Dylan Jedd'POV
Napalingon ako kay Jerk nang batuhin niya ako takip ng mineral water. "Mukhang may inaantay ka, ha. Kanina ka pa hindi mapakali."
Nagtinginan pa silang dalawa ni Kyle pagkatapos ay parehong natawa.
Tsk, mga iniisip na naman ng mga 'to.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid.
Nasa cafeteria kami ngayon. Kanina ko pa hindi nakikita 'yong babae na 'yon, ngayon ko pa naman sana gustong umpisahan ang paghihiganti ko.
Baduy naman! I mean ang pangtritrip ko sa kaniya.
"Sa lunes pa sila papasok. Suspended sila ng dalawang araw, HAHAHA." napatingin naman ako kay Kyle na umiinom ng soda.
Naalala ko tuloy 'yong nangyari kahapon, and I can't believe na kapatid sila ni Vien.
"Grabe 'yong scene kahapon 'no? Kapatid pala sila ni Vien, ang lupit ng tatay nila mga fafs!" hindi makapaniwalang sambit ni Jerk.
"Yeah, even me. I'm still shocked." kahit si Yus hindi rin makapaniwala na 'yong babaeng nakasagutan niya ay isa palang Sandoval.
Kahit naman ako gulat pa rin na kapatid pala sila ni Vien, but it doesn't mean na ititigil ko na 'yong plano ko.
Maybe pag nakaganti na ako sa kaniya.
"Dy, nakausap mo na si Kiela about sa nangyari kahapon? She's involved." naging seryoso 'yong tono ng boses ni Jerk.
Napasinghap naman ako. Isa pang problema ko. "She don't want to talk about that. I tried talk to her pero ayaw niya munang makipag-usap." sagot ko.
Nag-aalala na rin ako sa babaeng 'yon.
"Just give her some time. Nag-aalala lang siya kay Vien, they are best friends." may point si Yus, alam kong apektado rin si Kiela sa nangyari kahapon.
"By the way, 'yong girl na tinutukoy mo is yung half sister ni Vien?" pag-iiba ni Jerk.
Natawa naman si Kyle. "Oo fafs. 'Yong laging seryoso 'yong mukha pero cute." muntikan ko pang mabuga 'yong iniinom ko.
What the--! Cute? saan banda?
"So paano 'yan fafs, tutuloy mo pa rin?"
Ngumisi naman ako. "Of course, Jerk." mabilis na sagot ko.
Walang rason para hindi ko ituloy.
Natawa naman sila Jerk sa akin. Nagkamali siya ng binangga, bakla at isip bata? Tch.
Thursday pa lang ngayon, tatlong araw pa.
---
Natapos na rin ang mga nakakaboring na subjects, uwian na rin sa wakas.
"Finally! May date pa naman ako mamaya." sino pa ba? Edi ang playboy sa aming apat.
"Si Bea?" tanong ni Yus dito.
Napakamot naman ng ulo si Jerk. "Hindi 'no, ayoko na sa babaeng 'yon, poya! Masyadong wild!" natawa naman kami sa reaksyon niya.
Inakbayan naman siya ni Kyle. "Bago na naman HAHAHAHA." natatawang tugon nito. "Hinay-hinay baka magkasakit ka."
Inalis ni Jerk 'yong pagkakaakbay ni Kyle sa kaniya. "Gaho! Virgin pa ako fafs. Hanggang halik lang 'to. Kahit naman ganito ako, pihikan ako."
BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Genç KurguAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?
