"Althea, Halika na.." Nakatingin siya sa bintana at nakatulala habang hawak-hawak niya ang tiyan nito. Simula nawala ang Anak nito, Hindi na siya nagsasalita o ngumingiti man lang. Ang Althea na nakilala at minahal nila ay nawala. Isa na itong Babaeng tulala at hindi nagsasalita.
Tumayo na si Althea at tinignan muli ang kwarto nito, Inalala niya ito kung saan nangyari ang isang gabi na naramdaman niya ang pagmamahal ni Zeke. "Sandali." Nagulat ang kaniyang Papa dahil nagsalita ito.
Gusto niya munang maghintay ng kaunti nagbabakasaling pumunta si Zeke dito upang pigilan siya, Meron parte pa rin sa kaniyang puso na Patawarin si Zeke pero Habang naiisip niya si Zeke, Galit ang namamayani dito.
"Althea.. Pumunta ka na lang sa Sala kapag handa ka na." Sinarado nito ang pinto at umalis na ang kaniyang Papa, Naiwan itong umiiyak at kinakausap ang Baby nito. "Baby? Diyan ka lang ha? Alam kong malungkot ka ngayon pero babawi ako sayo. Pangako iyan."
Tinanggal nito ang Necklace na binigay sa kaniya ni Zeke at iniwan sa Kwarto niya, Iiwan na niya ang lahat ng memorya niya kay Zeke. Pinunasan nito ang kaniyang luha at umalis na sa kaniyang kwarto.
Lungkot ang namamayani sa kaniyang mukha, Ni isang Ngiti hindi na niya maibibigay kung kanino man. Lubos ng nasaktan ang kaniyang puso dahil sa nangyari sa kaniya.
Hindi niya namalayan na sobra na pala ang kaniyang ginagawa, Hindi niya minahal ang kaniyang sarili at sinisisi niya ang kaniyang sarili at Zeke dahil sa nangyari sa kaniyang Anak.
"Anak? Halika na.." Ngumiti ang kaniyang Mama at tinignan lang siya nito. Masyadong masakit ang nangyari kay Althea at hindi na niya kayang ngumiti.
"Sandali lang po.." Ayaw niyang sabihin na hinihintay niya si Zeke, Hinihintay niya ang kaniyang minahal na Lalaki. "Bakit? Sino ba ang hinihintay mo? Ayaw mong ipaalam kay Donella at Gray na aalis na tayo." Hindi niya pinaalam kung kanino man ang nangyari sa kaniya pati na rin ang pag-alis nito. Gusto niyang iwanan lahat ng tao na konektado sa kaniyang nakaraan.
Hindi niya sinabi kung sino ang hinihintay nito dahil baka ayaw ng kaniyang Mama ang hintayin si Zeke.
Makalipas ang Isang Oras wala pa rin Zeke na naghihintay, Si Zeke lang ang nakakaalam na Aalis na ito pero hindi man lang siya nagpakita. "Anak? Late na tayo.. Halika na." Wala na itong magawa kundi ang umalis na..
"Pangako ko sayo Zeke, Babalik ako dito at sisiguraduhin kong hindi mo na makikita ang minahal mong si Althea, Ipapakita ko sayo na hindi na kita kailangan." Sa isip ni Althea, Binigyan na niya ito ng Pangalawang pagkakaton pero hindi siya nagpakita.
Nasaktan siya dahil dito, Umaasa siya na magiging Okay ang lahat pero hindi pala. Umalis na sila sa Bahay kasabay ng Pag-alis ng pagmamahal nito kay Zeke..
AUTHORS NOTE:
MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT! MARAMI SALAMAT SA PAGBABASA NG DESIRE THE CLIMAX AT LUBOS AKONG NATUTUWA DAHIL MARAMI "DAW" ANG KINILIG AT NAIYAK DAHIL SA GINAWA KO. MASAYA AKO DAHIL NATAPOS NA ITO.
MARAMING SALAMAT SA NATITIRANG MAMBABASA, MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA NITO! HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO AKO NATUTUWA SA TUWING NAGCO-COMMENT KAYO.
BOOK 2: DESIRE HIS CLIMAX
ISIPIN NIYO NA KUNG ANO ANG MAGIGING PLOT NITO PERO WAHAHA! AKO NA ANG BAHALA SA PLOT AT ENDING DAHIL ALAM KO NA!
SALAMAT!
ANG PAG-UPDATE KO AY TWICE A WEEK, EVERY SATURDAY AND SUNDAY LANG.. PASYENSIYA NA DAHIL MAGIGING FOCUS AKO SA AKING PAG-AARAL. :)
BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...
