Third Person POV's
"Ate! Si Mama inaatake na naman! *@$#*#&%#$%" Hindi na niya pinakinggan ang sinasabi ng kapatid niya . Napaupo na lang siya habang umiiyak ..
"Althea?! Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ng kaniyang katrabaho . Hindi na niya alam ang gagawin niya . Ayaw niyang isipin na may nangyari sa Mama.
Agad siyang umalis sa Cafe at nagpara ng taxi. "TAXI! TAXI! TAXI!" Kaso mas may nauna sa kaniyang sumakay, bigla na lang sumingit ang babae na nakasakay na sa taxi. "Ano ba?! Ako ang nauna! Umalis ka diyan!" Umiiyak na sigaw ni Althea.
"Ano ka ba miss?! Lumayo ka nga!" Tinulak ng malakas ng babae si Althea dahilan para mapatumba siya sa sahig . Hindi niya alam na nasa tabi niya si ZEKE . "Saan ka ba pupunta? Halika .. Hatid na kita ." Inalok niya upang tumayo si Althea kaso tinanggihan siya . Agad namang nagtanong si Althea kay Zeke .
"Saan ang sasakyan mo? Bilisan mo .." Sabi ni Althea, Napapatawa na lang si Zeke sa kaniya . Tinuro ni Zeke ang sasakyan niya at Agad naman pumunta si Althea doon. "Bilisan mo! Dalhin mo ako sa ST.MARY HOSPITAL . "
\Habang sila ay nagbabiyahe ay balisa si Althea . Madalas ng inaatake si Mama . May sakit sa puso ang kaniyang ina . Kailangan talaga siyang operahan pero dahil sa kahirapan hindi ito naopera.
Binalaan na sila ng doctor na kung hindi maoperahan ang kanilang ina ay palala ng palala ang kaniyang sakit.
*Huwag naman sana .. Lord please .. Hayaan mong makasama ko si mama kahit sa konting panahon man lang .* <-- Isip ni Althea .
Pinagmamasdan siya ni Zeke habang siya ay nagmamaneho . Mas lalo niyang binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan dahil alam niyang emergency iyon.
"Nandito na tayo . " Agad namang binuksan ni Althea ang pinto ng sasakyan at hindi na pinansin siZeke . *Impossible Girl* <--- Bulong ni Zeke.
Tumakbo siya papunta sa room ng kaniyang ina, Nadatnan niya si Trixie na umiiyak agad niya itong niyakap "Everything's gonna be alright. Shh. Don't cry.." Hinahaplos niya ang buhok ni Trixie.
Pinipigilan niya ang kaniyang iyak . Lumapit ang doctor sa kanila .. "Kailangan ng operahan ang iyong ina, Kung hindi siya ooperahan . Hindi na namin alam kung mabubuhay pa siya ." Napatigil silang dalawa sa narinig nila.
"Ate? Si Mama .. Ate! Ayoko! Anong mangyayari?" Utal na utal na sabi ni Trixie. Hindi na niya alam ang gagawin niya . Meron siyang naiisip na paraan kaso hindi iyon pwede .
"Hindi ko alam Trixie. Makakahanap ako ng pera, Huwag ka lang magalala." Hindi siya pwedeng maghiram kay Donella dahil malaki na ang utang niya sa pamilya ng kaniyang kaibigan. Nahihiya na siya sa magulang ni Donella.
Wala na siyang magagawa kundi lumapit kay ZEKE at hayaan ang gusto niyang gawin . Agad siyang nagpaalam kay Trixie lalabas na sana siya sa ospital kaso hinarang na siya ni Zeke.
"Pumayag ka sa gusto ko at babayaran ko ang operasyon ng iyong ina ." Bigla niyang hinawakan mukha ni Althea. Wala ng magagawa si Althea kundi pumayag siya .
"Oo, Pumapayag na ako . " Agad siyang hinawakan ni Zeke sa kamay pero bumitaw siya . "Tsk. Tsk. Tsk . Relax. Althea .. Nagbayad na ako sa ospital tapos na ang problema mo . Halika pumunta muna tayo sa bahay ko ." Sumunod na lang si Althea kay Zeke.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Zeke sa kaniya . Basta ang mahalaga para sa kaniya . Gagaling ang kaniyang pinakamamahal niyang ina . Hindi niya kakayanin kung pati ang kaniyang ina ay mawawala pa .
Nawala na ang kaniyang Itay kaya ayaw na niyang maulila . Nasa sasakyan na sila at katabi siya ni Zeke sa Backseat. Tahimik lang silang nakaupong dalawa ng biglang hawakan siya sa kamay ni Zeke.
"You're mine now. Althea Dizon.." Hindi siya makapakali sa ginagawa ni Zeke dahil tinigtignan siya ng malagkit ni Zeke.
"Ano ba?! Huwag mo nga akong tignan ng ganiyan! Kakairita!" Galit na sabi ni Althea pero napatawa ng malakas si Zeke . Pinakinggang niya ang tawa ni Zeke. Ibang iba sa dating Zeke na nakilala niya .
"You will be my Slave Althea. So be kind to your master." Sabi ni Zeke sa kaniya .
Nagbuntong hininga na lang si Althea . Wala na nandito na ako . Hindi ko na maibabalik ang desisyon ko ..
"Bumaba ka na . Umuwi ka at magpahinga .. Mamaya na lang natin pagusapan."
Nabigla si Althea sa desisyon ni Zeke. Agad naman siyang bumaba sa sasakyan .
Habang siya ay nasa bahay ay wala siyang iniisip kundi ang desisyon kung bakit siya pumayag na maging alipin ni Zeke..
Dahil hindi siya makatulog, Minabuti niya munang maglakad-lakad sa labas . Nakita niya si Zeke na nakikipag-away sa mga lalaki .
Agad siyang tumakbo papunta kay Zeke at pinigilan . "Hoy! Tama na yan! Ano ba!" Dahil sa pagpigil ni Zeke sa lalaking kaaway ni Zeke ay napatumba siya dahil itinulak siya nito "Miss! Umalis ka nga sa tabi ko.!"
Nakita ito ni Zeke at mas lalo siyang nagalit sa lalaking kaaway niya . Wala siyang awang pinagsuntok-suntok niya ito hanggang sa malumpasay sa sahig.
"Tama na Zeke! Ano ka ba?!" Bigla naman huminahon si Zeke sa sinabi ni Althea . Tinignan lang siya ng masama ni Zeke at agad na siyang umalis.
+++
BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
Fiksi UmumAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...
