Chapter 15

16.8K 167 39
                                    

"Doc? Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong ng nurse , Kinakabahan sila sa nangyayari dahil sa hindi malaman na dahilan.

"Oo , Wala na tayong magagawa , Hindi na siya nagsasalita at kailangan na niya ng gamot. Hindi ko kayang pabayaan ang Anak ko . Hindi ko alam kung sino ang gumawa sa kaniya ng ganung bagay . Kaya kailangan nating painumin ito." Bakas sa doctor na ayaw niyang gawin ang binabalak niya pero kailangan niyang gawin ito .

"Masusunod po , Kung iyan ang utos niyo sa akin ." Dali-dali umalis ang Head nurse upang iutos na painumin ng gamot ang pasyente. 

Hindi nila alam kung magtatagumpay sila sa mangyayari ..

Nakita niya ang isang nurse na nagbabantay sa Quarter at lumapit siya dito , "Nurse Ana . Ipainum mo sa Room #7 itong gamot na ito . " Hindi niya alam na naka Earphone ang nurse kaya hindi niya ito masyadong narinig. 

"Sige po." Umalis na ang nurse na inutusan niya . "Room #11 , Ito na!" 

Althea POV

 

"Ate? Sorry , Hindi ka namin maasikaso bukas, May Regional Quiz Bee at ako ang napili , Kailangan daw may kasamang Guardian kaya si Mama yun." Nagkukunwari akong nagtatampo sa kaniya , Matagal na niyang gustong makipag paligsahan sa mga ibang Rehiyon kaya hindi ko hahadlangan ito.

"Ano ka ba?! Okay lang yun . Kaya ko na ang sarili ko . Huwag kang mag alala!" Tapik ko sa kaniya , Ngayon na kasi ang alis ko sa hospital , Nadadalaw ako ni Zeke at binabantayan pero kapag nandiyan na si Mama agad na siyang umaalis.

Hindi ko alam kung bakit? Pero ang alam ko dati nag-aagawan pa nga kami , Gusto niya kasing maging Mommy si Mama noong mga bata kami . Pero ngayon parang ayaw niya itong makita , Actually hindi pa pala si Nagkita sa hospital .

"Excuse me , Nandito na ang gamot mo ." Gamot? Kinuha ko na lang ito at ito at ginawa ko ang nais ng Nurse . Ang pangit ng lasa . Umalis na ang Nurse at nakahanda na kami para umalis .

Itatago ko yung pakete ng gamot para Remebrance.  Hehehe.

"Ate Sigurado ka?" Alam kong hanggang ngayon ayaw niya akong iwanan pero syempre ayokong sirain ang pagkakataon na yun sa kaniya. "Oo , Sigurado ako .. Tatanungin ko na lang si Ate Donella mo kung pwede siya." Tatanong ko na lang si Donella , Natawa ako kapag naalala ko kung paano siya umiyak noong naaksidente ako.

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon