Chapter 31

6.9K 97 15
                                    

"Tama na Ate! Tignan mo ang kamay mo! Puro sugat na sa kakaluto!" Pinipigilan ako ni Stella sa ginagawa ko pero hindi ako pwede itigil ito, Kailangan ko itong tapusin ngayon! Ibibigay ko ito kay Zeke.

"Ate! Ano ba? Tama na! Madaling Araw na!" 

"Hindi pwede Trixie! Kailangan ko itong ibigay kay Zeke." Ilang linggo na rin akong ganito , Sinusuyo at Nagmamakaawa kay Zeke para patawarin niya ako pero para bang hindi niya ako pinapakinggan. 4 na araw na lang at Graduation na namin.

"Ano ba Ate! Tama na yan! Hindi ka pa ba nagsasawa! Hindi ka niya MAHAL! Ate! Please.. Tama na yan.." 

"Trixie, Matulog ka na.. Ako na ang bahala dito." Nakita ko ang dismayadong mukha ni Trixie na agad naman pumasok sa kaniyang kwarto. Hindi ko kayang mawala si Zeke sa buhay ko. 

Biglang may tumugtog sa labas at sobrang naiyak ako dahil dito, Hindi ko alam kung kailan ako mapapatawad ni Zeke pero gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Nasasaktan ako sa tuwing tinataboy niya ako. Sa tuwing kasama niya si Stella, Ibang-iba ang Zeke ngayon kumpara sa nakasama ko sa maikling panahon.

You can leave me
Take away all that I have
You can want me
Love me for who I am

Choices, romance
Takin’ me high in the air
Flying, so scared
Afraid not to see you again


Naalala ko kung kailan pinatunayan niya ang pagmamahal niya sa akin, Isang gabi na para sa akin isang panaginip na ayokong magising. Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin pero bakit ngayon? Pakiramdam ko baliwala na ako sa kaniya..

Cause I’m scared to death
Now that I’m losin’ you
I’m scared to death
Knowin’ I can’t get through
I’m scared to death
Living this lonely life without you
Oh, baby I’m scared to death


Takot akong mawala siya sa piling ko, Takot akong mawala siya sa buhay ko, Takot akong habang buhay hindi niya ako mapapatawad.. Mahal na Mahal ko siya handa akong magpakatanga kung kinakailangan, Handa akong maging isang martir para lang sa kaniya. Mahal ko siya higit sa buhay ko. 

"Tama na Anak.. Tama na yan.." Napayakap ako bigla kay Papa, Hindi ko na kaya ang sakit na pinaparamdam sa akin ni Zeke, Hindi ko na kaya at Hindi ko na kaya na lumayo pa siya sa akin.

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon