasi talaga ang priority ko since scholar ako.

Bumalik ako sa sarili ng tumigil 'yong sasakyan, senyales na andito na kami. "Enjoy your first day in your new school. Nakahanda na ang lahat, ang kailangan niyo na lang gawin ay pumunta sa principal office at kunin ang magiging schedule niyo" paalala ni papa, i mean ni papu sa amin.

And yes! Hinatid niya kaming apat. And yes ulit, iisang school lang kami.

Kung saan nag-aaral ang kaniyang bruhildang anak na isa sa mga kapatid ko.

Ekis na siya sa akin dahil sa ugali niya!

Nasa likod kaming tatlo habang si Vien nasa  tabi ni papu. Walang nag-uusap, kahit lingunan, wala. Sobrang nakakailang, feeling ko hindi ako makahinga.

After din ng sagutan namin ni Meyesha, hindi na kami nag-usap. Kahit tinginan nakakailang. Si Brielle naman medyo lang. Lagi rin kasing tulala 'yon, at sa pagkain niya naka-focus. Napansin ko lang sa kaniya, laging may kinakain.

Unang bumaba si papu, sumunod si Vien. Syempre bumaba na rin kami.

Nilibot ko 'yong paningin ko sa paligid. Mga magagarang sasakyan. Nasa parking kasi kami ngayon. Grabe! School ba talaga 'to?

"Papu, i need to go now." aalis na sana si Vien ng pigilan siya ni papu.

"Samahan mo ang mga kapatid mo. They are new here, tour them." utos nito.

Tumaas 'yong kilay ni Vien.  "What? are you serious papu? No! I won't."

Parang napahiya naman si papu. "Okay lang po kami papu. Wag po kayong mag-alala, ako si dora. Dala ko ang mapa ng school." sagot ko. Tinignan lang ako ng dalawang katabi ko.

Sabi ko nga hindi na ako mag-jojoke.

"Vien, please. I know galit ka sa akin, but please... do this for me." pakiusap ni papu. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya, grabe kasi 'tong babaeng 'to.

"I told you papu, ayoko silang makasama. Ano bang gusto mo? Ipangalandakan ko sa school na 'to na may mga kapatid ako.. Or should i say may mga kapatid ako sa labas?"

"Vien! Napag-usapan na natin 'to!" natakot naman ako dahil sa sigaw ni papu. Pati 'yong dalawang katabi ko ganun din.

First time kong marinig sumigaw si papu, katakot shet! Buti na lang walang ibang tao dito sa parking lot.

"Eh, ayoko nga silang kasama papu! Why you keep pushing me to them? Like what I said, hinding hindi ko sila ituturing na kapatid! Never." pasigaw na sagot ni Vien.

Nakakapikon na talaga ugali nito!

"Wag kang mag-alala, ganun din naman ako." napalingon naman ako sa katabi ko, si Meyesha.

Oo si Meyesha! Seryoso siyang nakikipagtitigan kay Vien.

Nakakagulat lang noong nakaraan lang todo awat siya tapos ngayon sumasagot na.

Sandoval SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon