Celestine'POV
Isa lang naman ang gusto ko dati, ang makilala at ang makasama ang tatay ko.
Bakit parang binabawi ko na? parang mas okay na ako na si tita Tonet at si Sugar lang ang pamilya ko.
Kahit na minsan gigil na ako dahil sa sama ng ugali nila.
At ito ako ngayon, feeling ko mababaliw na ako. Alam mo 'yong pakiramdam ng gusto mong umutot pero tae lumabas? Char.
Sino ba naman kasing hindi mababaliw? Hindi pa nga ako rin ako makapaniwala na sobrang yaman pala ng tatay ko tapos may dumagdag na naman na nakakalokang pasabog.
Gusto niyo malaman?
Well, may kapatid pala ako. Hindi lang isa, kundi tatlo. Okay na, eh!
Pero tatlo sa ibat-ibang nanay?
Oo, tama kayo ng nabasa.
Ang mas matindi pa, parang magkakasing-edad lang kami.
Paano ko nalaman? Kaharap ko silang dalawa ngayon. Hindi nga kami makatingin sa isat-isa. Sigurado ako parehas lang kaming tatlo ng nararamdaman dahil sa nalaman namin ngayon.
Sobrang nakakailang promise!
Kasalukuyan kaming nasa dining area ng mansion ni papa. Buti nga hindi ako naligaw kanina, ang laki pa naman ng bahay na 'to.
Kasama rin pala namin ang beloved wife ni papa na soon to be step mother namin.
Maganda siya, 'yong mapapatitig ka kasi ang sophisticated niya!
kaya lang nakakatakot siya. Mukhang masungit na suplada.
Inaantay pa namin 'yong isa kong kapatid. Ang anak ni papa sa asawa niya ngayon, o sabihin na nating the legal one.
"Sobrang saya ko ngayon. After how many years na paghahanap, finally! kasama ko na kayong tatlo." basag ni papa sa katahimikan.
Bigla siyang tumingin sa akin kaya nataranta ako, "A-ako rin po, sobrang saya ko po." nakangiting sagot ko kahit nauutal pa ako sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Nginitian niya naman ako, at confirm!
Hindi na ako magtataka kung bakit marami kaming magkakapatid, guwapo ang tatay namin.
"Ikaw Brielle masaya ka ba at kasama mo na ako ngayon?" baling naman nito sa katabi ko.
Halata namang nagulat siya. "P-po? Opo, sobrang m-masaya po ako pa-"
"-just call me papu." pagpapatuloy ni papa, i mean papu. Bakit papu? ang korni. "Alam kong bago sa pandinig niyo, but i prefered that than calling me papa or daddy." explain pa niya.
"Okay po papa, i mean papu." nakayukong tugon ng Brielle 'yong pangalan.
Napatitig naman ako sa kaniya, at walang duda. One hundred one percent, kapatid ko nga 'to! Maganda eh, kaya lang mukhang mahiyain. Napansin ko kasi simula ng dumating siya dito nakayuko lang siya, hindi ba siya nangangalay?
Natawa naman si papu sa kaniya, sabagay cute din naman 'yong papu. Kahit ang korni.
"This is Felecity, my wife. You can call her tita para hindi kayo mailang." pagpapakilala niya sa kaniyang beloved wife na natahimik na kumakain.
Tinignan lang kami nito na parang walang pakealam.
Ang sosyal talaga grabe!
"How about you Meyesha? Ang panganay ko. Totoo bang mag-isa ka lang sa apartment na tinutuluyan mo?" tanong naman ni papu sa babaeng kaharap ko.

BINABASA MO ANG
Sandoval Sisters
Teen FictionAno nga bang magagawa ng pagmamahal sa isang pamilya? Matatanggap ba nila ang isat-isa o patuloy na lalaki ang hidwaan sa pagitan nila?