Meyesha'POV
"Salamat pala." pasasalamat ko kay Eunice, isa sa kaklase namin.
Hiningi ko kasi 'yong listahan ng mga libro sa bawat subject namin.
Ngumiti naman siya. "No problem, sa retail kayo pumunta kumpleto sila ng school supplies doon."
Tumango na lang ako, pagkatapos ay umalis na siya.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa nangyari sa mga libro ko.
Hindi ko pa nga nababasa lahat tapos sisirain lang nila ng ganun? Kahit gusto kong sugurin si Kiela, pinipigilan ko lang 'yong sarili ko.
Una, wala kaming pruweba depende na lang kung nakita ni Tine. Kaya lang hindi kami sigurado dahil bigla na lang siyang nawala.
Pangalawa, baka magkagulo lang at lagot na naman kami kay papu.
"Brie, okay ka lang?" alam kong hindi siya okay, gusto ko lang siyang kamustahin.
Isang tango lang ang sinagot niya sa akin.
Kung may mas badtrip ngayon alam kong si Brie, 'yon. Hindi lang basta libro ang nasira sa kaniya pati na rin 'yong notebook na bigay ng mama niya.
"Ngayon na lang ba tayo bili o mamaya na lang?" tanong ko sa kaniya.
"Ngayon na lang." maiksing sagot niya.
Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad. Nakasunod lang siya sa akin.
At kung mamalasin ka nga naman, kami na nga 'yong umiiwas bakit parang siya pa 'yong kusang lumalapit?
Nakangiti sa harap namin si Kiela ngayon.
"Brie." hinawakan ko pa siya sa kamay, akmang lalapitan kasi niya si Kiela.
"Don't tell me pagbibintangan niyo rin ako sa bagay na hindi ko naman alam." halata sa boses niya ang pang-aasar.
Napasinghap naman ako, "Sana lang talaga wala kang alam." seryosong sabi ko.
"And why? Anong gagawin mo sa akin?"
Nang-iinis ba talaga siya?
"Ang kapal mo talaga!" singhal ni Brie dito.
Tinignan naman siya ni Kiela ng masama, "Ako pa talaga ang makapal? Sino ba ang nambibintang without any evidence?"
"Evidence? Eh, obvious naman!" bakas sa boses ni Brie ang gigil.
"You're just wasting my time. Hindi ko naman siguro responsibility na mag-explain sa inyo dahil wala akong ginagawang masama."
Napairap na lang ako, bakit parang nang-aasar lang siya? Iisipin ko na talaga na totoo mga bintang namin sa kaniya.
"Talaga ba? Di bagay sa'yo!" tugon ni Brie. "Feeling anghel ka?" dagdag pa nito.
"Remove the word feeling, because I am." nakangiti pa siya ng nakakaloko. "President ako ng student council bakit ko naman sisirain ang image ko para lang sa mga walang kwentang katulad niyo."
Pinapanuod ko lang sila ni Brie.
"Kaya pala nakikipaghalikan ka sa banyo ng mga babae. Sabi ng mama ko, mga gumagawa lang ng ganung bagay ay 'yong mga walang hiya sa katawan." nagulat ako sa mga lumabas sa bibig ni Brie. "So anong tawag mo sa sarili mo ngayon? Anghel na maitim ang pakpak ganun?" mukhang galit na nga siya.

BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Genç KurguAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?