Meyesha'POV"Sure kana ba sa desisyon mo?" seryosong tanong ni Armely, nakatira siya sa katabing kuwarto na tinutuluyan ko.
Tumigil ako sa pagtutupi ng damit at huminga ng malalim. "Hindi ko nga alam eh, noong una wala talaga akong balak.. kaya lang dahil sa sinabi ni lola parang nagbago isip ko."
Sobrang bilis kasi nang pangyayari, nakaraan lang nakaharap ko 'yong tatay ko na matagal ko nang gustong makita.
Halong emosyon, masaya na parang wala lang.
Lumaki kasi ako na si lola na ang ina at ama ko. Baby pa lang kasi nang namatay si mama tapos hindi ko pa alam kung sinong tatay ko dahil ayaw ni lolang pinag-uusapan 'yon. Kaya nga nagulat ako ng pumayag siyang tanggapin ko 'yong offer ni papa na tumira sa bahay niya.
Ayoko naman talagang pumayag, okay na ako na nagkita kami at nagkasama kahit ilang oras lang. Mas okay na ako sa buhay na meron ako, kahit na si lola lang ang kasama ko. Simula bata naman kasi never kong naramdaman na may kulang dahil pinuno niya ako ng pagmamahal.
"Akalain mo 'yon sa isang iglap, iba na ang buhay mo. Mayaman kana!" ani Armely.
Napailing naman ako. "Baliw, tatay ko lang ang mayaman, hindi ako." sagot ko. "At saka, hindi ko naman alam kung anong buhay ang nag-aantay sakin doon." hindi ko nga alam kung may asawa ba siya o kung may kapatid ba ako?
Nakakakaba potek!
Lumapit sa akin si Armely at niyakap ako, "Mamimiss kita Meyesha! Aalis kana bukas. Mamimiss ko mga luto mong masarap na libre pa." nambola pa nga.
Natatawa akong tinignan siya. "Para kang tanga, pero thanks."
Kahit ilang buwan pa lang ako sa maynila, masasabi kong thankful ako at nakilala ko siya. Si Armely lang kasi ang naging kaibigan ko dito.
Tungkol pala dun, si lola ang may gusto na pumunta ako dito. Ayoko talaga kasi bukod sa mapapalayo ako sa kaniya, natatakot pa ako dahil wala akong kakilala.
At naiintindihan ko na ngayon kung bakit, para magkita kami ng papa ko at nangyari na nga.
Sana lang hindi ako magsisi sa desisyon na ginawa ko.
*****
Brielle'POV
Kanina pa ako nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Sasama ba ako o hindi?
Gusto ko makasama si papa pero ayokong iwan si mama.
"Buding, mamaya na 'yan. Kain muna tayo." tawag ni mama mula sa kusina.
Gusto kong tumayo pero tinatamad ako. First time ko 'atang tinamad sa pagkain, ha.
Kasi naman ,eh. Ano bang gagawin ko?
Hindi na ako nagulat ng biglang pumasok si mama, nag-aalala niya akong tinignan.
"Ma, sasama ba ako kay papa o hindi?" diretsong tanong ko.
Umupo si mama sa tabi ko at nagsimulang tupiin 'yong mga damit ko. "Kung ako lang ang masusunod ayoko sana dahil hindi ako sanay na hindi ka kasama, pero alam kung isa 'to sa pangarap mo.. ang makasama ang papa mo." napayuko naman ako. "Buong buhay mo tayo ang magkasama, so panahon naman para papa mo ang makasama mo. At alam ko namang dadalawin mo ako dito. Pag hindi, kukunin kita dun!" dagdag ni mama para mapangiti ako.
Agad ko siyang niyakap. "Salamat ma, promise! Dadalawin kita dito." sagot ko.
Nawala na 'yong pag-aalangan na nararamdaman ko kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/207028107-288-k215775.jpg)
BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Teen FictionAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?