Celestine'POV
"I'll give you a quiz tomorrow, so go over your notes. I want everyone to get a perfect score. Hindi lang si Ms. Sandoval at Ms. Villaruel ang estudyante ko dito." paalala ni Ma'am Raviz sa harap bago umalis ng classroom.
Para namang mga bubuyog 'yong mga kaklase ko. Kaniya-kaniyang bukas ng notebook. Wala namang mga nakasulat.
"Ano ba 'yan, wala pa naman akong naintindihan sa subject na 'to." nakapangalumbaba na reklamo ni Brie.
Kinuha ko 'yong notebook ko at inabot sa kaniya. "Puro ka kasi pagkain." tugon ko.
Inirapan niya lang ako sabay kuha ng notebook.
Bumaling naman ako sa isa ko pang katabi. "Buti na lang may mga notes ka." si Meyesha. "Pakopya ako mamaya, ha?"
Tumango muna ako bago ko siya inismiran. "Sige lang boi. Hiyang-hiya ako sa inyo, eh."
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang next subject namin. Si Sir. Ras, teacher namin sa Research.
Nag-discuss lang siya about research na gagawin namin next week. Tapos umalis na, mukhang dumadami na ang gagawin namin.
Akalain niyo 'yon isang buwan at mahigit na ang nakakalipas, grabe sobrang bilis ng araw! Sana kayanin ko pa ang mga mangyayari dito.
"Here's your key." biglang sulpot ni Kiela sa harap namin.
May nilapag siyang tatlong susi sa desk ko.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko.
Umepal naman 'yong kasama niyang si Reighly, "Duh, are you blind ba? Or you're so stupid lang talaga. It's susi kaya." maarteng sagot nito.
Tuwing nagsasalita talaga 'to, nangingilo ako.
"Susi ng locker niyo." sambit ni Kiela, "We didn't expect na magtatagal kayo dito kaya ngayon ko lang nabigay. Akala ko kasi mahihiya kayo kay Vien, kaya lang mukhang makapal talaga mga pagmumukha niyo." halata sa boses niya ang pang-iinsulto.
"Wow, ha." reaksyon ni Meye.
Hindi talaga kumpleto ang araw nila ng hindi kami iniinis.
"Good luck." maiksing tugon nito bago bumalik sa puwesto nila. Binigyan pa nila kami ng nakakalokong ngiti.
"Nakakainis 'yang Kiela na 'yan." bulong ni Brie.
Hindi lang nakakainis, sobrang nakakainis!
"Hayaan niyo na, mga papansin lang 'yan." kinuha ni Meye 'yong susi na may mga palawit na number.
Binigay niya sa akin 'yong may number 7, kay Brie naman napunta 'yong number 8, at sa kaniya 'yong number 9.
Dumating na rin 'yong adviser namin at 'yong iba pang teacher, puro discussion lang ang nangyari. May mga binigay din sa amin na mga worksheet at modules.
At sa wakas, uwian na rin. Dumiretso muna kami sa mga locker namin para tignan.
"Wow, walang ganito sa school ko dati." namamangha sabi ni Brie.
Ang yaman talaga ng university na 'to, kahit mga locker ang gaganda. Bawat section may locker room, angas diba?
"Buti naman. Ang bigat na ng bag ko dahil sa mga libro." reklamo ni Meye.
"Oo nga, eh. Laging puno 'yong bag ko." si Brie.
"Paano mapupuno puro pagkain laman ng bag mo." sinilip ko pa 'yong bag niyang nasa harap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Teen FictionAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?
