Vien'POV
Bakit ba wala si mommy? I need her now.
Alam kong pagtutulungan nila akong tatlo mamaya. Gagawin nila akong masama kay papu, kahit sila naman ang may kasalanan!
I'm on my way to papu's office.
I feel something wrong, bakit parang may mangyayaring hindi maganda?
Well, hindi dapat ako kabahan. Sila ang may kasalanan at nagsimula ng gulo.
Kumpleto na silang tatlo ng makarating ako.
Nice, parang kanina lang ang tatapang nila. Tapos ngayon parang maaamong tupa?
Nakatayo lang ako sa gilid ng sofa, ayoko makatabi 'yong tatlo.
Tumayo si papu mula sa pagkakaupo. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm very disappointed to all of you." kita ko sa mata ni papu ang pagigising seryoso.
Parang malungkot siya dahil sa nangyari, at ayokong nakikitang ganito si papu. Kahit na hindi kami okay this past few weeks, hindi ko pa rin kayang nakikita siyang ganiyan ng dahil lang sa mga babaeng 'to!
"Look what you've done!" napasigaw na ako sa sobrang frustration.
Tumingin pa ako ng masama kay Brielle.
"Sit down, Vien." utos ni papu sa akin. "Gusto kong malaman kung anong nangyari. Magsabi kayo ng totoo."
Hindi ko na sila inantay magsalita. "Brie kissed my boyfriend." ako na ang sumagot. Hindi ko hahayaang baliktarin nila ako, I'm the victim here. "Si Kiela ang nagsabi sa akin papu.. even Devin said that girl tried to kissed her!" tuwing naaalala ko 'yon gustong-gusto ko na talagang sambunutan 'tong babaeng 'to.
Hindi na ako nagulat ng biglang umiyak si Brielle. Drama again bitch,
"H-hindi totoo 'yan papu. Binaliktad ako ni Kiela, nakita ko silang naghahalikan ni Devin kaya isusumbong ko sana sila kay Vien pero binaliktad nila ako."
Naaasar akong tumingin sa kaniya. "P'wede ba? Umamin kana nga! Wag mo ng gawing masama si Kiela, matagal ko na siyang kaibigan! At alam kong hindi niya magagawa 'yon." sagot ko rito.
Nanunuod lang si papu sa amin.
"Eh, nagawa na nga nila diba? Kami na nga itong pinagtatanggol ka tapos kami pa naging masama. Sabog ka Vien?" singit ni Tine.
Tumingin ako sa kaniya. "Don't me! Alam kong plinano niyong tatlo 'yon! Kasi gusto niyong agawin sa akin lahat right?"
"Uulitin ko, wala kaming inaagaw sa'yo." sagot naman ni Meye.
Humarap ako kay papu. "See papu? pinagtutulungan nila akong tatlo!"
Napasinghap si papu."Dahil lang diyan kaya nag-away kayo? Bakit kailangang magkasakitan pa kayo?" ramdam ko sa boses ni papu na pinipigilan niyang wag sumigaw. "Bakit kailangan ko pa kayong makita sa ganung sitwayson?"
"Sorry papu...." umiiyak na tugon ni Brie. "Sana hindi ko na lang po pinatulan si Vien... hindi na po sana lumaki 'yong gulo. Sorry papu."
Napangisi na lang ako sa kadramahan niya.
"Hindi mo kasalanan, Brie." si Tine. "Si Vien ang unang nanampal papu, sinabihan niya pa nga ng kung anong masasakit na salita 'yong mama ni Brie." kuwento pa nito.
Dapat lang sa kaniya 'yon!
Kumunot naman ang noo ni papu. "Ginawa mo 'yon Vien? Bakit ba ang hirap sayong tanggapin ang mga kapatid mo? Wala silang alam sa mga kasalanang nagawa ko noon." singhal ni papu sa akin.
BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Fiksi RemajaAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?
