Chapter 14

12.1K 92 3
                                        

"Ate?! Bilisan mo diyan! Ang bagal!" Nagmamadaling nagbihis si Althea dahil kasalukuyan naiinis si Trixie kay Althea.

"Sandali lang naman!" Kinuha na niya ang kaniyang Bag at dali-dali na silang lumabas at hindi na nakapagpaalam sa kanilang ina. 

Lumabas sila at naghanap na ng Jeep upang masakyan nila papunta sa kanilang eskwelahan ng may makita na sila at ipinara nila ito upang makasakay.

Huminto ang Jeep at sila'y sumakay na . Kumuha na ng barya si Althea sa kaniyang Wallet upang magbayad. "Paabot po." Pero walang nakikinig at kumukuha ng kanilang bayad.

"Paabot po." Ulit ni Althea.

Dahil sa mainit ang ulo ni Trixie ay nagtaray ito sa mga pasahero. "Hello?! Hindi niyo ba nakikita na pinapaabot ng ate ko yung bayad! WALA BA KAYONG MGA KAMAY!"

"Ang Arte mo!" Sagot ng isang dalaga.

"Ako ang maarte?! Ikaw nga ang Maarte dahil sa ayaw mong kunin ang bayad namin. Kung ako maarte ikaw naman PANGIT! Ang pagiging Maarte nababago pero yang pagmumukha mo hindi na mababago."

---

ALTHEA

Nakababa na kami at tahimik lang ako, Alam ni Trixie na kapag ganito ako ay may nagawa siyang kasalanan. 

"Hindi tama ang inasal mo sa doon sa Jeep." Malamig kong sabi sa kaniya.

"Ako ba ang may kasalanan?"

"Oo ikaw! Mali ang nagawa mo , Hindi ka namin tinuruan para maging bastos!"

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon