Chapter five

66 1 0
                                    


Celestine'POV

Isang buwan na ang nakakalipas ng makaharap namin sa banyo 'yong mga tropa ni Vien. At ng mahuli ni papu 'yong dalawa niyang anak na nagsasambunutan.

dahilan para magbitaw si papu ng salitang hanggang ngayon iniisip ko pa rin!

Parang philosopher, ang lalim!

Bakit kasi kailangan pang magbanta ng ganun? Gabi-gabi ko tuloy iniisip.

Kahit isang buwan na ang nakakalipas kinakabahan pa rin ako! pero dahil dun hindi na kami inaaway ni Vien.

Sa bahay? Well, hindi na niya kami pinapansin.

Sa university? dito siya bumabawi syempre! Papatalo ba 'yon?

Araw-araw ba naman kaming binubully ng mga estudyante dito! 'Yong nakaraan lang may pumatid kay Brie, ewan ko ba kung trip siyang patirin o lampa lang talaga siya. Si Meye naman, binato ng kamatis. Sapol sa ilong HAHAHAHA. Hays grabe sila.

Hindi ko siya pinagtatawan, ha? nakakatawa lang talaga na nakakaawa, ganern. Ako? subukan lang nila. Dejoke, mas malala sa akin. Nilagyan ba naman ng patay na daga 'yong bag ko! Gigil na gigil talaga ako! Ang baho kasi, parang ugali ng nag-utos. Hindi ko sinasabing si Vien 'yon, ha? Pero parang ganun na nga.

At hanggang masanay na kami. Nakakaproud nga, eh. Isang buwan na kami sa university na 'to. Kahit feeling ko karamihan ng nag-aaral dito mga kalahi ni Vien. May mga sungay! Lakas ng trip.

So, ito ako ngayon nasa library. Hindi ko kasama 'yong dalawa. Simula kasi ng magbanta si papu, nag-iwasan na kaming tatlo. Para wala ng sister war ganun.

Tuwing walang pasok naman lagi kaming magkakasama nila papu. Pasyal dito, pasyal doon. Gusto daw kasi ni papu na makabawi sa amin at alam ko rin na gusto niyang magkasundo kaming apat.

Ang hindi niya lang alam, nagpapansinan lang kami pag kasama namin siya. Plastikan is life.

Nakakakonsensya na nga, eh!

Tulad nito, hindi naman ako magbabasa pero andito ako. Wala kasi akong magawa, eh. Absent 'yong HOPE teacher namin.

Akalain niyo 'yon kahit iba ang strand ko last year hindi ako nahihirapan sa ABM. Baka siya talaga ang para sa akin.

"P'wedeng makiupo?" napatingin naman ako sa babaeng nasa harap ko ngayon. Baka alagad ni Vien 'to? wag naman sana, hindi ako ready. "Kung iniisip mong pagtritripan kita, hindi ako ganun." nginitian niya ako.

"Sure ka?" paninigurado ko pa. Ngumiti lang siya. "Sige, upo kana." umupo naman siya sa tapat ko. Mukha naman siyang mabait, maganda rin siya kahit nakasuot siya ng malaking salamin.

Magkatapat kami ngayon. Nagbabasa siya ng libro habang ako nakanganga dito, nakakailang naman.

"Ano bang kasalanan niyo kay Vien?" ako ba kausap nito? O 'yong libro? "Ngayon lang kasi nangyari 'yong ganiyan."

Nagugulahan naman akong tumingin sa kaniya. "Pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko.

"Ngayon lang kasi may nakaaway sila Vien. Parang sobrang laki ng kasalanan niyo sa kaniya, kaya niya kayo ginaganiyan."

Nagulat naman ako sa mga pinagsasabi niya. "Ate okay ka lang ba? Wala kaming kasalanan sa kaniya, siya 'yong malakas 'yong trip. Porket campus queen? Korni naman, pakain ko korona niya sa kaniya."

"Sa totoo lang mabait si Vien, almost perfect na ang tingin ng iba sa kaniya."

Talaga ba? "Mabait? Saan banda?"

Sandoval SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon