Celestine'POV
"Tine, gising!" yugyog ng kung sino sa akin.
Nagtakip naman ako ng unan sa mukha, "Bakit ba?!" sigaw ko rito.
"Bumangon kana!" yugyog ulit nito.
Ang sarap manapak ngayong umaga.
Kahit inaantok pa ako, dinilat ko na 'yong mga mata ko. Pagkatapos ay tinignan ng masama ang kanina pa yugyog ng yugyog sa akin!
"Ano ba Brie? Ang aga mo naman mang-trip. Inaantok pa ako!"
"Kadiri ka naman, laway mo!" nandidiri pa siyang lumayo sa akin.
Pinunasan ko naman 'yong gilid ng labi ko, "Bakit ba kasi Brie? Wala akong pagkai--"
"Andito si papu." pagpuputol nito sa akin.
Napabangon naman ako agad, feeling ko nawala 'yong antok ko.
Grabe may phobia na 'ata ako sa word na 'papu' ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Si papu? Teka, bakit? Anong meron?" sunod-sunod na tanong ko.
"Hindi ko alam. Basta bilisan mo na."
May napansin naman ako..
"Paano ka pala nakapasok sa kuwarto ko?"
"Uso kasi maglock." ay, oo nga pala.
Simula kasi ng may magparamdam sa akin sa swimming pool hindi na ako nagla-lock ng pinto ng kuwarto. Feeling ko kasi may mga maligno sa bahay na 'to!
"Umalis kana, susunod na lang ako."
"Ayoko nga. Sabay na tayo, natatakot ako kay papu." ano bang nagawa naming kasalanan?
Si Vien na naman siguro! Wala talaga akong tiwala sa babaeng 'yon.
Bago ako pumasok sa banyo tinignan ko muna ng seryoso si Brie. "Wag kang mangialam dito, wala kang mahahanap na pagkain sa kuwarto ko." paalala ko sa kaniya.
Hindi ko na siya inantay na sumagot, agad ko ng ginawa ang morning routine ko. Hilamos lang naman at toothbrush.
Nang matapos ako, dahan-dahan kaming bumaba ni Brie, nasa likod ko siya.
"Ano ba, Brie! wag ka ngang manulak."
"Sorry naman."
Naabutan namin na masayang nag-uusap sina papu, Vien at Meye sa sala.
Nakahinga naman ako ng maluwag,
mukhang okay naman."P-papu.." halos pabulong na sambit ko.
Nakangiting lumapit si papu sa amin at niyakap kami. "Kumusta kayo?"
Awkward akong ngumiti "A-ayos lang naman po ako papu."
"How about you Brielle?" tanong ni papu sa katabi kong nakayuko ngayon.
"O-okay lang naman po."
"Nasabi na ni Vien sa akin lahat kaya wag niyo ng isipin 'yong nangyari. Ginawa ko lang lahat ng ito para sa inyo.. At I'm so glad na hindi ako nagkamali." bakas sa mata ni papu ang saya.
"Sorry pala papu." dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, 'yan na lang ang kusang lumabas sa bibig ko.
Ngumiti naman siya. "Everything is good now, What's important is okay na kayong apat." bumaling naman siya kay Vien. "Thank you anak. I know its not easy for you pero nagpakumbaba ka. I'm so sorry sa mga pagkukulang ko sa'yo."

BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Teen FictionAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?