Chapter six

64 1 0
                                    

Vien'POV

"Vien, did you rinig the news about sa mga sisters mo?" bungad ni Reighly sa akin ng makarating ako sa classroom.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Baka gusto mong hinaan 'yong boses mo?" kulang na lang kasi isigaw niya sa buong classroom.

Umupo ako sa upuan at kinuha 'yong phone ko.

Buti na lang kaming lima palang 'yong andito.

Sinadya ko talagang pumasok ng maaga o kaya minsan nagpapalate ako, basta wag ko lang makasabay 'yong tatlong 'yon.

Wala akong balak ipaalam sa buong university na may mga kapatid ako sa labas, at sila 'yon! Never.

"About their P4 encountered yesterday." tumigil ako sa pagcecellphone at humarap kay Reighly.

"What do you mean?" usisa ko.

Yes, alam kong andito na 'yong P4 or what so ever! But I didn't know na may nangyari pa palang iba bukod sa pagdating nila.

"So hindi mo alam Vien?" gulat na tanong ni Yassi.

"Itatanong niya ba kung alam niya." si Riri 'yong sumagot para sa akin.

Natawa naman si Reighly. "Bobita mo talaga girl." banat pa nito.

Napailing na lang ako.

"Well, nakipagsagutan lang naman 'yong tatlong 'yon sa kanila. Hindi lang 'yon, pinahiya pa nila 'yong grupo nila Dy sa cafeteria!" nanggigil na kuwento ni Yassi.

Natawa naman ako sa narinig ko. Kaya pala ang ingay ng news feed ko kagabi, puro tungkol sa P4 at sa nangyari between them at sa tatlong 'yon. Ano pa bang aasahan ko sa kanila? Mga ugaling basura talaga.

Natawa naman si Kiela. "Wow, so tama pala 'yong mga bulungang narinig ko kanina." komento nito sa tabi ko.

Maaga kasi kaming umuwi kahapon kaya hindi namin alam 'yong nangyari.

Napangisi naman ako. "Mukhang hindi ko na kailangang kumilos para mapaalis sila dito." nakangiting sabi ko.

Tinignan naman ako ni Kiela na parang alam niya 'yong iniisip ko.

Kung sikat kami, mas sikat ang apat na lalaking 'yon.

Halos lahat ng estudyante dito hinahangaan sila. Well for them, nakaperpekto ng apat na 'yon. Kaya nga tinawag nilang P4, pag naririnig ko 'yang group name nila natatawa ako.

Kahit 'tong tatlong kaibigan ko type 'yong P4 what so ever na 'yan! Except to me and Kiela, kasi ako I'm only inlove to my Devin.

Ewan ko lang kay Kiela kung kanino siya inlove.

Some of student here ay takot sa kanila I mean kay Dylan lang pala, bully kasi siya ng Presome University but nag-stop na siya sa gawain niya last year pa.

"This is the unang beses na napahiya them right?" tama si Reighly. Silang tatlo ang unang nagpahiya sa grupo nila Dylan. "That Celestine girl? She make tapon ng shake sa damit ni Yus! I hate her!" natawa na lang ako kay Reighly.

Well, gusto niya si Yus.

Tumingin naman ako kay Yassi, "Buti na lang, walang nangyari sa baby ko." pagtutukoy nito kay Kyle.

"Oo nga, eh. Subukan lang nilang ganunin si Jerk. They will see!" si Riri.

See, kahit sila tinamaan sa mga 'yon.

"Well, good luck sa kanila." nakangising sambit ni Kiela sa tabi ko. "Kilala ko si Dylan, hindi 'yon titigil hangga't hindi siya nakakaganti." dagdag pa nito sabay tingin sa akin.

Sandoval SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon